^

PSN Showbiz

Angel Locsin,ayaw mag-bold !

RATED A - Aster Amoyo -
Personal na nilinaw ni senatoriable Lito Lapid na hindi nila ginagamit na mag-ama, si Kris Aquino, para sa kanilang political campaign. Kinausap daw niya ang anak na si Mark tungkol sa issue, pero sinabi raw nito sa kanya na seryoso ito sa panliligaw kay Kris, at wala raw siyang magagawa na nagkakilala sila ni Kris nang panahon na ng kampanya.

Kaya sabi ni Lito, kung sasabihin daw nina Kris at Mark na gusto na nilang magpakasal bukas na bukas din, papayag siya para hindi masabing ginagamit niya si Kris. At sa tanong sa kanya kung gusto niya si Kris para kay Mark, kung 100% daw ang pinakamataas, 100% niya gusto si Kris kay Mark, dahil binatang-binata raw naman ang kanyang anak.
* * *
Si Ms. Rosemary "Baby" Arenas na ang producer sa one-night concert sa Araneta Coliseum on April 30, titled Andrea Bocelli Live in Manila with ABS-CBN as co-presentor in cooperation with the Padre Pio Lend-A-Hand Foundation na isa rin sa beneficiaries tulad ng Bantay Bata, Philippine National Red Cross, the Ateneo AHS ’79 Foundation and the Mt. Pinatubo Hidden Temple Shrine Foundation sa Zambales.

Ilan sa mga kondisyon ni Bocelli, ay ang pagkuha ng sponsor sa show. Dahil naka-contract ito sa Armani, hindi pwedeng kumuha ng anumang brand, si Bocelli rin ang nagsabi kung kailan siya darating ng Pilipinas, sa April 28 pa iyon, hindi pwedeng magsabi si Ms. Arenas kung ilan lamang ang pwedeng isama ng tenor, pero natuwa siya nang pumayag si Bocelli na ang kanyang conductor na si Marcello Rota na lamang ang isasama plus his special guest, Maria Luigia Borsi at ang local 90-piece Padre Pio Symphony Orchestra ang mag-a-accompany sa kanya. At sa mga ticket holders ng P500, P2,000, P3,000, P5,000, P10,000 and even the P15,000, kailangang nakaupo na kayo sa inyong mga seats by 7:30 p.m. dahil ang concert ay magsisimula eksaktong 8:00 p.m. tulad sa nakasaad sa kontrata. Wala nang papapasukin kapag ongoing na ang concert, kahit pa sa mga pulitiko na sa paniniwala ni Ms. Arenas ay 99% manonood dahil gusto nilang makita sila ng mga tao, 20,000 of them, na nanonood din ng isang concert for charity.
* * *
Walang katotohanan na magbu-bold na si Angel Locsin. May mga lumabas kasing balita na papasukin na raw ni Angel ang pagbu-bold kaya pumayag siyang gumawa na ng movie na kasama ang dalawang sexy stars na sina Ara Mina at Aubrey Miles, ang Singles for Regal Entertainment. Hindi raw bold movie ang Singles at wala kahit isang bold scenes na gagawin sina Ara at Aubrey. Although nagpasubali na rin si Angel na hindi siya nagsasalita ng tapos, pero sa ngayon, wala pa raw sa isip niyang pasukin ang ganoong klase ng pelikula. Lagi na ang pumapasok daw sa isip niya ay yumaong boyfriend na si Miko Sotto.
* * *
Halatang galit si Cheska Garcia sa kung sinumang gumawa ng issue sa kanya tungkol kay senatoriable Bong Revilla. Sabi ay sila na raw ngayon ni Bong at minsan pa nga raw ay nahuli sila ng wife nitong si Lani Mercado. Hindi raw niya kilala nang personal si Bong at ang unang-unang naapektuhan daw nito ay ang kanyang ama kaya nagkaroon siya ng problema kung paano ipaliliwanag dito na hindi totoo ang issue.

Kahit nga ang mag-asawang Bong at Lani ay nakikiusap na tigilan na iyon, kung ginagawa raw iyon dahil kandidato nga si Bong, huwag na raw lamang mandamay ng mga walang kinalaman.
* * *
For three days, naging seryoso ang Eat Bulaga na nagsi-celebrate na ng kanilang 25th anniversary, from Holy Monday to Holy Wednesday, sa pamamagitan ng pagpi-present ng tatlong drama, mula pa rin sa TAPE Inc. Si Direk Joel Lamangan ang nagdirek ng Ama at Anak na ginampanan nina Vic at Oyo Boy Sotto, with Toni Rose Gayda, Pia Guanio, Ruby Rodriguez and Paolo Ballesteros. Alalay naman ang episode na nagtampok kina Joey de Leon at Janno Gibbs, with Gina Alajar, Toni Gonzaga, Leila Kuzma, Jose Manalo and Teri Onor, directed by Jose Rowell Ikamen.

Ngayong Wednesday, ang huling episode ay Anghel na sinulat at dinirek ni Bibeth Orteza at muling mapapanood ang husay sa pagganap ni Aiza Seguerra, with Allan K, Francis Magalona, Michael V., Jimmy Santos, Wally and Alicia Mayer. Magri-resume ng broadcast ang Eat Bulaga sa April 12.

AIZA SEGUERRA

BOCELLI

CENTER

EAT BULAGA

KUNG

MS. ARENAS

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with