Stable ang relasyon nina Rudy at Ruffa
March 23, 2004 | 12:00am
Isang bagong henerasyon na naman mula sa Sotto clan ang pumalaot sa mundo ng musika, walang iba kundi si Danica Sotto na nag-launch ng sarili niyang CD 45 na may selftitled ding Danica na release ng Dyna Music.
Nakakapagtaka pa ba na may ibubuga rin ang dalaga ni Vic Sotto pagdating sa kantahan na ikinagulat pa ng kanyang inang si Dina Bonnevie kung bakit tinawag na pop princes ang kanyang anak na babae. Isang punk naman ang taguri kay Oyo Boy (na nag-rap sa CD ng kanyang ate) samantalang mga balladeer daw silang dalawa ni Vic.
Dream come true para kay Danica ang maging singer. Isa raw ito sa kanyang passion, ang kumanta. "Sobrang saya po na natupad yung pangarap kong maging singer. Bata pa ko ay talagang inaasam-asam ko na ito. Iba yung feeling dahil lumaki ako sa pamilya ng mga musikero. Im happy to share my talent to other people that the same way Im enjoying it. Di ko po habol ang sumikat. Isa ito sa gusto kong gawin," sabi ni Danica.
Kung tutuusin, kaya siyang tulungan ng kanyang amang si Vic noon pa man kung gugustuhin nitong pasikatain ang anak, pero sa halip ay hindi ito nakialam sa career ni Danica.
"I let her do in her own way. Mabuti iyon dahil natututo silang magkaroon ng sarili nilang kusa. Pero nandito lang ako lagi to give my moral support. Katulad ngayon na singer na siya isang branch ito ng kanyang career na pwede niyang bigyan din ng pansin at mag-excel. Danica naman kasi sings well kahit noong bata siya, magaling siya, mana sa ama," sabay turo sa dibdib na nagbibirong si Vic.
Na-discover si Danica ng Dyna nang mag-submit sila ng demo tape ng kanyang manager na si Arnold Vegafria. Alam kasi ng manager ni Danica na talagang hilig nitong kumanta. Pagkatapos ay hinilingan siyang mag-perform ng live sa harapan ng mga execs ng Dyna at nakapasa naman siya sa panlasa ng mga ito.
Samantala, ever since ay ayaw maging stage mother ni Ms. Dina kaya hinayaan din niyang gawin kung ano ang gusto ng kanyang mga anak. Pero si Dina ang nagturong kumanta kay Danica noong bata pa ito.
"Kinalakihan kasi si Danica na nakikita ang daddy niya na nagko-compose at nagre-record ng mga kanta sa bahay. Sa edad na 2 to 3 years old, talagang sing to death na siya. Hanggang maging hobby na rin niya ang pagsusulat ng songs," kwento ni Ms. D.
Kahit abala si Danica sa kanyang career ay hindi niya binibitiwan ang kanyang pag-aaral. Ngayong buwan ng Hunyo siya pupunta ng Les Rosh Switzerland para mag-aral ng Culinary Arts. Ilang buwan lang naman daw siya mawawala. Time to time ay uuwi rin siya ng bansa. Ang pagtatapos daw kasi ng pag-aaral ang mahigpit na bilin ng kanyang magulang.
"Naiisip ko rin naman ang future ko. Balak din naming magkaroon ng restaurant business," paliwanag ni Danica.
Ang CD 45 ni Danica ay naglalaman ng dalawang kanta ang "Fallin In Love," sinulat ni Alan A. Ayque; "Paulit-ulit" ni Frederic Herrera kasama si Oyo Boy at "Paulit-Ulit" acoustic version. Sina Dina at Mark Escueta, member ng Rivermaya ang tumugtog ng kahon ng acoustic version ng "Paulit-Ulit" sa launching night niya.
Parehong magaganda yung melodies ng kanta ni Danica na may potential na mag hit lalo na ang "Paulit-Ulit."
Ang CD 45 form ni Danica ay first concept ng Dyna Music dito sa bansa, paraan nila ito upang labanan ang piracy at nagkakahalaga ang CD ngP88.00

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended