^

PSN Showbiz

Isang buwan nang nagkabalikan sina Kris at Joey

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Mayroon kaming kaibigan na nagtatrabaho sa isang advertising agency, at may access siya sa lahat ng kanilang mga ipinagagawang survey. Siya ang nagpakita sa amin ng isang confidential report ng isang survey firm na inutusan ng mga advertisers na gumawa ng isang spot survey ng limang sunud-sunod na araw, at makikita sa report na yon na inilalampaso pa rin sa ratings ng Eat Bulaga ang kalaban nila.

May mga segment pang ang kalaban nila ay 2 percent lang ang audience share, kasi hinati-hati ang survey sa thirty minute segments. Ibig sabihin may nanood na sa kanila na umalis pa at lumipat sa Eat Bulaga siguro. Consistent naman ang ratings ng Eat Bulaga sa survey na iyon.

Pero natanong nga namin, baka naman kaibigan ng mga taga-Eat Bulaga ang gumawa ng survey, eh ang sagot niya sa amin, ni hindi nga raw alam ng mga tao na may ginagawa silang ganoong survey eh. Sikreto lang daw iyon.

Base rin sa resulta ng survey na iyon, lumalabas na mas maganda pa ang audience share ng MTB kaysa riyan sa bago nilang show. Mas sumama pa ang resulta nila na basta na lang nila inaalisan ng trabaho ang mga tao at pinapalitan nila, dahil lang sa kanilang desperadong pagpupumilit na talunin ang Eat Bulaga.

Sa totoo lang, mahihirapan na silang talunin iyang Eat Bulaga. Kasi naging habit na ng mga tao ang manood ng show na iyan. Hindi inaabangan ang show, kaugalian na ang panonood ng show na iyan kaya kahit na ano lang ang content nila, naroroon pa rin at nanonood ang mga tao sa kanila.

Kawawa lang talaga ang mga nakakalaban nila.
* * *
Kumpirmadong isang buwan nang nagkabalikan sina Mayor Joey Marquez at Kris Aquino. Isang insider ang nagsabi sa amin na ganoon nga. Hindi kami interesado kung nagkabalikan man sila o hindi, ang gusto naming malaman ngayon ay kung papaano ipaliliwanag ni Kris Aquino ang statement niya noon na nahawa siya ng sexually transmitted disease kay Mayor Joey, at tinutukan siya noon ng baril na hindi lang niya alam kung anong kalibre.

Ang akala namin, totoong-totoo iyong sinasabi niya noon na hindi na iginalang ni Mayor Joey ang kanyang pagiging isang babae niya mismo. Eh sabi niya hindi siya iginagalang tapos binalikan niya eh.

Isa pa, kung kami naman si Mayor Joey, sinabihang hinawahan naman siya ng STD, hindi rin kami makikipagbalikan diyan kay Kris.
* * *
Panay daw ang daldal ng isang baguhang TV host na dahil may impluwensya ang kanyang mga magulang, hindi siya kagaya ng iba na kailangang pumatol o makipagmabutihan sa mga bading ng showbusiness. Ang taas niyang magsalita, alam kaya niya na ang tatay niya noong araw ay galing din sa mga bading? Mahirap iyong magsasalita ka nang hindi mo nalalaman ang nakaraan mo eh.

EAT BULAGA

ISANG

KRIS AQUINO

LANG

MAYOR JOEY

NIYA

SURVEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with