^

PSN Showbiz

John Lloyd, binabalikan si Ciara!

-
Mismong si Ciara Sotto ang nagsabing madalas siyang tini-text ngayon ni John Lloyd Cruz at kung minsan ay sinusorpresa pa siya ng dalaw ng aktor sa kanyang show na ang gustong mangyari ng aktor ay kalimutan ang lahat at magsimula uli sila ng panibagong yugto sa kanilang relasyon.

Naging honest naman ang aktres sa pag-amin na hanggang ngayon ay may puwang pa rin sa puso niya ang aktor. Hindi ganoon kadali sa kanya na kalimutan ang naging samahan nila kaya sa ngayon ay pinag-iisipan muna niya lahat ng mga susunod niyang hakbang dahil hanggang maari, ayaw na nitong magkamaling muli.

Maganda ang kanilang samahan ngayon. Ang ginagawa na lamang ni Ciara ay makipag-usap sa Itaas at itanong kung ang mga nangyayari sa kanila ni John ay kagustuhan Niya para mapaghandaan uli niya kung magkakabalikan sila dahil parang na-trauma na ito sa pag-ibig at ayon sa kanya, hindi pa siya handa sa panibagong relasyon.

Samantala, inamin ng aktres na minsan sila lumabas ni Len Oreta II at doon niya naramdaman ang kabaitan ng anak ng senadora. Minsan pinadalhan siya ng isang cake na paborito niya na binigyan ng malisya ng iba dahil para sa kanya, sign of thoughfulness yon. Magkaibigan lang daw sila. — Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

CIARA

CIARA SOTTO

ITAAS

JOHN LLOYD CRUZ

LEN ORETA

MAGANDA

MAGKAIBIGAN

MINSAN

MISMONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with