^

PSN Showbiz

Lani,may sinugod na young star dahil kay Bong ?

- Veronica R. Samio -
Tigas ng pagtanggi ni Lani Mercado sa isyu na sinugod daw niya ang young actress na si Cheska Garcia na nali-link ngayon kay Bong Revilla. Ayon sa balita ay nakita niya na magkasama ang dalawa.

"Walang ganung isyu," panimula ni Lani na abala rin sa kampanya ng kanyang asawa na tumatakbong senador sa ilalim ng K4. "Kung totoo na nakita ko sila ay baka hindi lang pagsugod ang gagawin ko, di ko alam pero hindi siguro ganun lang ang magiging reaksyon ko," dagdag pa ni Lani na buo ang pagtitiwala sa kanyang asawa. "Kung yung trabaho niya sa showbiz pinapaghihintay niya hanggang sa makatapos ang kampanya, eto pa kayang pakikipagkita sa babae ang magagawa niya ngayon?" tanong pagtatanggol ni Lani.
* * *
Isa sa mga naging produkto ng That’s Entertainment na masasabi kong may "k" ay si Shirley Fuentes. Hindi lamang ito maganda, magaling pa ring artista at marunong kumanta. Kaya nga nung mawala ang That’s ay ang pagkanta ang pinagkakitaan niya hanggang sa makapunta siya sa ibang bansa para kumanta.

Si Shirley yung young star na sabay na nawalan ng kanyang mga magulang nang mamatay ang mga ito sa isang aksidente sa sasakyan. Hindi ito naging dahilan para mawalan si Shirley ng loob. Katunayan, ito ang nagbunsod sa kanya para lalo pang magpursigi since wala na siyang masasandalan pang iba kundi ang sarili niya.

May asawa na si Shirley, isang Pinoy din na nagtatrabaho sa Korea pero, wala pa silang anak. "Wala pa akong anak," anang maganda pa ring artista na nagpasyang magbalik-showbiz.
* * *
Sa hirap ng buhay ngayon, marami nang artista ang nagtatanong kung may honorarium ba silang tatanggapin kapag nagpu-promote sila sa TV. Natatawa na lamang ang mga talent coordinators dahil kalakaran na kapag nagpu-promote ka ng anumang proyekto mo sa TV tulad ng pelikula, show, concert, ay wala kang bayad. Pero, kapag naimbita kang mag-guest sa mga palabas, mapa-drama man ito, sitcom, talk shows atbp, saka ka may tatanggaping bayad.

Kaya naman kahit pelikula na nila ay tamad pang mag-promote ang mga artista dahil magastos mag-guest, kailangan ng damit, pamasahe at pampaayos na kadalasan ay hindi na ibinibigay ng mga producer at iniaasa na lamang sa mga artista ng pelikula nila ang gastos. Tsk. tsk. tsk.

vuukle comment

BONG REVILLA

CHESKA GARCIA

KAYA

LANI

LANI MERCADO

NIYA

SHIRLEY FUENTES

SI SHIRLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with