^

PSN Showbiz

Asawa ng dating pulitiko.sugra mommy ng young actor

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Panay ang deny ni Arnell Ignacio na P1 million ang monthly salary niya sa ABS-CBN. Sabi ni Arnell, pang-press release lang daw ‘yun. "Hindi totoo ‘yun, may mga nagsabi lang, hindi ‘yun nanggaling sa akin," he said sa presscon ng MTB Ang Saya Saya.

Ginagawa kasing issue ang nasabing P1 million ng ibang artist ng ABS-CBN dahil bakit daw ang laki agad ng salary ni Arnell. Pero kung sabagay, hindi niya syempre aaminin ‘yun, hindi niya sasabihin na milyones nga ang kikitain niya sa Dos buwan-buwan.

Anyway, madaling naka-adjust ang komedyante sa ABS-CBN, particular na sa MTB. At home na siya sa mga co-host niya. "Lahat sila mababait, including the staff."

Bago pala dumating ang offer ng MTB, pumasok sa isip ni Arnell na mag-lie low sa showbiz at mag-concentrate na lang sa business at pumasok sa pulitika (tatakbo sana siyang councilor ng QC). Eh kaso nga biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Nag-iba lahat ang lahat sa pagdating ng MTB.

By the way, naka-planong magpa-church wedding sina Arnell at ang wife niyang si Frannie this year.

Going back to MTB, marami sila ngayong bagong portions. At isa sa mga click na click ngayon ay ang free load na ipinamimigay nila. Halos sumuko na raw nga ang mga communications provider sa rami ng nagda-dial everytime na namimigay sila ng libreng load.

Sa rami kasi ng gustong makakuha ng load, lahat yata ng may cellphone sa Pilipinas nanonood ng MTB.

Malaking tulong na rin kasi ang 500 free load kaya talagang maraming manonood. Ang ending tuloy, tumaas ang rating ng MTB compared before na hindi man lang sila makahabol sa rating ng Eat Bulaga. At least daw ngayon, 2 points na lang ang lamang ng EB.

Sina Arnell, Ai-Ai delas Alas and Edu Manzano ang main hosts ng programa. With them are Mickey Ferriols, Empoy, Tado and BJ Manalo.
* * *
Kinabahan si Lucky Manzano nang mag-premiere kagabi ang Star Circle Quest. Ang nasabing talent search na pumalit sa nagtapos na game show ni Kris Aquino, Next Level Na! Game Ka Na Ba? Actually, hindi takot kundi kaba ang napi-feel ni Lucky dahil mataas ang expectation sa kanya ng lahat. Although nakita niyang may following agad ang show nang mapuno nila ang Araneta Colesium nang mag-launch sila last Friday, still nakakaramdam pa rin ng kaba si Lucky.

Anyway, anak ni Jim Paredes ng APO Hiking Society ang bagong girlfriend ni Lucky. Close Up endorser din ang girl tulad niya.

Hindi itinatago ni Lucky ang nasabing girl. In fact, kilalang-kilala na ito ng kanyang amang si VRB Chairman Edu Manzano.
* * *
Hindi pa rin nawawala ang idea na idemanda ng pamilya ni Cogie Domingo sa baguhang direktor na si Dominic Zapata. Masyado raw kasing na-offend ang family ni Cogie nang murahin ng direktor ang actor sa press preview ng directorial debut nitong Kuya under Regal Films.

Nag-public apology na raw si Dominic sa mga talk shows, pero sabi ni Cogie gusto pa rin ng family nila na ma-realize ng baguhang director na mali ang ginawa niyang pagmumura.

For the record, minura kasi ng PI ni Dominic si Cogie. "Kung nali-late man ako sa shooting namin, ‘yun ay hindi agad ako nakaalis sa isa ko pang trabaho. Pero willing pa rin akong makipag-trabaho sa kanya, siya lang naman ang nagagalit," sabi ni Cogie sa presscon ng Love to Love Season 3.

Anyway, ka-partner niya sa sa bagong season ng Love to Love episode si Angel Locsin. He admitted na malaki ang chance na ma-in love siya sa dating girlfriend ng the late Miko Sotto. Feeling ni Cogie, wala namang masama kung mangyayari ‘yun dahil very nice si Angel.

Right now, text pal sila ng young actress as in hindi niya mabilang kung ilang text messages ang napapadala nila with each other everyday.

Una silang nag-pair ni Angel sa Kuya.
* * *
Grabe talaga ang Hot Babes, kahit saan magpunta dinudumog. Kwento ng isang Viva insider, kahit saang lugar daw walang magawa ang security pag kumanta na ng Bulaklak ang grupo dahil nagiging wild na ang mga tao sa rally ng administration party headed by Pres. Arroyo.

Wala raw nagagawa ang mga local police sa mga probi-probinsiya dahil talagang dinudumog ang grupo.

Pero pinaka-grabe raw ang nangyari sa Marawi City. Hindi raw nakaiwas sa tsansing ang Hot Babe na sina Gwen Garci, Jen Rosendahl and Jennifer Lee. Inakyat daw ng mga supporter ng K4 ang stage at pilit na hinahalikan ang tatlong Hot Babe.

Dapat sigurong magdala na ng sariling security ang grupo para maiwasan na ang ganitong insidente.

Proof lang talaga ito kung gaano ka-popular ang grupo ng Viva na ngayon ay kapamilya na ng ABS-CBN.
* * *
Totoo kayang sugar mommy ng isang young actor ang asawa ng pulitiko? Ayon sa source ng Baby Talk, kaya parating nasa compound ng mother studio ng actor ang nasabing misis ay dahil binabantayan nito ang young actor.

Ito raw ang gumagastos sa actor as in regular ang sustento nito sa young actor na biglang nawala sa eksena.

Sayang ang actor na ito kung tutuusin dahil may looks and talent naman siya kaya lang kulang siya sa exposure at ‘yun nga kumabit agad sa madatung na mama.

Ang asawang ito ng dating pulitiko ay maraming friends from showbiz.

vuukle comment

ARNELL

CENTER

HOT BABE

LANG

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with