2 Dekada ng PMPC Star Awards for Movies
March 13, 2004 | 12:00am
Ang pinakamaningning at pinakamahuhusay na mga bituin at manlilikha ng pelikulang Pilipino ay pararangalan at muling bibigyang-pugay sa ika-20 PMPC Star Awards for Movies na gaganapin ngayong gabi Marso 13, 2004 sa Teatro Aquinaldo, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.
Dekada ang tema sa taong ito bilang selebrasyon ng ikalawang dekada ng pagbibigay-parangal ng Philippine Movie Press Club sa mga natatangi at kahanga-hangang pelikulang lokal.
Si Aga Muhlach ang nag-iisang male host sa gabi ng parangal, kasama sina Dina Bonnevie, Dawn Zulueta at Kristine Hermosa. Trivia host si Maricel Soriano; anchor persons sina Pops Fernandez at Dingdong Dantes at Dekada presenters sina Jericho Rosales at Jolina Magdangal.
May kanya-kanyang musical director at choreographer ang apat na naglalakihang production numbers. Pambungad na bilang si Aiai delas Alas kasama ang Speed Dancers. Medley ng "Pangarap na Bituin" ni Sharon Cuneta, "Narito Ako" ni Regine Velasquez at "Crazy in Love" ni Beyonce Knowles ang babanatan ng comedy Concert Queen. Si Marvin Querido ang musical director nito at si Egay Gonzales ang choreographer.
Tampok naman sa nakatutuwa at nakaiindak na Tribute to Phil. Cinemas leading men and leading ladies sina Bayani Agbayani, Vhong Navarro, Rufa Mae Quinto at Patricia Javier, kasama ang Danz Focus at ang Sex Bomb Dancers, hahataw sila ng "Otso-Otso" at "Mr. Suave". Si Mel Villena ang musical director at si Joy Cancio ang choreographer.
Haharanahin nina Robert Sena, JM Rodriguez at Anna Fegi ang mga gagawaran ng Dekada awards sa taong ito na sina Nora Aunor, Sharon Cuneta, Vilma Santos, Ricky Davao, Christopher de Leon, Phillip Salvador at ang mga direktor na sina Marilou Diaz-Abaya, Joel Lamangan at Butch Perez. Ang musical director nito ay si Homer Flores.
Ang mga award-winning theme songs sa nakalipas na sampung taon ay muling bibigyang buhay sa pamamagitan ng madamdaming awitin nina Ogie Alcasid, Janno Gibbs at Zsaza Padilla, mula sa musical direction ni Gerald Salonga.
Ang tatanggap ng Ulirang Artista award ay ang movie queen na si Ms. Susan Roces.
Produced ng Airtime Marketing at sa direksyon ng StarStruck director na si Lino Cayetano ang 20th Star Awards for Movies ay may delayed telecast sa RPN-9 ngayong rin sa ganap na alas-9 ng gabi.
Ang major sponsors ay New Rejoice Reviving with Ginseng, Maxi-Peel, Cleene Cotton and Instant Bear Brand with Zinc. Minor sponsors ang Talk N Text, Surf Fabric Conditioner, Skin White Whitening Night Cream, PH Care Intimate Wash, Dunkin Donuts, Ascorbic Acid Ceelin, Samsung Electronics, Pista Instant Pancit Ulam, Maggi Sinigang Sa Sampalok Na May Gabi, Robitussin, Appolo Petroleum Jelly, Albatros Bathroom Deodorizer, Babyflo Diaper, Babyflo Cologne, Chowking Halo-Halo, Jancen Cosmetic Surgery, F Salon & Body Spa, Goldilocks Foodshop, Lactum Ready to Drink, Regent Cakes and Family Rubbing Alcohol.
Ang New Rejoice Reviving with Ginseng ay magbibigay ng P10,000 cash prize sa tatanghaling Female Star of the Night. Ang Maxi Peel naman ay magkakaloob ng P10,000 cash sa mananalong Face of the Night.
P25,000 worth of gift certificate ang ipagkakaloob ng Jancen Cosmetic Surgery sa magwawaging New Movie Actress of the Year. Tatanggap ng P10,000 cash ang hihiranging Movie Actress of the Year at P10,000 din para sa mananalong Movie Actor of the Year mula sa Skin White Underarm Night Cream.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended