Tracy,binuburo ng mother studio
March 2, 2004 | 12:00am
Nakakainsulto ang bagong taguri ngayon kay Tracy Torres, "Buro Queen". Bagaman at tinatawanan lamang niya ito, hindi niya maitatwa na angkop sa kanya ang bagong taguri. Magdadalawang taon na nga naman siya sa Leo Films pero nakakatatlong pelikula pa lamang siya. (Tukaan, Mapanukso at Punla). Hindi naman siya mahiram ng ibang outfit from her boss, Mr. Sixto Dy, ayaw nilang makipag-usap dito. Napakarami nang movie offers na lumampas dahil dito.
Sa July tapos na ang kontrata ni Tracy sa Leo Films at nagpasya siya na hindi na mag-renew ng contract.
Habang hinihintay niya ang pagtatapos ng kanyang kontrata, nagpasya siyang mag-negosyo muna. Gumagawa siya ng necklace and bracelet made of semi-precious stones. Katulong niya ang kanyang kapatid at tiyahin. Tinawag niya itong Tracys Treasures.
"Sa halip na magemote-emote, dito na muna ako," sabi niya.
Isang bonggang palabas ang mapapanood mamayang gabi sa CCP, Tanghalang Nicanor Abelardo.
Pinamagatang Lolah... ang Ganda-ganda DIVAhh!, ito ay maglulunsad ng 2004 Ad Campaign ni Ricky Reyes na kung saan ay ipapakilala niya ang mga Gandang Ricky Reyes 2004 Endorsers na tulad nina Ms. Gloria Romero, Ruffa Gutierrez-Bektas, Joyce Jimenez, Ruby Rodriguez, Tanya Garcia, Angel Locsin at StarStruck finalist Yasmien Kurdi. Also the Guwapong Ricky Reyes bunch comprised of Albert Martinez, Richard Gutierrez at StarStruck champion Mark Herras.
Bukas, makikita na ang mga giant billboards ng mga Ang Ganda-Ganda ng 2004 sa ibat ibang lugar sa Metro Manila at sa mga key cities ng Luzon, Visayas at Mindanao. Magsisimula na ring makita ang mga eye-catching bus ads bukas.
Ang Lolah...ang Ganda-ganda DIVAhh! ay isang celebration of the promise of beauty na tanging si Ricky Reyes lamang ang makapagde-deliver. Isang oras na pagtatanghal ito tungkol sa beauty, style, fashion and campy wit na hinaluan ng musika, VTR na may star appearances.
Walang kinalaman ang S.M.I.L.E. sa isang popular na awitin. Isa itong party list na ang ibig sabihin ay Samahan ng mga Mangangalakal Para sa Ikauunlad ng Lokal na Ekonomiya. Naglalayon itong matulungan ang mga negosyante, mula sa pinaka-maliit na sidewalk vendor hanggang sa nagmemeari ng mga malalaking commercial companies.
Layunin din nitong gumawa ng mga batas na lulutas sa suliranin ng mga negosyante at ekonomiya ng bansa.
Ngayong may banta na naman ang El Niño ay biglang naalala ang isang dating konsehal ng Pasig na boluntaryong nag-deliver ng tubig sa lahat ng barangay sa kanyang distrito. Dahil dito, binansagan siyang Mr. Waterman.
Hanggang ngayon ay nagbibigay pa rin ito ng libreng fogging at tubig kapag kinakailangan. Pinamunuan din niya ang maraming reform program sa edukasyon, infrastructure, sports at public service. Nagbigay din siya ng tulong na pinansyal sa ipinadala nating swimmer na si Gretchen Marie Gumbo sa Pacific School Games sa Perth, Australia.
Di lang pala magaling na aktor si Carlo Aquino, isa pa rin siyang magaling na singer. Kasama ang kanyang acoustic band na CAT (Carlo Aquino Theory), mapapanood sila tuwing Lunes sa Funnyside Entertainment Bar & Restaurant sa Timog Ave., QC.
Pero, kung ang feel nyo ay mga nagseseksihang katawan, every Tuesday naman ang Search for Mr. & Ms. Funnyside Sexy Body. Wednesday, andun sina Bobby Gomez & Bubut with Eddie Band, Thursday, entertainer sina Dessa at Cardinal Dancers; Friday, live band, comedy band. Makikikanta rin sina Arpie & The Multi-Vitamins.
To complete your week, live na live si Sheryn Regis every Saturday. Siya yung Star In A Million pride. For inquiries, tawag na lang sa 9277729/9289637/9292177.
Sa July tapos na ang kontrata ni Tracy sa Leo Films at nagpasya siya na hindi na mag-renew ng contract.
Habang hinihintay niya ang pagtatapos ng kanyang kontrata, nagpasya siyang mag-negosyo muna. Gumagawa siya ng necklace and bracelet made of semi-precious stones. Katulong niya ang kanyang kapatid at tiyahin. Tinawag niya itong Tracys Treasures.
"Sa halip na magemote-emote, dito na muna ako," sabi niya.
Pinamagatang Lolah... ang Ganda-ganda DIVAhh!, ito ay maglulunsad ng 2004 Ad Campaign ni Ricky Reyes na kung saan ay ipapakilala niya ang mga Gandang Ricky Reyes 2004 Endorsers na tulad nina Ms. Gloria Romero, Ruffa Gutierrez-Bektas, Joyce Jimenez, Ruby Rodriguez, Tanya Garcia, Angel Locsin at StarStruck finalist Yasmien Kurdi. Also the Guwapong Ricky Reyes bunch comprised of Albert Martinez, Richard Gutierrez at StarStruck champion Mark Herras.
Bukas, makikita na ang mga giant billboards ng mga Ang Ganda-Ganda ng 2004 sa ibat ibang lugar sa Metro Manila at sa mga key cities ng Luzon, Visayas at Mindanao. Magsisimula na ring makita ang mga eye-catching bus ads bukas.
Ang Lolah...ang Ganda-ganda DIVAhh! ay isang celebration of the promise of beauty na tanging si Ricky Reyes lamang ang makapagde-deliver. Isang oras na pagtatanghal ito tungkol sa beauty, style, fashion and campy wit na hinaluan ng musika, VTR na may star appearances.
Layunin din nitong gumawa ng mga batas na lulutas sa suliranin ng mga negosyante at ekonomiya ng bansa.
Hanggang ngayon ay nagbibigay pa rin ito ng libreng fogging at tubig kapag kinakailangan. Pinamunuan din niya ang maraming reform program sa edukasyon, infrastructure, sports at public service. Nagbigay din siya ng tulong na pinansyal sa ipinadala nating swimmer na si Gretchen Marie Gumbo sa Pacific School Games sa Perth, Australia.
Pero, kung ang feel nyo ay mga nagseseksihang katawan, every Tuesday naman ang Search for Mr. & Ms. Funnyside Sexy Body. Wednesday, andun sina Bobby Gomez & Bubut with Eddie Band, Thursday, entertainer sina Dessa at Cardinal Dancers; Friday, live band, comedy band. Makikikanta rin sina Arpie & The Multi-Vitamins.
To complete your week, live na live si Sheryn Regis every Saturday. Siya yung Star In A Million pride. For inquiries, tawag na lang sa 9277729/9289637/9292177.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended