^

PSN Showbiz

Kailangan bang magsigawan ang mga Vilmanians,Noranians at Sharonians sa PMPC Star Awards

- Veronica R. Samio -
Nagpaka-effort pa ang lahat ng mga artista, bisita at movie press na dumalo sa katatapos na PMPC Star Awards for Movies pero, sinira lamang ng pag-aaway ng mga fans nina Vilma Santos na nakipagsanib ng pwersa sa mga fans ni Sharon Cuneta laban sa mga tagahanga naman ni Nora Aunor. Ang tatlong nabanggit na mga aktres ay pinarangalan ng PMPC sa kanilang Dekada Awards. Unfortunately, si Nora lamang ang nakarating para tanggapin ang kanyang award. Buntis si Sharon at di dapat mapagod at mapuyat at di ko alam kung ano ang rason sa hindi pagdalo ni Vilma.

Halos hindi na marinig ang mga kaganapan sa stage o maging ang tunog ng video na ipinalabas para sa tatlong artistang babae dahil sa lakas ng sigawan ng mga grupo ng mga tagahanga nila na hindi na inalala na napakaliit ng AFP theater para kayanin ang kanilang ingay. Lahat sila ay nakalimutan na nasa isang pormal na kaganapan sila at dapat mag-behave ng naaayon sa hinihingi ng kagandahang asal. Hindi na lamang nila ipinagbubunyi ang kanilang mga idolo, talagang nag-inisan na ang mga fans sa pamamagitan ng pag-iingay. Nakahinga lamang ng maluwag ang lahat nang magpaalam na si Nora at kasabay ng kanyang pag-alis ang pagbabalik ng katahimikan sa loob ng teatro.

Dapat siguro sa susunod na mabigyan ng award ang tatlong mga aktres ay sa labas na lamang ng venue papaghintayin ang kanilang mga fans. Dun, kahit pa sila totoong magsalpukan ay bahala na sa kanila ang mga pulis. Sa loob kasi ng AFP theater ay talagang hindi sila nasawata na mag-ingay at magkantyawan na ang karamihan ay nagwawagayway pa ng kanilang mga banner at nagsisipagsayawan pa habang nakatayo sa harap ng kanilang mga upuan, hindi pinapansin na pinagtitinginan sila ng tao.

Hindi na mga bata ang mga fans ng tatlong aktres. Hindi ko lang alam kung ano ang naging reaksyon ni Nora pero dapat, pinagsabihan niya ang mga fans niya na ang ganoong senseless na pag-iingay ay hindi nararapat sa lugar at okasyon. Dapat ding pagsabihan nina Vi at Shawie na ang mga ganoong ugali ng mga fans nila ay makasisira sa halip na makatulong sa kanila. At palagay ang loob ng mga Noranians dahil marami sila samantalagang nagsanib naman ng pwersa ng Vilma at Sharon supporters.
* * *
Kung dati ay sa ASAP Mania n’yo lamang napapanood si Bituin Escalante, ngayong buwan ng Marso ay liligirin niya ang mga SM Malls para i-promote ang kanyang bagong self-titled debut CD sa Viva Music na pinangungunahan ng carrier cut na "I’m Sorry", komposisyon nina Soc Villanueva at Jungee Marcelo. Hinuhulaang hahabol ito sa kasikatan ng "Kung Ako Na Lang Sana", biggest OPM love song ng 2003, isa rin itong entry sa Mang Levi Celerio Pop Songwriting Contest.

Isa pang magandang awitin sa album ay ang "Heartsong, Love Dance", theme ng pelikulang
Love Affair. Here is Bituin like we’ve never heard her before.

Matatagpuan pa rin sa album ang "Always Somewhere", isang rock tune na nung nire-record ni Bituin ay natulala ang lahat ng nakakarinig, "Nang Wala Ka Na" ni
Vehnee Saturno, "Hindi Ako Magtatanong", "Naghihintay", "Gano’n Na Lang Talaga", "For You" at ang "Kung Ako Na Lang Sana".

May revivals din, ang "The Only Two People In The World", at "When You Wish Upon A Star. May duet sila ng Fil-Australian singer na si
Dexter ng "Bakit Nga Ba Hindi?"

ALWAYS SOMEWHERE

BAKIT NGA BA HINDI

BITUIN

BITUIN ESCALANTE

DAPAT

KUNG AKO NA LANG SANA

NORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with