^

PSN Showbiz

Juday, may oras pa sa charity

-
Ang ginagawang therapy ni Judy Ann Santos bilang pagpapahinga sa kanyang patung-patong na showbiz commitment ay ang pagtulong sa kawanggawa. Kung tutuusin, walang tulog ang aktres sa kanyang mga ginagawang taping, shooting at nadagdagan pa ito ng pagkakampanya sa kanyang iniindorsong kandidato.

Kung minsan ay lupaypay na ang aktres sa sunud-sunod nitong commitments pero pagdating sa pagkawanggawa ay nagkakaroon ito agad ng lakas para pagbigyan ang kahilingan ng kanyang mga kababayang kapos sa pamumuhay.

Kamakailan lamang ay naging matagumpay ang fund raising show ng kanyang Touch A Heart Foundation na ginanap sa Club Chill na matatagpuan sa Morato Avenue. Tinampukan ito ng mga banda tulad ng Heavy Traffic na ang vocalist at lead guitarist ay si TJ Trinidad na kasama ng aktres sa teleserye ng Dos, ang Basta’t Kasama Kita. Kasama ang The Soul Band na pinamamahalaan ni Dingdong Dantes, Sentimental Groove at naging special guest nila si Nina na nagpaunlak ng dalawang magandang awitin.

Tuwang-tuwa ang aktres dahil hindi naging madamot ang mga kaibigan nitong pagbigyan siya ng suporta sa kanyang fund raising. "Alam nila na for a good cause ang palabas na ito kaya sinuportahan ako. Kung ano man ang malilikom namin dito ay pambili ito ng mga medisina para sa mga kababayang may sakit na walang pambili ng gamot at sa mga emergency na kailangan ang tulong namin." — Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

CLUB CHILL

DINGDONG DANTES

HEAVY TRAFFIC

JUDY ANN SANTOS

KASAMA KITA

MORATO AVENUE

SENTIMENTAL GROOVE

SOUL BAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with