^

PSN Showbiz

Hot mama sa EC

-
Sobrang riot ang darating na serye ng Extra Challenge! Pinamagatang "Hot Mamas Challenge", mabibigyan ng pagkakataon sina Bella Flores, Madame Auring, Tia Pusit at Flora Gasser na sariwain ang kanilang kabataan.

Masusubukan kung totoo bang may asim pa ang mga challengers sa pamamagitan ng mga nakakatawa at nakakaaliw na pagsubok na inihanda para sa kanila.

Maglalaro ng air hockey ang mga nanay sa timezone, bibirit ala Britney Spears at J. Lo, magda-dance showdown, susubukan ang mga trabahong pinangarap lang nila nung sila’y dalaga pa, at mararanasan muli ang panliligaw ng ilang binata! Pero simula pa lang ng pagsubok ay magkakainitan na si Bella at si Madam Auring.

Ayon kay Bella, parang karnabal daw ang buhay ni Madam, at ayon naman kay Madam, si Bella ay pawang press release lang ang inilalabas ukol sa mala-aninong boyfriend na Hapon. Si Flora Gasser naman ay mapapatalon pagkakita kay Illac Diaz. nakamukha raw ni Harry Gasser nung siya’y binata pa. Mapipilayan si Flora dahil dito! Pag nagpatalbugan ang mga Hot Mamas at ang apat na Sex Bomb, sino kaya ang magwawagi sa dance showdown? Sino naman ang challenger na nagpanggap na mas bata ang kanyang edad upang makasama lang sa Extra Challenge? At sino ang kikilalanin bilang oldest wallclimber sa buong Pilipinas?

Antabayanan ang iyakan, tawanan, pakikipaghalikan at ang pagbubuking ng sari-saring sikreto sa "Hot Mamas Challenge" ngayong Miyerkules, ika -3 ng Marso, 7 ng gabi sa GMA 7.

vuukle comment

BELLA

BELLA FLORES

BRITNEY SPEARS

EXTRA CHALLENGE

FLORA GASSER

HARRY GASSER

HOT MAMAS

HOT MAMAS CHALLENGE

ILLAC DIAZ

MADAM AURING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with