^

PSN Showbiz

Ang kalbaryo ng mga kontrabida

-
Pagbabagong buhay ang tema ng Extra Challenge ngayong Semana Santa. 

Dalawang batang kontrabida at dalawang mataray na komedyante ang pinagsama-sama upang akyatin ang misteryosong Bundok Banahaw. 

Madrama ang mga challenge na nakahanda para kina Alessandra de Rossi, Tin Arnaldo, at mga stand-up comedian na sina Poyay at Clifford. Mahaba at mahirap ang kanilang lakaran.  Inaasahang sa kalbaryong ito’y unti-unting lalabas ang tunay na saloobin ng mga challenger.

Susundan nila ang Sta. Lucia River paakyat ng bundok.  Madulas ang daan at panay madadapa ang mga challenger.  Susubukan nilang sumiksik sa maliit na kuwebang pinal ang husgado. May isang kahit ilang beses magpumilit ay hindi makakapasok sa kuweba. Sino kaya ito?

Gabi ang trek ng grupo paakyat ng Banahaw. Hindi pwedeng maglakad ng may katabi dahil manipis at matarik ang trail.  Asaran, iyakan at away ang matutunghayan sa pag-akyat na ito.  Sa tuktok naman ng bundok, sa lugar na pinangalang Kalbaryo, may nakaambang sorpresa. 

Alamin kung ano ito sa "Kalbaryo" ng mga kontrabida, mula Lunes hanggang Miyerkules ng Semana Santa sa Extra Challenge.

vuukle comment

ALAMIN

ALESSANDRA

ASARAN

BUNDOK BANAHAW

EXTRA CHALLENGE

KALBARYO

LUCIA RIVER

SEMANA SANTA

TIN ARNALDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with