^

PSN Showbiz

Ano ba ang Electile Dysfunction at bakit hindi matapos-tapos ang pagpapalabas nito?

- Veronica R. Samio -
Isa ako sa mga nalungkot nang magpasyang mag-alsa balutan si Robert Alejandro at nilisan ang GMA7 para sundan ang mga kapwa niya taga-Probe Team sa pinagagandang ABC5.

Marami na kasing bata ang nag-aabang ng kanyang programa at siguradong mabibigo sila kahit na isang linggo lamang na mawala ang programa at maging si Robert na itinuring na nilang kuya sa ere.

Pero, hindi nagpabaya ang GMA7. Para ma-sustain ang interes ng mga bata sa art, kumuha sila ng isang bagong anghel na magdadala ng kulay at malikhaing gawain sa mga kabataan in the person of Pia Arcanghel, ang bagong Art Angel ng network. Dadalhin ni Pia ang mga kabataan niyang manonood sa iba’t ibang sulok ng bansa sa paghahanap ng madali at kasiya-siyang mga proyekto ng sining.

Ang bawat palabas ay iikot sa isang tema. Sa unang episode, "Art Fun In The Summer Sun", matututunan ng mga bata ang maging mapaglikha at interesante ang kanilang bakasyon. Sasamahan ni Pia ang mga bata sa pag-aaral ng mga bagong proyekto na ituturo ng iba’t ibang mga panauhin. Ang mga materyales na gamit sa proyekto ay madaling mahanap sa tahanan o kaya naman ay sa mga sari-sari store sa kanto. Sa "Art Ko ‘To" portion, magkakaroon ng pagkakataon ang mga bata na ipadala ang kanilang mga nilikha.

Samahan ang inyong bagong anghel sa Art Angel tuwing Sabado, 10NU, GMA simula sa Sabado, Marso 27
* * *
Masakit ang katotohanan kaya ginagawa itong katatawanan para mas magaang dalhin.

Ito ang pangunahing factor kung bakit napaka-matagumpay ng Electile Dysfunction na pabalik-balik nang napapanood sa Music Museum. Ang proyekto ay mula sa mapaglikhaing isip ng Direktor Leo Rialph at ng kanyang mga writers (who must all remain nameless). Isa itong komedi na tumatalakay sa mga presidentiables na kasalukuyang nangangampanya. Tungkol din ito sa socioeconomic at political landscape ng bansa.

"Layunin namin na ma-educate ang manonood. Hindi naman hinihiya ang mga kandidato, hindi rin namin layunin na ipakita what is obvious. It’s a musical play, a comedy, a farce, pero makatitiyak kayo na ang aming mga impormasyon ay well-researched at very updated," anang direktor.

Unang napanood ang Electile Dysfunction sa eight-night run nito nung Disyembre sa Republic of Malate. Muli itong ipinalabas sa mas malaking venue, ang Music Museum. Habang nalalapit ang eleksyon, mas dumarami ang request na ipalabas itong muli.

Sa istorya, lahat ng presidentiable at mga supporter nila ay sakay ng eroplano at bumagsak ito sa isang bar na may pangalang Gagamba. Namatay lahat ng sakay nito at napunta ang kaluluwa nila sa impyerno.

May isang problema, ang anghel na pinapunta ng Diyos sa crash site ay tinawag din ni Lucifer para sabihing wala nang lugar para sa mga namatay na kandidato na sina Ate Flow Makapidal Ayoko, Fernan Bopol, Jr., Dagul Loco at Paltik Pinky Lason. May isa pang pasahero na nagngangalang Bossing Coco Banco.

Nagpasya ang Diyos na bigyan ang ilan ng pagkakataon na muling mabuhay. Bawat isa ay ipaliliwanag kung bakit dapat silang mabuhay.

Si Nonie Buencamino si Lason, Patricia Ismael, Ate Flow, Raul Montessa, Bopol, Jr., Robie Guevara, Dagul Loco, Buboy Garovillo, Bossing, Chari Arrespacochaga. Angel Boobah at si Boy Abunda sa papel na God.

Ang komedyanteng si Jon Santos ay gumaganap ng anim na characters: Teddy Bellasnuevas, Kabayan Sosi Decaso, Senadora Lukring Leguardia, Marian Defensive Santuario at Kris Kangino. Isang rebelasyon si Joey Paras na gumaganap ng role ng Everyman.

Mapapanood ang Electile Dysfunction sa Marso 31 at Abril 1 sa Music Museum, 8:00NG. Mabibili ang tiket sa Music Museum at lahat ng Ticketworld. Yung April show, tawagan lamang si Jac B. Nimble at In Focus Productions sa 8433503/8433836/09273226388.
* * *
Inulan na naman ng puna ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo dahilan sa isyu ng diumano’y pagkakatanggal ni Dolphy sa ABS CBN. Nakasama pa ang pangyayayaring nakalimutan ni PGMA na nag-guest siya sa programa ni Pidol na Home Along Da Riles bago ito naging Home Along Da Airport kung kaya inakala ng lahat na totoo nga ang balita na may kinalaman siya sa pagkakasibak ng hari ng komedya na binigyan ng kulay pulitika dahilan sa open nitong pangangampanya para kay FPJ.

As of this writing, itinanggi ng Dos ang isyu at sinabing nagtatrabaho pa sa kanila ang komedyante habang ang pangulo ay hindi magkaroon ng panahon para bigyan pansin ang isyu at sa halip ay pinaghahati ang kanyang panahon sa kampanya at sa kanyang tungkulin para sa bansa.

ANGEL BOOBAH

ART ANGEL

ART FUN IN THE SUMMER SUN

ART KO

DAGUL LOCO

ELECTILE DYSFUNCTION

MUSIC MUSEUM

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with