^

PSN Showbiz

Heart & Richard: Youth Achievers

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Sina Heart Evangelista at Richard Gutierrez ang napili ko na pagkalooban ng Youth Achievement Awards sa darating na FAMAS Awards.

May mga nagtanong sa akin kung bakit ang dalawa ang napili ko, including the entertainment editor of this paper pero, sinabi ko na talagang maraming na-achieve ang dalawa for the past year at talagang deserving sila ng kanilang award.

I believe naman na lahat ng binigyan ko ng parangal ay nag-deliver at ngayon ay itinuturing na magagandang ehemplo ng kabataan.
* * *
Malamig pa rin ang pelikula. Akala ko dahil kumita ang Milan at Kuya ay magtutuluy-tuloy na pag-angat ng idustriya pero, nakatapos na tayo ng first quarter ng taon ay parang wala pang 10 movies ang ipinalalabas. Kung kailan medyo nasusugpo ang piracy ay saka naman walang ginagawang pelikula.
* * *
Nanghihinayang ako dahil napaka-ikli lamang ng naging buhay ng programang To The Max nina Marvin Agustin at Rica Peralejo.

Parang naapektuhan lahat dahilan sa naging kaganapan kay Dolphy sa ABS CBN. True or not, nag-create ito ng di magandang atmosphere.

Balita ko, mag-a-Amerika muna si Marvin. Baka magpapalipas muna ng sama ng loob dahil sa resulta ng pagkawala ng show niya.

Pero, ganito naman sa showbiz. Ako nga , sabay-sabay na nawala ang mga shows ko, lima lahat, ang That’s Entertainment, GMA Supershow, Saturday Entertainment at Nego-Siyete. Tumigil din ang pagpu-produce ko ng Telesine pero, hindi ako nawalan ng lakas ng loob. Hindi ako nagpatalo sa mga pangyayari, di ako bumigay.

When I started Master Showman Presents, marami ang nagsabi na losing proposition ito dahil masama ang oras, wala na raw nanonood ng ganitong time. Pero, sa pamamagitan ng show, I believe na-extend ang primetime viewing, nagkaroon pa ng mga shows sa ganitong oras sa ibang istasyon. Again, naging maswerte ako. Paano kung nagpatalo ako, di sana wala na ako sa TV ngayon.
* * *
Salvation ng mga artista ngayon ang telebisyon. Marami ang nagkakaroon ng trabaho dahil sa kanilang kasikatan. Marami rin ang dahil sa pakikisama. Sana maging maswerte silang lahat at kumita.
* * *
Nagbabalik ng alaala ko ng That’s Entertainment ang StarStruck, lalo na kung Biyernes at may show ito sa Broadway Centrum. Para kasing bumalik ang kasiglahan ng mga fans na muling nag-iingay at nagtitilian. Nakikita ko rin yung pagsisikap nilang mapangalagaan ang kanilang mga idolo, nagdadala sila ng mga streamers, posters at kung anu-ano pang paraphernalia na magpapakita ng kanilang suporta sa kanilang idolo.

Parang That’s talaga na kung saan araw-araw ay may iba ibang grupo at nagsasama-sama silang lahat tuwing Sabado. Friday naman ang live show ng StarStruck.

Sana lang ay mamintina ang kasikatan ng grupo at mas tumaas pa ang popularidad nila ng mahabang panahon.

vuukle comment

AKO

BROADWAY CENTRUM

CENTER

MARAMI

MARVIN AGUSTIN

MASTER SHOWMAN PRESENTS

PARANG THAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with