Dahil sa 'Marina', Dyesebel ni Cindy Kurleto mapupurnada ?
March 2, 2004 | 12:00am
Mukhang sunud-sunod ang kamalasang dinaranas ng Filipina-Austrian commercial model-turned-TV personality na si Cindy Kurleto.
Matapos mapabilang sa mga tsinuging hosts ng dating MTB, ang launching movie naman niyang Dyesebel ang mukhang magkakaproblema sa biglang pag-eksena ng teleseryeng Marina. Di kasi naman, papel din ng isang sirena ang ginagampanan ng lead star nitong si Claudine Barretto.
"Im still doing Dyesebel," confident na sagot sa amin ni Cindy nang makausap namin siya. "Its in my Viva contract. Both parties are obligated to do this movie."
Iyon nga lang, malamang daw na ibang pelikula na ang maging launching movie niya. Meaning mukhang umatras ang Boss Vic sa original plan nito na ilunsad si Cindy to full stardom via Dyesebel.
Nangangahulugan ba ito na mas may K si Claudine na maging sirena, kumpara kay Cindy na kinilalang Third Sexiest Woman In The World ng isang magasin para sa taong 2003?
Pero kahit anong sabihin namin, ayaw patulan ni Cindy ang ginagawa naming pang-iintriga. Ni ayaw niyang magbigay ng comment sa rivalry na unti-unting niluluto ng movie press sa kanila ng youngest sibling of the Barretto sisters.
"I dont want to create enemies," natatawa pa niyang sagot nang tanungin namin kung agree ba siya sa sinasabi ng marami na kaya niyang pataubin sa ratings ang Marina sakaling gawan din siya ng GMA-7 ng teleserye version ng Dyesebel.
"Claudine and I never get the chance to work together. But in the few times that I met her in ABS-CBN, I find her a very charming, very sweet person. So I guess, its unfair for me, or for anyone for that matter, to have ill-fillings about her."
Eh sa mga taga-Dos? Wala ba siyang nararamdamang sama ng loob? Double jeopardy nga namang matatawag ang inabot niya sa ABS-CBN dahil dalawang magkasunod na projects agad ang nawala sa kanya dahil sa mga desisyong ginawa ng nasabing istasyon.
"Theres no need for me to feel bad. Ive learned a lot from MTB. Aside from improving my Tagalog, I gained lots of friends because of that show. Thats why Im even very thankful to ABS-CBN management for giving me the chance to work with them.
Does this mean, wala siyang planong lumipat sa GMA-7?
"Actually, my contract with ABS-CBN is non-exclusive. So Im really free to work everywhere, for as long as my schedule permits it."
Aside from her photo shoots and TV guestings, busy din si Cindy sa pagti-taping sa MTV, kung saan isa siya sa mga regular veejays.
Nagkalat na rin all over the Philippines ang mga posters at billboards ng mga naglalakihang commercial endorsements niya, kabilang na rito ang malahiganteng litrato niya sa harap ng SM Megamall. Sa ganda, laki at seksi ng billboard, nagugulat lahat ng motoristang napapadaan doon, na nagiging dahilan ng pagtindi ng traffic sa Edsa.
Sa patuloy na pagbongga ng kanyang career, mukhang wala talaga siyang dahilan para magpaka-bitter.
AP TULAGAN

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended