Di hamak na mas guwapo pa ang mga dancers sa gay bars kaysa Viva Hot Men!
March 26, 2004 | 12:00am
Napakabilis na kumalat ang balitang sinibak ng ABS-CBN ang comedy king na si Dolphy. Mabilis namang inisip ng mga tao na ito ay dahil nagkakampanya siya openly para kay FPJ, samantalang ang mga may-ari ng ABS-CBN ay mga beneficiaries ng pagmamagandang loob ni GMA. Pero mabilis ding nagsabi si GMA, na wala siyang kinalaman sa pagsibak ng ABS-CBN kay Dolphy. Sinabi pa niyang ni hindi nga raw niya alam na may show pala si Dolphy, kahit na lumalabas sa mga internet records ng ABS-CBN na naging guest pa si GMA sa show ni Dolphy noong 2001.
Nagkaroon naman daw ng pag-uusap sa pagitan ng ABS-CBN at ni Mang Dolphy mismo, at sinabing bagsak kasi ang ratings ng kanyang show. Totoo na may mga araw na tinatalo sila ng Channel 7, pero lamang pa rin naman sa ratings ang show ni Mang Dolphy, kaya nga iginigiit ng iba na hindi ratings lamang ang problema.
Maraming mga bagay ang kailangang isipin. Hindi lamang naman isyung pulitikal iyan. Baka naman dahil sa malaking bayad kay Mang Dolphy ay nalulugi na ang ABS-CBN. Isipin ninyo, walong bilyon ang utang ng Maynilad na pag-ari ng mga Lopez sa gobyerno. Malaki pa ring halaga ang hindi naisasauli ng Meralco sa sobrang siningil nila sa mga consumers. Kahit na nga naibalik nila yang PPA sa ibang pangalan, malaki pa ring kawalan ang ipinasauli sa kanila na sobra nilang siningil. Aminin din natin ang katotohanan na bagsak naman ang iba nilang interests, kagaya ng Bayantel at iba pa nilang negosyo na hindi naman talaga kumikita. Lugi rin yang ABS-CBN sa laki ng kanilang gastos, at sa dami ng nalulugi nilang subsidiaries.
Siguro dahil lugi na nga sila kaya kailangan ng cost cutting, at isa si Mang Dolphy sa naisip nilang sibakin. Pero hindi ganoon kadali ang sumibak ng isang institusyon. Una, mapapahiya sila dahil tiyak namang may kukuhang iba kay Mang Dolphy. Hindi mo mababakante si Mang Dolphy. Hindi mo maaaring kawawain ang Hari ng Komedya. Kahit na ano pa ang sabihin mo, lalabas na inagrabyado mo si Mang Dolphy, dahil hindi pa tapos ang kontrata niya.
Kung nagawa nila yan sa isang institusyon kagaya ni Mang Dolphy, eh di lalo na sa iba pa nilang stars. Aba kailangang mag-ingat silang lahat.
Inirapan pa kami ng manager ng isang laos nang male star na kasama sa Viva Hot Men, dahil siguro sa aming comment na ang mga myembro ng grupo nila ay mukhang mga crew ng Super Ferry 14. Eh sabi nga ng blind item queen na si Wendell Alvarez, di hamak na mas guwapo ang mga dancers ng gay bar na Hercules at D Hunks kaysa sa mga myembro ng Viva Hot Men. Mukha tuloy silang hot pan de sal.
Eh yon ang commend ng mga nakakausap namin hindi namin kaya di kami dapat irapan ng manager ng laos nang male bold star na kasama sa grupong yon.
Gustong sungangain ni Alfie Lorenzo ang isang reporter-reporteran na nagsabing ang kanyang alagang si Judy Ann Santos ay binayaran daw ng isang pulitiko ng P15 milyong piso. Kung totoo nga namang nasuhulan ng ganoon si Juday, di sana maraming pera ngayon yong bata. Halata raw nag-imbento ang matandang reporter-reporteran. Sungangain nga sana ni Alfie yan, at tutulong pa kami.
Nagkaroon naman daw ng pag-uusap sa pagitan ng ABS-CBN at ni Mang Dolphy mismo, at sinabing bagsak kasi ang ratings ng kanyang show. Totoo na may mga araw na tinatalo sila ng Channel 7, pero lamang pa rin naman sa ratings ang show ni Mang Dolphy, kaya nga iginigiit ng iba na hindi ratings lamang ang problema.
Maraming mga bagay ang kailangang isipin. Hindi lamang naman isyung pulitikal iyan. Baka naman dahil sa malaking bayad kay Mang Dolphy ay nalulugi na ang ABS-CBN. Isipin ninyo, walong bilyon ang utang ng Maynilad na pag-ari ng mga Lopez sa gobyerno. Malaki pa ring halaga ang hindi naisasauli ng Meralco sa sobrang siningil nila sa mga consumers. Kahit na nga naibalik nila yang PPA sa ibang pangalan, malaki pa ring kawalan ang ipinasauli sa kanila na sobra nilang siningil. Aminin din natin ang katotohanan na bagsak naman ang iba nilang interests, kagaya ng Bayantel at iba pa nilang negosyo na hindi naman talaga kumikita. Lugi rin yang ABS-CBN sa laki ng kanilang gastos, at sa dami ng nalulugi nilang subsidiaries.
Siguro dahil lugi na nga sila kaya kailangan ng cost cutting, at isa si Mang Dolphy sa naisip nilang sibakin. Pero hindi ganoon kadali ang sumibak ng isang institusyon. Una, mapapahiya sila dahil tiyak namang may kukuhang iba kay Mang Dolphy. Hindi mo mababakante si Mang Dolphy. Hindi mo maaaring kawawain ang Hari ng Komedya. Kahit na ano pa ang sabihin mo, lalabas na inagrabyado mo si Mang Dolphy, dahil hindi pa tapos ang kontrata niya.
Kung nagawa nila yan sa isang institusyon kagaya ni Mang Dolphy, eh di lalo na sa iba pa nilang stars. Aba kailangang mag-ingat silang lahat.
Eh yon ang commend ng mga nakakausap namin hindi namin kaya di kami dapat irapan ng manager ng laos nang male bold star na kasama sa grupong yon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended