Iniwan ang US para maging stage actor at teacher dito
March 20, 2004 | 12:00am
Simula ngayong araw, Sabado, Marso 20 sa ika-6 ng gabi ay matutunghayan sa GMA-7 ang inaabangang StarStruck Kids bilang follow up sa napakatagumpay na reality-based talent search ang StarStruck.
Kung sina Dingdong Dantes at Nancy Castiglione ang nag-host sa StarStruck kung saan mga teeners ang naging kalahok, si Jolina Magdangal naman ang bagong host ng StarStruck Kids. Labing-apat na mahuhusay na mga bata ang maglalaban-laban pero dalawa lamang sa mga ito ang magiging ultimate survivors tulad nina Mark at Jennylyn.
Ma-duplicate kaya kundi man malagpasan ng StarStruck Kids ang phenomenal success ng StarStruck for teens?
Ngayong wala nang TV hosting job na pinagkakaabalahan si Randy Santiago, mas may oras siya ngayon para muling makapag-concentrate sa kanyang singing career na pansamantala niyang napabayaan dahil sa kanyang araw-araw na hosting job sa MTB, ng ABS-CBN. Bukod sa kanyang negosyo, ang resto-bar na Ratsky na may branches sa Tomas Morato, Malate at Cebu na kanya ring pinagkakaabalahan, may panahon na ngayon si Randy na harapin ang kanyang pagkanta. Pinaghahandaan niya ngayon ang kanyang album at ang kanyang nalalapit na major concert sa Araneta Coliseum sa darating na Abril 16 na pinamagatang Rewind kung saan niya makakasama sina Pops Fernandez, Raymond Lauchengco, Gino Padilla, Juan Miguel Salvador, Jett Pangan (ng The Dawn) at Louie Heredia. Makakasama rin sa nasabing concert ang mga bagong sibol na mang-aawit na sina Arnee Hidalgo at Nina. Itoy pamamahalaan ng actor-director na si Edgar Mortiz.
Sina Randy, Pops, Raymond, Gino, Juan Miguel, Jett at Louie ay pare-parehong sumikat ng husto nung dekada otsenta.
Kasalukuyang nasa Amerika si Gary Valenciano para sa launch ng Philippine Airlines flight patungong Vancouver at Las Vegas. Sa June 11 naman ay nakatakdang mag-concert si Gary V. sa Shrine Auditorium sa L.A. kung saan niya magiging special guest ang nagpasikat ng awiting "Because of You" na si Keith Martin. At sa June 13 ay may concert din ang mister ni Angeli Pangilinan-Valenciano sa Las Vegas. Nakatakda ring i-launch ang libro ni Gary V. sa buwan ng Mayo. Nakatakda rin siyang magtanghal sa London sa Agosto 26-27 na itataon sa Europe edition ng S- Magazine.
Si Gary V. na halos kapanabayan ni Martin Nievera ay mahigit 20 taon nang namamayagpag bilang concert-performer hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Simula sa Marso 30 ay mapapanood na si Alma Concepcion bilang karagdagang character sa teleseryeng Ikaw Sa Puso Ko na pinangungunahan ni Oyo Boy Sotto. Pero bago pa man ang Ikaw Sa Puso Ko ay busy na ang dating beauty queen sa rehearsal ng lenten play na Martir ng Golgota kung saan siya gaganap bilang si Mary Magdalene. Dito ay makakabituin niya si Richard Signey, dating financial analyst ng isang multi-national company sa New York na bumalik ng Pilipinas para sumubok sa ibang field, ang pagiging theater actor, English teacher, mall at corporate host at pagiging segment host ng dating Chikiting Patrol.
Ang Martir ng Golgota ay produksyon ng Tanghalang Sta. Ana na binuo ni Manila councilor Lou Veloso halos 20 taon na ang nakararaan. Itoy gaganapin sa Plaza Hugo sa Sta. Ana at lima pang ibang venue sa ika-anim na distrito ng Maynila mula sa Holy Monday hanggang sa Black Saturday. Sa mga magnanais manood sa Martir ng Golgota, maaring tumawag sa mga teleponong 5644365 at 7210801.
Samantala, natutuwa si Alma dahil aktibo na naman siya sa kanyang acting career matapos niyang isilang ang kanyang lovechild na si Cobi (4) sa boyfriend niyang si Dodie Puno.
Ayon kay Alma, magmula nang siyay maging ina ay nag-iba na umano ang kanyang lifestyle. Sa halip na gumimik, mas gusto ni Alma na nasa tabi siya ng kanyang anak. Kapag wala rin lamang siyang trabaho, she makes it a point na ang oras niya ay nakalaan kay Cobi.
Hindi man nagsasama sa iisang bubong sina Alma at Dodie, wala naman umanong problema dahil maganda umano ang kanilang relasyon hanggang ngayon. Kung nanaisin ng dalawa na magpakasal ay walang magiging balakid dahil annulled na ang kasal ni Dodie sa kanyang unang misis.
[email protected]
Kung sina Dingdong Dantes at Nancy Castiglione ang nag-host sa StarStruck kung saan mga teeners ang naging kalahok, si Jolina Magdangal naman ang bagong host ng StarStruck Kids. Labing-apat na mahuhusay na mga bata ang maglalaban-laban pero dalawa lamang sa mga ito ang magiging ultimate survivors tulad nina Mark at Jennylyn.
Ma-duplicate kaya kundi man malagpasan ng StarStruck Kids ang phenomenal success ng StarStruck for teens?
Sina Randy, Pops, Raymond, Gino, Juan Miguel, Jett at Louie ay pare-parehong sumikat ng husto nung dekada otsenta.
Si Gary V. na halos kapanabayan ni Martin Nievera ay mahigit 20 taon nang namamayagpag bilang concert-performer hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Ang Martir ng Golgota ay produksyon ng Tanghalang Sta. Ana na binuo ni Manila councilor Lou Veloso halos 20 taon na ang nakararaan. Itoy gaganapin sa Plaza Hugo sa Sta. Ana at lima pang ibang venue sa ika-anim na distrito ng Maynila mula sa Holy Monday hanggang sa Black Saturday. Sa mga magnanais manood sa Martir ng Golgota, maaring tumawag sa mga teleponong 5644365 at 7210801.
Samantala, natutuwa si Alma dahil aktibo na naman siya sa kanyang acting career matapos niyang isilang ang kanyang lovechild na si Cobi (4) sa boyfriend niyang si Dodie Puno.
Ayon kay Alma, magmula nang siyay maging ina ay nag-iba na umano ang kanyang lifestyle. Sa halip na gumimik, mas gusto ni Alma na nasa tabi siya ng kanyang anak. Kapag wala rin lamang siyang trabaho, she makes it a point na ang oras niya ay nakalaan kay Cobi.
Hindi man nagsasama sa iisang bubong sina Alma at Dodie, wala naman umanong problema dahil maganda umano ang kanilang relasyon hanggang ngayon. Kung nanaisin ng dalawa na magpakasal ay walang magiging balakid dahil annulled na ang kasal ni Dodie sa kanyang unang misis.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended