Aktres, pinilit isayaw ang isang photographer
April 5, 2004 | 12:00am
Naibulong ng isang kaibigang taga-showbiz ang tungkol sa sikat na aktres na ito na kapag nakainom ng alak ay ibat ibang gimik ang ginagawa. Nagpunta ng Boracay ang seksing aktres kamakailan kasama ang kanyang barkada.
Isang gabi ay nagkatuwaan ang magkakabarkada na magpunta sa isang bar. Nagkainuman sila at medyo tipsy na ang aktres.
This time, iba naman ang kanyang nakatuwaang gawin. Hinila-hila ang isang photographer para isayaw. Kaso ayaw ng lalaki pero natsa-challenge ito (aktres) at pilit na hinila pa rin ang photographer para isayaw sa dancefloor.
Nagkatinginan ang ibang naroon sa bar at hindi sukat akalain na ganito pala si ..... kapag nakakainom.
Mainstay ang aktres sa isang teleserye at di nababakante sa telebisyon. Naging kontrobersyal ito nang minsang may makaaway ding sexy star na gumagawa na rin ng pangalan ngayon.
Dumating sa campaign rally ni Alma Moreno kamakailan si Rudy Fernandez. Todo-suporta ang ginagawa ng action star sa ina ng kanyang anak na si Mark Anthony Fernandez. Darating din sana si Lorna Tolentino na naging close din kay Ness kaya lang hindi ito makaalis sa taping ng Hanggang Kailan.
Consistent ang mataas na rating ni Ness bilang number one sa pagiging mayor ng Parañaque lalo na sa mga kababaihan.
Nakikiusap si Ness na sanay huwag magkaroon ng siraan sa kanilang pangangampanya dahil balitang ipinagkakalat daw ni Anjo Yllana na kandidato naman sa pagka-bise-alkalde ng kalaban niyang partido na bumaba ang rating ni Ness sa pagka-mayor.
Nakakwentuhan namin si Lou Veloso sa kaarawan kamakailan ni Ben dela Cruz at nasabi nito na pagkaraan ng labinlimang taon ay natupad ang kanyang pangarap na maikalat ang community theater sa kanilang lugar sa Sta. Ana. Ngayon ay mayroon na silang isandaang miyembro na galing sa ibat ibang sektor ng lipunan kung saan may driver, teacher, mga ina ng tahanan at kahit mga out-of-school youth.
Ang initial production ng Martir sa Golgota ay nagpapakita sa paghihirap at pagpapako sa krus kay Jesus.
Noong 1995 ay pumasok sa pulitika si Lou para makatulong sa theater company. Sinuwerte naman itong manalo bilang konsehal sa 6th district ng Maynila. Matapos ang ilang taon ay nakakuha ito ng maliit na lugar sa Plaza Hugo Sta. Ana na ginawa niyang Sta. Ana Arts Center.
Taun-taon ay ginugunita nila ang Semana Santa sa pagsasadula sa entablado ng Martir sa Golgota kung saan mayroon silang ibat ibang tema. Kinapapalooban nila ang stageplay ng komentaryo para hindi masayang ang pagkamatay ni Kristo. Ipinaliwanag pa rin ni Lou na ini-integrate nila ang paksa sa pamilya, droga, abortion at peace and order.
Ang Martir sa Golgota ay idaraos sa limang lugar ng ikaanim na distrito mula Lunes Santo hanggang Biyernes Santo, ngayong araw April 5 sa St. Jude Parish, San Miguel April 6-Munting Isla, V. Mapa Extension; April 7 Plaza Hugo, Sta. Ana; April 8-Mabolo Basketball Court, Obesis St. Pandacan; April 9-J. Posadas, Punta, Sta. Ana.
Kung gusto ninyong maging makabuluhan ang Semana Santa ay panoorin ang Martir sa Golgota.
Nagkita kami ni Carlos Morales sa Whistle Stop kung saan kasama nito ang kanyang non-showbiz gf. Maganda ito at sexy. Naikwento nito na kasama siya sa Te Amo bilang bulag. Mai-in love sa kanya ang sidekick ni Iza Calzado na si Wilma Doesnt.
Inamin ng aktor na wala siyang pelikulang ginagawa ngayon. "Mabuti na lang Tita at may teleserye naman ako kaya kahit paano ay kumikita rin ako." Pahinga na rin ako sa paggawa ng mga bold o sexy movies," aniya.
Isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz noong Sampaguita days si Gina Pareño. Kung tutuusin, siya rin ang original Papaya Queen dahil sa laki ng boobs 44-C ang size nito. Hindi ito retokado kaya talbog ang lahat ng sexy o bold stars sa laki ng boobs niya.
Kung ang ibang kasabayan niyang artista ay nagpa-facelift para magmukhang bata ay hindi siya dahil takot siyang ipagalaw ang kanyang mukha. Pero inamin nito na ang ipinatanggal lang niya ay ang kanyang eyebags.
Si Ara Mina ang nagma-manage sa career ng kapatid na si Christine Reyes ng StarStruck avenger. Mabilis itong gumawa ng pangalan dahil bukod sa maganda ay sexy din gaya ng kapatid. Katunayan ay marami ang nag-o-offer para gawing sexy star sa pelikula.
Hindi niya type ang magpa-sexy at kung siya ang tatanungin ay mas gusto niyang maging kontrabida lalo na yung nang-aapi. Naniniwala kasi ito na mas tumatagal ang kontrabida.
Isang gabi ay nagkatuwaan ang magkakabarkada na magpunta sa isang bar. Nagkainuman sila at medyo tipsy na ang aktres.
This time, iba naman ang kanyang nakatuwaang gawin. Hinila-hila ang isang photographer para isayaw. Kaso ayaw ng lalaki pero natsa-challenge ito (aktres) at pilit na hinila pa rin ang photographer para isayaw sa dancefloor.
Nagkatinginan ang ibang naroon sa bar at hindi sukat akalain na ganito pala si ..... kapag nakakainom.
Mainstay ang aktres sa isang teleserye at di nababakante sa telebisyon. Naging kontrobersyal ito nang minsang may makaaway ding sexy star na gumagawa na rin ng pangalan ngayon.
Consistent ang mataas na rating ni Ness bilang number one sa pagiging mayor ng Parañaque lalo na sa mga kababaihan.
Nakikiusap si Ness na sanay huwag magkaroon ng siraan sa kanilang pangangampanya dahil balitang ipinagkakalat daw ni Anjo Yllana na kandidato naman sa pagka-bise-alkalde ng kalaban niyang partido na bumaba ang rating ni Ness sa pagka-mayor.
Ang initial production ng Martir sa Golgota ay nagpapakita sa paghihirap at pagpapako sa krus kay Jesus.
Noong 1995 ay pumasok sa pulitika si Lou para makatulong sa theater company. Sinuwerte naman itong manalo bilang konsehal sa 6th district ng Maynila. Matapos ang ilang taon ay nakakuha ito ng maliit na lugar sa Plaza Hugo Sta. Ana na ginawa niyang Sta. Ana Arts Center.
Taun-taon ay ginugunita nila ang Semana Santa sa pagsasadula sa entablado ng Martir sa Golgota kung saan mayroon silang ibat ibang tema. Kinapapalooban nila ang stageplay ng komentaryo para hindi masayang ang pagkamatay ni Kristo. Ipinaliwanag pa rin ni Lou na ini-integrate nila ang paksa sa pamilya, droga, abortion at peace and order.
Ang Martir sa Golgota ay idaraos sa limang lugar ng ikaanim na distrito mula Lunes Santo hanggang Biyernes Santo, ngayong araw April 5 sa St. Jude Parish, San Miguel April 6-Munting Isla, V. Mapa Extension; April 7 Plaza Hugo, Sta. Ana; April 8-Mabolo Basketball Court, Obesis St. Pandacan; April 9-J. Posadas, Punta, Sta. Ana.
Kung gusto ninyong maging makabuluhan ang Semana Santa ay panoorin ang Martir sa Golgota.
Inamin ng aktor na wala siyang pelikulang ginagawa ngayon. "Mabuti na lang Tita at may teleserye naman ako kaya kahit paano ay kumikita rin ako." Pahinga na rin ako sa paggawa ng mga bold o sexy movies," aniya.
Kung ang ibang kasabayan niyang artista ay nagpa-facelift para magmukhang bata ay hindi siya dahil takot siyang ipagalaw ang kanyang mukha. Pero inamin nito na ang ipinatanggal lang niya ay ang kanyang eyebags.
Hindi niya type ang magpa-sexy at kung siya ang tatanungin ay mas gusto niyang maging kontrabida lalo na yung nang-aapi. Naniniwala kasi ito na mas tumatagal ang kontrabida.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended