^

PSN Showbiz

Himig Handog,parang beauty contest

- Veronica R. Samio -
Parang nanood na rin ako ng isang beauty pageants nang manood ako ng live sa studio ng ABS CBN ng Himig Handog grand finals nung Biyernes ng gabi.

Para lamang ma-accommodate ang mga pinagkukunan ng budget para maidaos ang naturang pakontes gaya ng mga kumpanya ng cellphones, bukod sa pagpili ng grand prize winning song ay mayroon pa ring Buyers’ Choice Award ("Maibabalik Ko Ba" ni Marc Bryan Adona, composer at Josh Santana, interpreter), Listeners Choice Award ("Kailan Kita Mamahalin" ni Arnel de Paño, composer at Anna Fegi, interpreter), Texters Choice Award (muli, "Maibabalik Ko Ba" ng tambalang Adona/ Santana).

Marami sa mga kasamahan ko sa press, kasama na ako ang na-disappoint nang hindi manalo ang entry ni Wency Cornejo na "Kailan Ka Darating". Feel namin at ng dalawang judges na nakausap namin after the judging di ko na sasabihin kung sino na may "K" manalo ang komposisyon na ito ni Wency bagaman at nang pakinggan ko ng mga limang ulit ang awitin plus yung entry ni De Paño at Adona at maging yung nanalong Highly Recommended Award na siya ring Grand Prize Winner na "Narito Lang Ako" ni Chona Borromeo at ininterpret ng Aegis, ay nagandahan naman ako sa mga entry. It was a toss among the three ("Kailan", "Darating" & "Narito"). Tinanggap ko na pwedeng manalo ng grand prize ang alin man sa tatlo, di lamang yung kay Cornejo pero, walang di magsasabi na nakalalamang yung interpretation ni Cornejo with the help of a choral group at ni Rachel Alejandro na wala rito at sinundan at sinabayan lamang ni Wency ang recording nito, sa dalawang awiting nanalo. Napakaganda talaga ng interpretation ni Wency, pang competition talaga, pero, I believe, hindi yun binigyan ng weight ng mga hurado.
* * *
Si Liz Alindogan talaga kapag gumalaw, bongga. When she produced a concert na ginanap sa The Pavilion, no less than Jose Mari Chan was her star. Namigay pa siya ng isang Pajero para sa isang maswerteng nanood ng palabas sa raffle.

Liz has just turned beauty salon proprietress. Kasalukuyang dinarayo ang kanyang Studio Fix na matatagpuan sa BF Homes Parañaque Phase 2 sa loob ng House of Rusty Lopez. Pinatatakbo ang HRL ng kaibigan niyang si Menchie Velarde.

May gimik si Liz sa kanyang Studio Fix na patok sa kanyang mga customers. Ito ang paglalagay niya ng live organ music. Mayro’n siyang organ player na non-stop na nagpaparinig ng mga magagandang musika. Bukod dito, all her clients are treated to a shot or 2 or 3 of red wine.

Mas mura sa ibang beauty salons ang presyo ng services sa Studio Fix, siguro dahil bago pa ito. Mayroon siyang sariling dermatologist on hand para magbigay ng mga skin care services, si Dra. Marieta Santos.

Balak ni Liz na magtayo ng isang consultancy bilang paghahanda sa pagkakaroon niya ng kanyang sariling linya ng cosmetics.

Ang hairstylist ng Studio Fix ay si Benny Ledesma. Manager naman si Anita Macabuhay.

Ang ikinatutuwa ng labis ni Liz ay ang pangyayaring kahit iisang buwan pa lamang siya sa negosyong ito ay mayro’n na agad kumuha sa kanya ng franchise na itatayo sa The Fort.
* * *
Mayron na namang nadagdag na film processing laboratory na pwedeng pakinabangan ng ating local showbiz industry. Ito ang CineColor na nagkaroon ng inagurasyon nung Biyernes ng gabi. Matatagpuan ito sa 185 EDSA Wack-Wack, Greenhills East, Mandaluyong City. Nag-iisa itong film and video center na nagbibigay ng serbisyo sa ilalim ng "One Stop Shop" scheme tulad ng film shooting equipment with service crews, post production services , analog or digital at state of the art color film processing lab services.

Ang CineColor ay mina-manage ni Bobby Yalung, isa sa mga anak ng movie producer na si Ben Yalung, bilang chief operating officer. May mga 15 tao si Bobby na nagtatrabaho sa kanya.

Bukod sa CineColor, balak din ng magkakapatid na Yalung na i-revive ang kanilang film outfit na Cine Suerte. Balak nilang gawin muli ang Zuma.

ADONA

ANITA MACABUHAY

ANNA FEGI

BALAK

LIZ

MAIBABALIK KO BA

STUDIO FIX

WENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with