^

PSN Showbiz

Rudy Hatfield, maraming patataubing aktor

RATED A - Aster Amoyo -
Kumpleto ang kaligayahan ni Assunta de Rossi dahil bukod sa natupad ang kanyang dream wedding, kumpleto ang kanyang pamilya, sina Alessandra na siyang tumayong Maid of Honor, dumating galing Italy ang kanyang parents at dalawa pang younger sisters - sina Margarita at Isabel.  

Although naunang ikinasal sina Jules Ledesma at Assunta sa civil rites na ginanap sa hacienda ng mga Ledesma sa San Carlos City, Negros Occidental, wala nang mahihiling pa ngayon si Assunta dahil may basbas na rin ang simbahan sa kanilang pagsasama ngayon bilang mag-asawa.
* * *
Tiyak na magiging masaya ang ating mga kababayan sa Japan dahil magkakaroon na sila ng pagkakataong mapanood sa cable TV ang kanilang mga paboritong pelikula na produced ng Viva Films sa pamamagitan ng Pinoy Box Office (PBO) at ang non-stop music TV, ang OPM TV dahil ito’y ipararating sa kanila ng Global Publishing & Entertainment Corporation na siyang publisher ng bi-monthly Filipino newspaper sa Japan, ang Pinoy Gazette at ang monthly entertainment-lifestyle glossy magazine, ang S Magazine. Sa pamamagitan ng partnership ng Viva at GPEC, magkakaroon na ng ibang alternatibong panoorin ang mga Pinoy sa Japan. Bukod sa PBO at OPM TV, dalawang TV network pa ang tinatrabaho ngayon ng GPEC para mapabilang sa multi-cable TV na mapapanood sa Japan ng ating mga kababayan.
* * *
Matagal nang hiwalay kay dating Sen. Ernesto Maceda ang well-loved sa industriya, ang TV-movie producer na si Manay Ichu Perez-Maceda. Pero sa kabila na sila’y hiwalay na, nanatili ang kanilang pagiging magkaiba lalo na’t may lima silang anak (na pawang lalaki) na siyang habang-buhay na mag-uugnay sa kanila. Nung nakaraang Martes ng gabi, isang masayang pamilya ang humarap sa entertainment press. Bukod sa isang anak na nasa Amerika, ang panganay na si Manny (na nagtatrabaho bilang isang management consultant ng isang malaking kumpanya), ang apat na mga anak na sina Ernest, Erwin, Edmond at Edward ay naroon.  Naroon din ang estranged couple na sina Manong Ernie at Manay Ichu na nagkahiwalay nung 1975 pa.

Ayon na rin kay Manay Ichu, ang kanyang mga anak ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay napanatili nila ng kanyang dating mister ang magandang samahan. Blessed with 10 grandchildren, si Manay Ichu ay hindi pa rin nagkakait ng tulong at suporta sa kanyang dating mister lalo na ngayon na ito’y muling kandidato sa pagka-senador. Nariyan pa ang dalawa nilang anak na parehong reeleksyonista - sina Erwin at Edward.   Sa totoo lang, napaka-swerte ni Manong Ernie na kahit hiwalay na sila ni Manay Ichu ay nakahanda pa rin itong sumuporta at tumulong sa kanya lalo na sa kanyang kandidatura lalo na pa’t alam naman ni Manay Ichu ang kakayahan ng kanyang dating mister pagdating sa serbisyo publiko na mahigit apat na dekada na niyang ginagawa. Isang malaking asset si Manong Ernie kapag ito’y nabalik sa senado dahil bukod sa kanyang malawak na kaalaman, ito rin ang tagapagbantay ng mga katiwalian sa gobyerno.   

Samantala, una naming nakadaupang-palad si Congressman Erwin Maceda nang kami’y minsang maimbitahan ni Manay Ichu sa fiesta ng Pagsanjan, Laguna.

Si Erwin ay may asawa na, si Anna Rosario-Maceda at meron na silang tatlong malulusog na anak - sina Jamie (5), Antonia (4) at ang limang buwang taong gulang na sanggol na si Samantha. Kung ang public service ay minana nila sa kanilang amang si Manong Ernie, ang pagiging ma-PR naman sa kanilang inang si Manay Ichu.
* * *
 Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood sa wide screen ang sikat na imported cager na si Rudy Hatfield dahil siya ang leading man sa pelikula ng kanyang tunay na kasintahan sa tunay na buhay, si Rufa Mae Quinto, ang Boobita Rose: Masikip sa Dibdib na dinirek ni Bb. Joyce Bernal for Viva Films.  Ayon kay Rudy, si Rufa Mae umano ang dahilan kung bakit siya pumayag na maging leading man nito sa pelikula. Pero kung naiba-iba umano ay baka hindi umano siya pumayag dahil masaya na umano siya sa kanyang mundo, ang paglalaro ng basketball.   

Ayon kay Direk Joyce, may talent umano sa pag-arte si Rudy at kung nanaisin nitong magpatuloy ng pag-aartista ay marami itong patataubin na mas beterano na sa pag-arte. Ang problema nga lamang, hindi pa siya magaling magsalita ng Tagalog. Sa totoo lang, marami ang inggit na inggit kay Rufa Mae sa pagkakaroon ng kasintahan tulad ni Rudy dahil bukod sa ito’y gwapo, super bait pa umano ito at magiliw sa pamilya ni Rufa Mae.   

Samantala, personal na pinabulaanan ni Rudy na may balak na umano silang magpakasal ni Rufa Mae dahil pareho pa umano silang hindi handa dahil pareho pa silang busy sa kanyang respective careers. Pero naipakilala na ni Rudy si Rufa Mae sa kanyang pamilya sa Amerika nang magbakasyon ang mga ito doon nung nakaraang Disyembre for the Christmas holidays.   
* * *
Email: [email protected]

vuukle comment

ASSUNTA

DAHIL

KANYANG

MANAY ICHU

MANONG ERNIE

RUDY

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with