Isang pahayagan na naglalaman ng damdamin ng pahayagan
March 17, 2004 | 12:00am
Anniversary nga pala ng Pilipino Star Ngayon. Matagal na rin naman ang dyaryong ito. Matagal nang sinubaybayan at pinagtiwalaan ng mga Pilipino. Kasi ang kaibahan nga nito, inihahatid ng Pilipino Star Ngayon ang mga balitang inaabangan nila at sa pamamaraang gusto nila yong matunghayan. Hindi kagaya ng ibang mga dyaryo na akala mo ang gagaling na siyang nagdidikta kung ano ang dapat basahin ng mga tao.
Isa pang kaibahan ng Pilipino Star Ngayon ay ang katotohanang wala itong pinahahalagahan kundi ang paglilingkod na pampubliko.
Pero bago tayo humaba, napag-usapan nga namin noong isang araw kung ano ang naging role ng Pilipino Star Ngayon sa industriya ng pelikula at sa buhay ng mga artista.
Moderno ang approach ng Pilipino Star Ngayon kahit na noong una pa itong lumabas. Noong mga panahong yon, ang mga balita tungkol sa mga artista, maliban na lang siguro kung may isang artistang mamamatay ay laging nasa entertainment page lamang. Hindi lumalabas ang entertainment news sa front page. Para kasi sa mga dyaryo noong araw, hindi naman mahalaga ang balitang ganito.
Ito ang pagbabagong nasimulan ng Pilipino Star Ngayon noon pa mang una. Sila ang unang naglakas ng loob na ilabas ang entertainment news sa front page at headline pa kung minsan. Dahil doon, mas lalong lumawak ang mga mambabasa ng Pilipino Star Ngayon. Naagaw niya ang mga mambabasa ng ibang mga dyaryo, hanggang sa dumating ang panahon na itinuring itong number one.
Ang Pilipino Star Ngayon din ang nagsimula ng mga nakaka-shock na headlines noon. Natatandaan namin, may isang istorya ang isang correspondent sa Central Luzon tungkol sa isang lalaking sa hindi malamang dahilan ay lumalaki ang tiyan. Itinapon yon ng editor ng isang dyaryo.
Kinabukasan, lumabas ang balita ring yon sa Pilipino Star Ngayon, na ang headline ay "lalaking buntis". Sa gulat nila, pinagkaguluhan ang istoryang iyon at lalo ngang lumaki ang Pilipino Star Ngayon.
Natatandaan din namin ang isa pa nilang istorya noong araw, panahon yon ng mga pelikulang bomba. Nakuha nila ang istorya ng isang matandang lalaking intake sa puso sa loob ng sinehan at ginulat nila ang publiko sa headline na "Lolo, namatay sa bomba". Simple ang istorya pero yon ang gusto ng mga tao eh. Sawang-sawa na sila sa mga propaganda ng gobyerno at kung anu-ano pang sinasabi ng mga pulitiko araw-araw. Ang gusto nila ay balitang madali nilang maintindihan at madali nilang maabot. Yon ang ibinibigay sa kanila ng Pilipino Star Ngayon.
Minsan masarap alalahanin ang mga nakaraang panahon, lalo na nga iyong panahon na talagang may kalayaan sa pamamahayag dito sa ating bansa. Yan ang kailangan natin ngayon, isang malayang pahayagan na naglalaman ng damdamin ng bayan.
Isa pang kaibahan ng Pilipino Star Ngayon ay ang katotohanang wala itong pinahahalagahan kundi ang paglilingkod na pampubliko.
Pero bago tayo humaba, napag-usapan nga namin noong isang araw kung ano ang naging role ng Pilipino Star Ngayon sa industriya ng pelikula at sa buhay ng mga artista.
Moderno ang approach ng Pilipino Star Ngayon kahit na noong una pa itong lumabas. Noong mga panahong yon, ang mga balita tungkol sa mga artista, maliban na lang siguro kung may isang artistang mamamatay ay laging nasa entertainment page lamang. Hindi lumalabas ang entertainment news sa front page. Para kasi sa mga dyaryo noong araw, hindi naman mahalaga ang balitang ganito.
Ito ang pagbabagong nasimulan ng Pilipino Star Ngayon noon pa mang una. Sila ang unang naglakas ng loob na ilabas ang entertainment news sa front page at headline pa kung minsan. Dahil doon, mas lalong lumawak ang mga mambabasa ng Pilipino Star Ngayon. Naagaw niya ang mga mambabasa ng ibang mga dyaryo, hanggang sa dumating ang panahon na itinuring itong number one.
Kinabukasan, lumabas ang balita ring yon sa Pilipino Star Ngayon, na ang headline ay "lalaking buntis". Sa gulat nila, pinagkaguluhan ang istoryang iyon at lalo ngang lumaki ang Pilipino Star Ngayon.
Natatandaan din namin ang isa pa nilang istorya noong araw, panahon yon ng mga pelikulang bomba. Nakuha nila ang istorya ng isang matandang lalaking intake sa puso sa loob ng sinehan at ginulat nila ang publiko sa headline na "Lolo, namatay sa bomba". Simple ang istorya pero yon ang gusto ng mga tao eh. Sawang-sawa na sila sa mga propaganda ng gobyerno at kung anu-ano pang sinasabi ng mga pulitiko araw-araw. Ang gusto nila ay balitang madali nilang maintindihan at madali nilang maabot. Yon ang ibinibigay sa kanila ng Pilipino Star Ngayon.
Minsan masarap alalahanin ang mga nakaraang panahon, lalo na nga iyong panahon na talagang may kalayaan sa pamamahayag dito sa ating bansa. Yan ang kailangan natin ngayon, isang malayang pahayagan na naglalaman ng damdamin ng bayan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am