Ngayon lang nalaman ni Carmina ang tunay na edad ni Zoren
March 7, 2004 | 12:00am
Nag-enjoy kami sa pakikipagkwentuhan kay Carmina Villaroel na kasama sa Kakabakaba Adventures with some teenager heartthrobs. Ayon sa aktres, magkaiba sila ng ugali ng kanyang live-in partner na si Zoren Legaspi dahil konserbatibo ito.
"Ayaw na ayaw nitong magpaseksi at ako pa nga ang nagtutulak sa kanya na gawin ito dahil maganda ang kanyang katawan. Sayang ang oportunidad na dumarating sa kanyang buhay. Pero ayaw niya kaya nirerespeto ko rin ang kanyang desisyon. Compatible naman kami sa maraming bagay at napaka-responsableng tao niya. May diskarte siya at never na naapektuhan ng intriga noon kung saan sinasabing mas malaki ang kita ko sa kanya. Hindi naman niya sinasabi na may negosyo siya," sey ni Mina.
Si Zoren ang nagpapaligo sa kanilang kambal at ito rin ang nagluluto minsan ng kanilang pagkain. Siya naman ang naglilinis ng kanilang bahay.
Nang tanungin namin kung ilang taon ang tanda ni Zoren sa kanya ay natawa ito. "Hindi ko nga alam ang tunay na edad niya noon pero three weeks ago ay nalaman ko rin ang real age niya. Pero secret at di ko sasabihin sa inyo," dagdag pa ng aktres.
Habang lumalaki ay lalong gumaganda si Crystal Moreno ng Click kung saan marami na ring umaaligid sa kanyang kagandahan. Pero prioridad nito ang kanyang career at sinabing bata pa siya para pagtuunan ang pansin ang pag-ibig.
Sa edad na kinse-anyos ay malaking bulas ito kaya napagkakamalan ng dalaga. Bukod sa mga TV shows ay may offer din ito para lumabas sa isang sitcom sa Channel 5 na pinamagatang Ang Texas ni Mang Pedro.
Abala rin ito sa mga shows sa Maynila at ibat ibang parte ng lalawigan dahil may ibubuga naman sa pagsayaw at pag-awit. Higit sa lahat nanggaling ito sa angkan ng mga artista gaya ni Alma Moreno at LJ, mga pinsang buo na sina Mark Anthony Fernandez at Vandolph Quizon kaya may ibubuga sa pag-arte. Nakalabas na ito sa stage play na Ambon ng Kristal bilang bida at sa Mama San with Elizabeth Oropesa. Umaasa si Crystal na sanay mabigyan pa ng offer sa pelikula. Commercial model pa rin ito ng maraming produkto. May nang-eengganyo na kay Kristal na sumali sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant na pangarap din niya pero hindi pa sa ngayon.
Fourteen years na sa showbiz si Zoren Legaspi at lahat naman ng klase ng pelikula ay nagawa na niya sa drama, action at maski comedy rin. Umaasa ito na sanay makapagdirek din siya ng pelikula.
Hindi naman ito nababakante sa paggawa ng teleserye katatapos lang niya ng Recuerdo sa Dos at Walang Hanggan sa Syete.
Five years na silang nagsasama ni Mina pero hindi pa nagkakaroon ng matinding pag-aaway. Tinanong namin ito kung payag siyang makipaghalikan ang kanyang mahal sa leading man ng lips to lips. "Okey lang pero huwag na siyang umuwi ng bahay," biro nito.
Isa sa mga kabataang may potensyal sa pag-arte ang miyembro ng G4 na si Rainier Rodriguez. Fourteen years old lang ito at matangkad sa kanyang edad. Kaibigan ng kanyang mommy si Douglas Quijano na naging daan ng pagpasok nito sa showbiz. Noong una ay ayaw niyang mag-artista pero nag-enjoy na rin ito sa dakong huli lalo na nang humarap sa kamera. Kasama ito sa Kool Ka Lang at Gagamboy. Paborito niya si Vic Sotto at gusto rin niyang maging sikat na komedyante balang araw. Mas nadadalian siya sa sitcom kaysa sa pagdadrama. Naipasok na rin siya sa ilang komersyal ng manager.
Ayon pa kay Rainier, iniipon niyang lahat ang kanyang pay slip at nakabili na rin ng computer mula sa kinita sa showbiz. Natutunan niya ang pagkakaroon ng magandang PR dahil dati siyang tahimik.
Kasama rin ang guwapong bagets sa Kakabakaba Adventures bilang leading man ni Bettina Carlos.
Matagal-tagal na ring hiwalay ang dalawang sikat na celebrities kung saan may isa silang anak na naiwan sa poder ng aktres. Nakakariwasa naman ang asawang celebrity nito bukod pa sa magandang trabaho kaya hindi pinababayaan ang obligasyon sa bata.
Kaso, naibulong ng isang source na nababawasan ang sustento na laan lang para sa bata dahil mahilig sa gimik ang aktres at ginastos ito para sa sariling kapakanan. Kapag naloka sa pag-ibig ay ito pa kadalasan ang gumagastos sa date nila ng nobyo.
Ang aktres ay sandaling nag-lay low sa showbiz pero ngayon ay balik-pelikula na naman.
"Ayaw na ayaw nitong magpaseksi at ako pa nga ang nagtutulak sa kanya na gawin ito dahil maganda ang kanyang katawan. Sayang ang oportunidad na dumarating sa kanyang buhay. Pero ayaw niya kaya nirerespeto ko rin ang kanyang desisyon. Compatible naman kami sa maraming bagay at napaka-responsableng tao niya. May diskarte siya at never na naapektuhan ng intriga noon kung saan sinasabing mas malaki ang kita ko sa kanya. Hindi naman niya sinasabi na may negosyo siya," sey ni Mina.
Si Zoren ang nagpapaligo sa kanilang kambal at ito rin ang nagluluto minsan ng kanilang pagkain. Siya naman ang naglilinis ng kanilang bahay.
Nang tanungin namin kung ilang taon ang tanda ni Zoren sa kanya ay natawa ito. "Hindi ko nga alam ang tunay na edad niya noon pero three weeks ago ay nalaman ko rin ang real age niya. Pero secret at di ko sasabihin sa inyo," dagdag pa ng aktres.
Sa edad na kinse-anyos ay malaking bulas ito kaya napagkakamalan ng dalaga. Bukod sa mga TV shows ay may offer din ito para lumabas sa isang sitcom sa Channel 5 na pinamagatang Ang Texas ni Mang Pedro.
Abala rin ito sa mga shows sa Maynila at ibat ibang parte ng lalawigan dahil may ibubuga naman sa pagsayaw at pag-awit. Higit sa lahat nanggaling ito sa angkan ng mga artista gaya ni Alma Moreno at LJ, mga pinsang buo na sina Mark Anthony Fernandez at Vandolph Quizon kaya may ibubuga sa pag-arte. Nakalabas na ito sa stage play na Ambon ng Kristal bilang bida at sa Mama San with Elizabeth Oropesa. Umaasa si Crystal na sanay mabigyan pa ng offer sa pelikula. Commercial model pa rin ito ng maraming produkto. May nang-eengganyo na kay Kristal na sumali sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant na pangarap din niya pero hindi pa sa ngayon.
Hindi naman ito nababakante sa paggawa ng teleserye katatapos lang niya ng Recuerdo sa Dos at Walang Hanggan sa Syete.
Five years na silang nagsasama ni Mina pero hindi pa nagkakaroon ng matinding pag-aaway. Tinanong namin ito kung payag siyang makipaghalikan ang kanyang mahal sa leading man ng lips to lips. "Okey lang pero huwag na siyang umuwi ng bahay," biro nito.
Ayon pa kay Rainier, iniipon niyang lahat ang kanyang pay slip at nakabili na rin ng computer mula sa kinita sa showbiz. Natutunan niya ang pagkakaroon ng magandang PR dahil dati siyang tahimik.
Kasama rin ang guwapong bagets sa Kakabakaba Adventures bilang leading man ni Bettina Carlos.
Kaso, naibulong ng isang source na nababawasan ang sustento na laan lang para sa bata dahil mahilig sa gimik ang aktres at ginastos ito para sa sariling kapakanan. Kapag naloka sa pag-ibig ay ito pa kadalasan ang gumagastos sa date nila ng nobyo.
Ang aktres ay sandaling nag-lay low sa showbiz pero ngayon ay balik-pelikula na naman.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended