^

PSN Showbiz

Aya Medel sa laki ng boobs,hinahawakan niya ito habang nagpapadede para di maipit ang anak

- Veronica R. Samio -
Hindi akalain ni Aya Medel na lalaki ng lubha ang kanyang mga boobs nung makapanganak siya. Dati kasi ay size 36 D na siya, malaki kung ikukumpara sa maraming boobsy na babae pero nang magbuntis ay lalo pa itong lumaki hanggang sa makapanga-anak siya. Umabot ito ng size 36 F kung kaya kailangang naka-pwesto siya ng mabuti kapag nagpapasuso ng kanyang anak at hinahawakan niya ang mga dede niya dahil baka maipit nito ang kanyang anak at hindi ito makahinga.

Natatawa nga si Aya kapag naaalala ang pangyayaring yun. Ngayon, ay lumiit na ang mga boobs niya. No, hindi siya nagpawabas, nagpapayat lamang siya, at kasabay ng kanyang pagpayat ang pagliit nito.

"Kinailangan kong magpapayat dahil baka mawala si "papa" kung pumangit ako although nakikita ko naman na lokong-loko siya sa anak namin.

"Hindi ko naman iiwan ang pag-aartista ko pero ayaw ko nang mag-bold. Baka ang maging kapalit nito ay dibosryo. Di ko na naman kailangang makipag-sabayan sa ibang mga bold stars. Stable na ang family ko, may sarili na silang bahay at negosyo. Napagtapos ko na rin ang mga kapatid ko.

"Kung magta-trabaho man ako ngayon, ito naman ay para meron lang akong magawa. Ayokong maging idle. Balak kong magtayo ng negosyo. At this point baka beauty parlor pero, di pa ako sigurado although marunong na akong gumupit ng buhok at sa palagay ko ay may kaalaman na ako sa pagpapatakbo ng ganitong negosyo.

"Mag-aartista pa rin ako pero, gusto ko ay yung mga roles na maipapakita ko ang acting ko at hindi na yung katawan ko. Tapos na ako rito. Gusto ko naman mapunta sa ibang level.

"Wala akong pagsisisi na nag-asawa ako. Nasubukan ko na rin naman ang maging isang sikat. Masaya na ako sa pagiging isang married woman. Nagpapasalamat ako na naging maswerte ako sa pag-aasawa. Mabait ang asawa ko, magaling na provider at nakikita ko na mahal niya kami ng anak niya. Ayaw niyang matagal kaming di nakikita. Kung di niya kami madalaw dito, kami ang pinapupunta niya sa Japan na kung saan ay may sarili siyang negosyo."

May ipalalabas na pelikula si Aya, ang Two Men From Eden ng Camel Ventures. "Nag-file kami nina Ana Capri, Jojo Veloso at Allen Dizon ng TRO nang makita namin na ipalalabas na ito dahil di pa kami fully paid ng unang producer nito. Mga five years na ang movie na ito at binigyan kaming lahat ng tseke pero yung sa akin lang ang nag-good na worth P30,000. Yung sa iba yata hindi," ani Aya.
*****
Sobra-sobrang blessings na ang tinatanggap ni Piolo Pascual at "Sobra-sobrang pangarap na ang natupad," aniya, kung kaya ang pagpayag niya na magkaroon ng isang major concert sa Araneta Coliseum sa Abril 24 na pinamagatang The Gift: Piolo Pascual First Time Inconcert ay naging isang madaling desisyon lamang.

"Ibibigay ko ang buong buhay ko para sa konsyertong ito, "panimula niya sa presscon na ibinigay ng ABS CBN para sa kanya, na ang tinutukoy ay ang pagbibilad ng kanyang buong buhay sa lahat ng manonood ng konsyerto na tatampukan din ng mga kasamahan niya sa trabaho’t mga kaibigan gaya nina Michelle Ayalde, Akafellas, Old School, The Hunks, Aiai delas Alas at Basil Valdez. Si Johnny Manahan ang magdi-direct ng concert at si Louie Ocampo naman ang magiging musical director. Darating ang buo niyang family mula sa abroad para siya suportahan.

Para sa isang nagnanais na maging isang mahusay na singer bukod sa pagiging isang mahusay na aktor, mukhang matutupad muli ni Piolo ang isa pang adhikain dahil kakantahin niya sa concert ang mga kanta sa kanyang debut album na nag-gold at platinum na. Bukod dito, magkakaroon siya ng numbers kasama ang mga guests niya.

Mabibili na ang tiket sa Ticketnet para sa show sa halagang P2000, P1500, P1200, P1000, P750, P500 at P300. Matatagpuan ang Ticketnet sa lahat ng SM at sa Araneta Coliseum. Tumawag sa 9155555 sa iba pang detalye. May tiket din sa Star Records, 4155843 at 4155835, hanapin sina Abi o Manna.
*****
Talaga namang napaka-gaganda nung mga babaeng iprinisinta sa media na siyang bumubuo ng Hot Bodies 2004 finalists na pinili ng WRR 101.9 for Life. Magaganda pa sila sa mga kandidato at maski na winners ng isang katatapos lamang na ginanap na beauty pa-contest. Labindalawa silang mga babae at 12 din ang lalaki. Okay din naman yung mga lalaki, katunayan nakapili nga ako ng dalawa na outstanding para sa akin.

Iba’t ibang mga events ang inihanda para sa 24 na finalists gaya ng pre-pageant night na magaganap sa Abril 3 sa Robinson’s Galleria fountain area. Nakakabighaning ganda, makisig na katangian at kaaya-ayang personalidad ang basehan para sa kumpetisyong ito. Kabilang sa premyo ay movie contract sa Star Cinema, libreng acting/modeling workshop sa ABS CBN Center for Communication Arts, plus P30,000 in cash.

Ang grand finals ay magaganap sa Abril 17 sa Boardwalk, Manila Bay.

Bukod sa Hot Bodies 2004 na siguradong magbibigay na malaking mileage sa WRR in terms of publicity, pinaguusapan din at kinakanta na rin ng marami ang bagong WRR jingle na kinompos ni Jimmy Antiporda at inaawit nina Heart Evangelista at Star In A Million champion Erik Santos.
*****
Ang bilis ng pagpapalit ng mga mukha ng baguhan sa showbiz. Dahilan ito sa marami sa kanila ang hanggang first base lamang kung baga sa laro ng baseball. Kakaunti lamang ang talagang blessed to make it in showbiz. Isa sa mga ito ay ang ABS CBN talent na si Gabb Drilon.

Dalawampung taong gulang lamang si Gabb, kabi-birthday lamang niya nung Marso 15. Birthday wish niya ay gumanda pa ang career at magkaroon ng malinis na pangalan. Buo niyang pangalan ay Gene Gabriel Drilo. Ikalawang anak siya nina Vivian Dimalata at ang negosyanteng si Gene Drilon. After high school, nakapasa siya sa exam sa UP Diliman.

Pero, namatay ang lolo niya. Kinailangan silang umuwi ng Iloilo. Dun na rin siya nag-enrol, sa UP Visayas. Balak niya one sem lang pero, umabot siya ng 2 years. dun. Hindi niya gusto ang course niya kaya bumalik sila ng Maynila bilang paghahanda sa pagpunta niya sa US para kumuha ng computer course sa Animation and Graphic Designing.

Dito niya nakilala ang isang kilalang writer, si Ronald Carballo, na ngayon ay manager niya. Ito ang nagpa-audition sa kanya sa ABS CBN na ipinasa niya.

Sa kasalukuyan ay kasama siya sa cast ng teleseryeng Marina, topbilled by Claudine Barretto. Siya si Carlitos, anak ng isang mangingisda na umibig kay Pauleen Luna. Inihahanda sila ng Dos para maging loveteam. Mabuti naman at walang girlfriend sa kasalukuyan si Gabb. Walang magiging problema sa pagpapareha nila. Susunod silang bibigyan ng sarili nilang teleserye. Nung Sabado, silang dalawang ang featured stars ng Tara Tena.
*****
Anim na taon nang matagumpay na nagbibigay ng balita sa lengwaheng Ingles ang News Central, KBP Golden Dove winner.

Hosted by Mari Kaimo at Chinggay Andrada, ang News Central na napapanood tuwing 10-10:30 NG ay pangatlo ngayon sa top news broadcasts.

Siguro nakakatulong ng malaki kung bakit mas pinanonod ang programa kaysa ibang news programs ay ang pangyayaring wala itong police report, walang patayan, bagkus mga foreign and international news ang pinagtutuunan ng pansin.

Isa sa mga News Central specials na kumuha ng malaking viewership nung 2003 were biographies ng mga terrorists mastermind Osama Bin Laden and deposed Iraqi leader Saddam Hussein.

Ang mga News Central alumni ay humahawak na ng mga significant positions sa international broadcasting. Ang unang co-anchor ni Mari Kaimo na si Cristina Arcega ay weekend anchor na ng Fox News San Diego. Si Cher Calvin na bukod sa News Central ay dati ring co-host ng Points of View at F ng ABS CBN ay nasa weekday morning program ng Fox 5 News Las Vegas.

AKO

ISANG

NEWS

NEWS CENTRAL

NIYA

PARA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with