Oyo Boy naghihintay ng break bilang rapper
March 30, 2004 | 12:00am
Mula nang mamatay si Miko Sotto pinsan at bestfriend ni Oyo Boy Sotto, hindi pa uli nakakapagsulat ng kanta ang huli na isa rin sa mga libangan nito.
Nasanay kasi si Oyo Boy na laging kasama si Miko kapag sumusulat sila ng kanta. Sa pagsusulat daw kasi ng kanta, ini-express ni Oyo Boy ang kanyang sarili. Si Oyo Boy na rin ang gumagawa ng music sa mga isinusulat niyang songs since marunong naman siyang mag-gitara. Pero madalas din ay nira-rap ni Oyo Boy ang mga kanta niya na siyang hilig din ng maraming kabataan ngayon.
"Sana nga po may kumuha rin sa aking recording company. Gusto ko rin namang ma-experience na kumanta or mag-rap sa sarili kong album," asam ni Oyo Boy.
"Medyo natigil lang yung pagsusulat ko. Pero pag hindi na rin ako busy sa mga commitments ko, itutuloy ko pa rin ang pagko-compose," sabi ni Oyo Boy na nag-rap sa kantang "Paulit-Ulit" ni Danica Sotto (Dyna Music) na kasama rin sana si Miko kung buhay pa ito. Kay Miko kasi unang ipinarinig ni Danica ang "Paulit Ulit" na nagustuhan at sinang-ayunan ng yumaong aktor na kantahin ni Danica.
Sana maisip din ng GMA Records na kunin at gawan ng album si Oyo Boy. Bukod sa talented din sa music ang binata ni Vic Sotto ay kainitan din ng career nito ngayon. Baka manghinayang sila kung maunahan pa sila ng iba. Parang professional rapper ang binata ni Dina Bonnevie kapag nagpi-perform ito.
Parang hindi galing sa rock band ang international singer na si Luis Giraldo sa bago niyang album na "Day Dream" na release ng Universal Records.
Talaga namang mai-enjoy nyo ang album dahil sa smooth mellow ang pagkakahagod ng singer na sikat na sikat sa ibang bansa dahil sa de kalibre niyang Latin standards.
Ang album ay naglalaman ng 12 romantically songs tulad ng "The Days of Wine and Roses," "When Lights Are Low," "Garota De Ipa- nema," "Day Dream," "The Old Country," "What Ill Do?" "Im A Shy Guy," at "Como Fue."
Nakakatuwa ring pakinggan sa sari- ling Latin version ni Luis Giraldo ang mga kantang "Fly Me To The Moon," "Annies Song," "Besame Mucho," at "Cheek To Cheek."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended