^

PSN Showbiz

Alaga ng showbiz gay bago naging pulitiko

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Umiiyak ang isa sa mga finalist ng Search For A Star, si Iris Malazarte ng Angeles City, habang kausap namin noong isang araw. Noong una raw ay biruan lamang ang kanyang balak na pagsali sa Search For A Star, pero nang malaunan ay naisip niyang baka yon ang maging daan para makita niyang muli ang nanay niya.

Bale 14 years old si Iris nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Ginawa naman nila ang lahat para mapagkasundo silang muli. Nangyari nga ito pero, mga tatlong taon na ngayon ang nakararaan, basta na lang umalis nang walang paalam ang kanyang ina at hindi na nila nakita simula noon. Kung saan-saan na raw nila ito ipinagtanong pero ni walang makapagsabi kung nasaan na nga ang mother niya.

Ang sabi ni Iris, wala raw siyang pangarap ngayon kundi ang makita ang kanyang ina. Kung darating nga lang daw ito sa grand finals ng Search For A Star na gaganapin sa Ultra sa March 13, hindi bale na raw kung hindi siya manalo. Higit na mahalaga raw sa kanya na makita ang kanyang ina kaysa sa isang milyon at lupa’t bahay na mapapanalunan niya sa contest.

Para kasi kay Iris, mas mahalaga ang kanyang pamilya, at wala na raw siyang pangarap ngayon kundi ang mabuong muli ang pamilya nila. Kung hindi naman daw talaga maaaring magkasundo ang kanilang mga magulang, ang gusto lang niya ay makita ito.
* * *
Masaya yung birthday party ni Manay Gina de Venecia na ginanap sa Haven, ang itinatatag niyang institusyon para sa mga abandoned women. Ang nakakatuwa, nagkatipon doon sa party ni Manay Gina ang lahat yata ng mga magkakalaban sa pulitika. Pero lahat sila ay magkakasalamuha, at nagsasaya.

Napagkwentuhan din namin, ibabalik pala sa TV ang show ni Manay Gina. Sa totoo lang marami ang naghahanap noon. Baka nga raw sa Channel 5 ilagay iyon dahil may magandang offer sa kanila ang ABC-5 para sa show. Mukha nga raw mabibigyan pa sila nang mas magandang oras.
* * *
Kagalang-galang ang dating ng isang pulitiko ngayon, pero ano kaya ang magiging reaksyon ng mga tao kung malalaman na may panahong ang bumubuhay sa kanya ay isang showbiz gay na ka-live in niya.

Noon, ang politician na yan ang naglilinis ng bahay at nagluluto para sa showbiz gay na umampon sa kanya at naging lover niya. Kung sa bagay noon pa naman yon, pero aywan kung alam maging ng mga anak niya na ang pinagsimulan ng kanilang kabuhayan ay galing lahat sa isang showbiz gay na napakayaman noong araw.

ANGELES CITY

GINAWA

IRIS MALAZARTE

KUNG

MANAY GINA

NIYA

RAW

SEARCH FOR A STAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with