Kaibigan lang ang turing ni Nadine kay Oyo Boy
March 24, 2004 | 12:00am
Sobrang pasasalamat ang inuukol ni Nadine Samonte sa Channel 7 dahil nauna pa siyang bigyan ng solo project na Ikaw Sa Puso Ko kung saan istorya ito ng dalawang magkapatid na sina Oyo Boy Sotto at James Blanco na nag-aagawan sa kanyang pagmamahal.
Maraming nagtatanong sa akin kung totoo bang nanliligaw si Oyo kay Nadine. Sinabi ng aktres na sakaling ligawan nga siya nito ay ayaw niya munang sagutin ang aktor dahil baka makasira sa kanilang pagiging magka-loveteam. Mas makabubuting magturingan na lang silang mabuting magkaibigan ayon pa sa magandang teener.
Balitang type rin itong pormahan ng StarStruck member na si Tyron Perez pero wala pa siyang panahon sa pag-ibig dahil mas prioridad nito ang gumagandang career. "Wala munang lovelife dahil bata pa ako at mahalaga ang aking pag-aartista sa ngayon. Minsan lang dumating ang magandang oportunidad na ito kaya sinasamantala ko," aniya.
Bukod sa kanyang TV show katambal si Maricel Soriano walang ibang ginagawa si Cesar Montano ngayon.
Ayon sa aktor ay mapili lang siya sa mga offers. Hinihintay din nito na maipalabas ang kanyang international movie titled The Great Raid kasama sina Benjamin Bratt at Joseph Fiennes. Iri-release ito sa Amerika ngayong summer.
Maselan ang pagbubuntis ngayon ni Sunshine Cruz kaya inuunawa ito ng asawa. Umaasa ang magaling na aktor na sanay lalaki naman ang kanilang maging anak pero kung babae uli ay magiging masaya rin siya bastat parehong magiging malusog ang kanyag mag-ina.
Nang huli naming makakwentuhan si Jennylyn Mercado ay sinabi nito na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Jiggs ng Hot Guys. Pero maraming nalilito dahil patuloy na nagpapainterbyu ang kanyang nobyo at sinasabing very much on pa rin silang dalawa kung saan maganda ang takbo ng kanilang relasyon.
Ano kaya ang reaksyon ni Mark Herras na nanliligaw naman sa magandang teener? Kung sakali mang totoo nga ang sinasabi ni Jiggs na di sila split ni Jennylyn ay alam namin ang prioridad ngayon ng StarStruck champion ay ang kanyang career na patuloy pa ring gumaganda hanggang ngayon.
Maraming nagtatanong sa akin kung totoo bang nanliligaw si Oyo kay Nadine. Sinabi ng aktres na sakaling ligawan nga siya nito ay ayaw niya munang sagutin ang aktor dahil baka makasira sa kanilang pagiging magka-loveteam. Mas makabubuting magturingan na lang silang mabuting magkaibigan ayon pa sa magandang teener.
Balitang type rin itong pormahan ng StarStruck member na si Tyron Perez pero wala pa siyang panahon sa pag-ibig dahil mas prioridad nito ang gumagandang career. "Wala munang lovelife dahil bata pa ako at mahalaga ang aking pag-aartista sa ngayon. Minsan lang dumating ang magandang oportunidad na ito kaya sinasamantala ko," aniya.
Bukod sa kanyang TV show katambal si Maricel Soriano walang ibang ginagawa si Cesar Montano ngayon.
Ayon sa aktor ay mapili lang siya sa mga offers. Hinihintay din nito na maipalabas ang kanyang international movie titled The Great Raid kasama sina Benjamin Bratt at Joseph Fiennes. Iri-release ito sa Amerika ngayong summer.
Maselan ang pagbubuntis ngayon ni Sunshine Cruz kaya inuunawa ito ng asawa. Umaasa ang magaling na aktor na sanay lalaki naman ang kanilang maging anak pero kung babae uli ay magiging masaya rin siya bastat parehong magiging malusog ang kanyag mag-ina.
Ano kaya ang reaksyon ni Mark Herras na nanliligaw naman sa magandang teener? Kung sakali mang totoo nga ang sinasabi ni Jiggs na di sila split ni Jennylyn ay alam namin ang prioridad ngayon ng StarStruck champion ay ang kanyang career na patuloy pa ring gumaganda hanggang ngayon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended