^

PSN Showbiz

GMA,naghahanap ng pelikula ni Lolita Rodriguez/Ric Rodrigo

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
For a change, hindi mga artista, singer, producer etc. ang ka-dinner namin last Friday night. Guess who? No less than President Gloria Macapagal Arroyo. Kasama ang ilang entertainment editors and writers, go kami sa Malacañang for an intimate dinner with Pres. Macapagal-Arroyo with Boss Vic del Rosario and Ms. June Torrejon of Viva Films na all out ang suporta sa kandidatura ng presidente.

In the mood si Presidente that night na nagkukuwento habang nagdi-dinner (menu) - green salad, corn soap, fish with mashed potato and asparagus as the main course and dessert naman ang pineapple, grapes and mango.

Sinasagot niya lahat ng questions: Like paano niya iri-rate ang anak na si Mikey as an actor, "regular actor."

Nang tanungin siya kung nanonood siya ng pelikula ni Mikey, may ilan daw siyang napanood, pero hindi na-mention kung anong particular movie.

Na-reveal din during the dinner, na bata pa siya dream na niyang maging artista. Pero hindi agad siya nagkaroon chance dahil madali siyang napasok sa pulitika.

Kaya nang mag-offer na mag-portray siyang mother ng rape victim sa isang drama series sa Cebu entitled, Bastonera, a full length Cebuano series, hindi siya nag-second thought na tanggapin.

"To tell you the truth I’ve wanted to be an actress," pagtatapat ng presidente sa interview.

Kaya nga relate na relate siya everytime na manonood siya ng sine noong kanyang kabataan. Favorite movie niya ang Señorita de Campanilla starring Nestor de Villa and Nida Blanca na kuwento ng isang babaeng pinalalabas na masama, ‘yun pala ay may pure heart.

Mahilig ang pangulo sa ganoong tipo ng pelikula. In fact, pag nanonood siya ng pelikulang ma-drama hindi niya napipigilan ang maiyak. "Madali talaga akong umiyak, even in a drama series."

Mother ng isang rape victim ang ginampanan niyang papel sa Bastonera na nanalong Best Drama Series sa Cebu. "When they asked me to do it, I did it," she recalled na nakangiti.

Nang gawin niya ang nasabing drama series, senador na ang Presidente.

Kuwento pa ng Pangulo: Fan siya ng loveteam noon nina Nestor de Villa ang Nida Blanca. "Gusto ko rin no’n ang loveteam nina Lolita Rodriguez at Ric Rodrigo." Kaya naman hanggang sa kasalukuyan, naghahanap pa rin siya ng copy ng pelikulang Sa Daigdig ng mga Api. "Wala akong mahanap eh." Sina Robert Arevalo and Barbara Perez ang bida sa nasabing pelikula na tungkol sa buhay ng ama ng Presidente na si dating Presidente Diosdado Macapagal.

Bukod sa pelikula, may pagkakataon na nanonood din siya ng mga drama series. Pero nang maging presidente siya, nawalan siya ng oras na manood ng telebisyon dahil sa rami ng trabaho.

Samantala, huling Tagalog movie na napanood niya sa video ay ang Nine Mornings starring Piolo Pascual and Donita Rose. Nari-recall niya pa ang story ng nasabing pelikula - tungkol sa simbang gabi.

Napanood din niya ang Chavit Singson Story sa Megamall nang imbitahan siya sa premiere night nito last year.

Anyway, maraming plano at mga pangarap si Presidente sa movie industry once na makalusot siya sa election. Kakausapin niya ang mga producer tungkol sa mga problema ng industriya. Isa kasi sa mga problema ay ang patuloy na pagpasok sa bansa ng mga foreign movies. "I’m doing the most important things first, gaya ng problema sa piracy. Kailangan ko ng ganyang mga bright ideas. I will work with you to make the industry competitive. Let’s sit down, let’s have an authoritative study, for example ano ang ginagawa sa ibang bansa."

She recalled, na when she was a senator, nag-plano siyang magtayo ng Soundstage o studio at post production laboratory para sa mga small scale producers. "Kung makakaraos uli ako ngayong election, magagawa ko ‘yun," sabi niya.

Mas mahaba raw kasi ang time niya once na ma-elect siya dahil full term siya. Sa pag-take over niya kasi kay deposed president Joseph Estrada, ilan sa mga nagawa niya ay ang pagpapalakas ng campaign sa piracy at pagbaba ng tax para sa mga entertainers.

Anyway, admitted ang presidente na hindi siya particular sa mga damit na sinusuot niya. Local made usually ang suot niya. Kahit sa shoes, hindi siya mahilig sa imported. During the interview nga, nag-excuse pa siya para tingnan ang brand ng shoes na suot niya, made in Marikina.

Supposedly ay one hour lang ang nasabing kuwentuhan with the entertainment press ng presidente, pero nag-enjoy siya kaya inabot ng halos dalawang oras.
* * *


Hindi pa man pala nagri-reformat ang MTB, gusto na pala talagang mag-resign ni Bayani Agbayani sa show. Pagod na rin daw kasi ang komedyante sa everyday show kaya nga nang magpalit ng hosts, isa si Bayani sa nagpasalamat pa. Mismong ang manager niyang si Tita Angge ang nagsabi ng tungkol dito.

Dalawa na kasi ang regular shows niya sa ABS-CBN - Ok Fine Whatever and Yes Yes Show. Tapos tinatapos pa nila ni Vhong Navarro ang Otso Otso: Pamela Mela Wan na showing na next week under Star Cinema.

And then, magiging busy pa siya sa kampanya kay GMA. Kaya wala talaga siyang kahit konting regret sa nangyari sa MTB.

Bukod kasi sa pagiging comedian, singer na siya na never niyang pinangarap. "Actually, kahit paga-artista, never na pumasok sa isip ko."

Common knowledge ang pinanggalingan ni Bayani kaya panay ang pasasalamat niya sa Diyos.

First time nilang magsama ni Vhong sa movie pero wala silang naging problema. "Madali kaming naka-adjust," sabi ni Bayani.

Ang Otso Otso: Pamela Mela Wan ay dinirek ni Jerry Sineneng.

vuukle comment

BAYANI

KAYA

NIDA BLANCA

NIYA

OTSO OTSO

PRESIDENTE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with