^

PSN Showbiz

Roselle's back with a new look and a new boyfriend?

- Veronica R. Samio -
"Definitely not! Di pa naman kami break ng boyfriend ko, noh! We’re still working it out, Let’s say we’re cooling if off muna but, nothing is final yet. It’s unfair to give color to my friendship with Victor (Neri) dahil lang napapansin na nila ngayon ang friendship namin na nagsisimula way way back pa, nung Ang TV days pa. Dahil nag-break na raw sila ni Aiko (Melendez) kaya kailangang may sisihin at ako ang the most convenient dahil may problema din kami ng boyfriend ko? At dahil nakikita kaming lumalabas na dalawa? Kung ang boyfriend ko may tiwala kay Victor, sila pa ba ang wala?," panimula ni Roselle.

After a long break, bumalik si Roselle sa recording scene. This time, she’s sexier, more mature di lamang sa itsura kundi maging sa kanyang pananaw sa buhay at musical sound. Ang mga pagbabagong ito ay bakas na bakas sa kanyang ika-4th album under Viva Records, her first with the company which is produced by Side A’s Joey Benin.

Titled "Bare", mayro’n itong 12 cuts, all potential hits sa pangunguna ng isa niyang komposisyon, ang "Makakaya Ko Ba" na siya ring carrier single ng album. Dahil marahil sa nagpapakita ito ng kasalukuyang status ng kanyang pag-ibig kung kaya nagsusumigaw sa awitin ang damdamin niyang nadarama.

Hindi ibig sabihin na dahil "Bare" ang titulo ng album ay handa na rin siyang magbilad ng katawan lalo’t sinabi niya na interesado rin siyang gumawa ng pelikula sa Viva at kung bibigyan nila siya ng role na bagay sa kanyang new image,di malayong tanggapin niya ito. "I can be sexy pero di ko pa kaya yung mga daring love scenes. Hanggang pa-sexy lang ako," sabi ni Roselle. "At saka di naman ibig sabihin ng "bare" na maghuhubad na ako, ibinabadya lamang nito ang pagbibilad ko ng aking emosyon na di ko dating ginagawa," dagdag paliwanag pa niya.

Talagang seryoso siyang magpa-sexy, Katunayan, muli siyang bumalik ng gym para mag-work out. The result is a daring pictorial na inilagay sa cover ng album, plus the promo photos na kinunan ni Jun de Leon na ang kasama lamang niya habang kinukunan siya ay isang tiyahin, isang alalay, isang make-up artist at silang dalawa ng potograpo.

"The sexy image is no problem. I’m comfortable with it. I found it very classy and professionally done," pagmamalaki pa niya.
* * *
I’m glad Dolphy is still working with ABS CBN. Napaka-unfair naman kung tinanggal siya only because he’s supporting FPJ who is not just a colleague but also a friend. I am inclined to believe na hindi naman siguro ganito kagarapal ang Dos. They would have found a better time and a better way para ipaalam sa mga artista nila ang kanilang political preferences, kung meron man, pero hindi sa ganung pamamaraan, at sa isa nilang prized talent.

Oo naman, di nila makakayang takutin ang hari ng komedya dahil maraming nag-aabang at naghihintay sa serbisyo nito. Sila ang mawawalan in the long run at hindi si Dolphy. Palagay ko nga, tsismis lang ito na binigyan ng napaka-tingkad na kulay.

vuukle comment

AIKO

DAHIL

DOLPHY

HANGGANG

JOEY BENIN

KATUNAYAN

MAKAKAYA KO BA

SIDE A

VIVA RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with