^

PSN Showbiz

Piolo, wala munang tatanggaping commitment

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
From the start pangarap na talaga ni Piolo Pascual na mag-concert. Pero hindi niya ini-expect na sa April 24 na at sa Araneta Coliseum pa. "Pangarap ko hanggang 5,000 lang ang maa-accommodate, pero Araneta Coliseum ang ibinigay sa akin," he said na medyo shy pa sa kanyang pagiging concert artist.

Accepted naman kasi niya na more than a singer, actor talaga siya although bata pa lang siya mahilig na talaga siyang kumanta. At kasama sa mga favorite niyang kantahin noon, ang mga songs ni Basil Valdez na kasama sa guest niya sa kanyang first ever major concert.

Kaya naman todo rehearse ang ginagawa niya para hindi niya ma-disappoint ang Star Records na first timer sa pagpo-produce ng concert.

"Everytime na pwedeng mag-rehearse, ginagawa namin."

Starting next week din, wala muna siyang tatanggaping commitment as in concentrate muna siya sa rehearsal at pahinga nang husto hanggang sa matapos ang concert. Kahit ang taping nila ng Mangarap Ka ay tigil muna.

"Nakakakaba pero very positive ang feeling ko. Alam kong magiging maganda ang outcome ng show."

Hindi naman kasi lahat ng nagko-concert sa Araneta ay napupuno ang naturang venue. "I’m very sure na susuportahan ako ng mga fans ko," he said in a previous interview.

Actually, hindi na bago kay Piolo ang mag-concert dahil nagko-concert tour naman sila ng Hunks. "Pero iba ‘yun eh. Marami kang kasama, marami kaming humaharap sa tao. Unlike dito, talagang solo ka lang. Tapos, first time pang magpo-produce ng Star Records and then ire-record pa nila sa DVD. Kaya kailangan talagang trabahuhin," he adds.

Gustong i-justify ni Piolo ang title ng concert na "My Gift." "Since "My Gift" ang title, gusto kong maging gift ito sa lahat ng manonood bilang pasasalamat sa suporta nila sa akin, sa career ko." Part ng proceeds ng concert ang Bantay Bata 163 ng ABS-CBN.

One week ang gap ng concert nila ng Italian blind tenor na si Andrea Bocelli na part din pala siya. Pero hindi siya kakanta sa concert ni Bocelli, tatayo lang sila sa stage.

At any rate para sa "My Gift" concert inquiries, call Ticketnet at 915-5555 or Star Records Concert Desk at 415-5834 and 415-5835.
* * *
Hindi naman pala totoong walang nanliligaw kay Regine Velasquez kaya wala siyang boyfriend. In fact, kung hindi pa sa isang kuwentuhan, hindi namin malalaman na nanligaw pala sa kanya si Atty. Roman Romulo, anak ni Executive Secretary Bert Romulo na ngayon ay tumatakbong congressman ng Pasig. As in pinapadalhan daw noon ni Roman si Regine ng flowers and fruits. At hindi lang ‘yun, nag-try daw si Roman kausapin at tawagan si Regine pero walang nangyari.

At ang the height, twice pang nag-try si Roman na idaan kay Cacai ang kanyang panliligaw. Pero nothing happens. As in dedma lang ang songbird.

Noon pa kasi, crush na ni Roman ang singer/actress. Actually, hindi na nga ma-recall ng tumatakbong congressman ang title ng first concert nito na pinanood niya.

As much as possible ayaw sanang pag-usapan ni Roman ang tungkol sa panliligaw niya kay Regine. Pero napilit siya dahil siya ‘yung na-blind item na admirer ng songbird.

Anyway, sa personal side naman ni Roman, kino-consider niyang mana siya sa amang si Executive Sec. Bert Romulo. Tulad kasi ni Sec. Romulo, hardworking, dedicated, disiplinado at may malasakit si Roman sa kanyang mga kababayan.

Bata pa lang siya, binabantayan na niya ang bawat galaw at kilos ng kanyang ama na naging senador kung saan naging majority floor leader sa loob ng limang taon at naging chairman ng Senate committee on banks, currency and financial institutions.

Unang nag-join sa gobyerno si Sec. Romulo sa panahon ni President Cory Aquino bilang miyembro ng economic team noong 1986. Naging Secretary of Budget and Management, Chairman of the Development Budget Coordinating Committee at member ng Monetary Board.

"Natatandaan ko, pag may meeting ang daddy ko gusto ko laging sumama. Kahit may klase ako noon, nakikiusap ako sa kanya kung pwedeng sumama," he recalls.

Nagka-college pa lang siya noon, tumutulong na siya sa mga paper works ng daddy niya. "Gusto ko agad no’ng maka-graduate para mag-trabaho na," dagdag niya.

Naka-graduate si Roman ng B.A Economics sa University of the Philippines. Pero hindi siya nakontento sa nasabing kurso. Nagpatuloy siya sa abogasya tulad ng kanyang daddy na graduate ng Bachelor of Laws sa Unibersidad de Madrid sa Spain.

"Gusto ko kasi talagang sundan ang yapak ng daddy ko. Pakiramdam ko, kung hindi ako kukuha ng law, hindi ko maaabot ang mga narating ng daddy ko," sabi ni Roman na hanggang ngayon ay naghahanap pa ng babaing pakakasalan.

Hindi nagtagal, naka-graduate siya at agad nakapasa sa bar, taong 1995.

Naging associate sa Sycip Salazar Hernandez & Gatmaitan Law Offices noong 1996 hanggang 1999. Hindi nagtagal, naging senior associate na siya sa Sycip Salazar Hernandez & Gatmaitan Law Offices hanggang sa kasalukuyan.

Corporate lawyer si Roman. Karamihan sa kasong hawak niya ay special projects, financing at corporate services. "Nagbibigay ako ng advice tungkol sa investments at corporate structuring, corporate reorganization at iba pang problema tungkol sa financial na usapin sa isang kumpanya," paliwanag ni Roman tungkol sa kanyang pagiging abogado.

"Nagsisimula pa lang ako bilang abogado. Marami pa akong pangarap na gustong maabot."

Isa sa mga pinapangarap ng binatang anak ni Sec. Romulo ay ang subukan ang pulitika at maging bahagi ng pag-unlad ng bayan ng Pasig. "Lagi ko no’ng sinasabi sa daddy ko na gusto ko ring maging senador. Pero alam kong hindi ko pa kaya. Saka gusto ko munang magsimula sa Kongreso. Matagal na akong naka-prepare sa labang ito," pagtatapat ni Roman.

"Alam ko na rin ang gusto kong gawin sa Pasig. Isa na rito ay ang tumulong sa mga residente ng Pasig na hanggang ngayon ay nakatira pa rin sa squatters’ area. Akala lang ng karamihan ay puro mayayaman ang nakatira rito. Marami-rami ring mahihirap sa lugar namin," dagdag niya.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]/[email protected]

CONCERT

LANG

MY GIFT

NIYA

PASIG

PERO

ROMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with