^

PSN Showbiz

Boy ang panganay ni Donita!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Natupad ang pangarap ni Donita Rose at ng kanyang asawang si Eric Villarama na maging lalaki ang unang supling. Nagpa-ultra-sound na ang aktres at baby boy ito kaya tuwang-tuwa ang dalawa. Gusto ni Donita na maging lalaki ang panganay nila para maging tagapagtanggol sakaling magkaroon sila ng mga anak na babae.
Sarah G., Ilo-Launch Ng Viva!
Nakita namin ang dating tinitirhang bahay ni Sarah Geronimo sa Sta. Cruz, Maynila na hindi naman kalakihan. Lumipat na sila ng buong pamilya sa Tandang Sora sa isang nirerentahang bahay. Sa rami ng proyekto ni Sarah ay di malayong makapagpatayo rin siya ng sariling bahay at lupa.

May soap opera na ito sa Dos. Bibigyan din siya ng launching movie ng Viva Films na isang suspense-thriller trilogy. Hihintayin lang na mabakante si Mac Alejandre para simulan ang kanyang pelikula.

Mabait na anak si Sarah kaya naman sinuwerte ito.

Nakapagpatayo na ito ng isang beauty parlor sa Piy Margal sa may UST na tinawag nitong Popstar Boutique and Salon. Halos wala nang tulog ang young actress sa rami ng commitment kaya umiinom na lang ng vitamins para lumakas ang katawan. Bukod sa taping ng soap opera at iba pang programa ay may concert ito sa Pebrero 27 sa Aliw Theater titled Sarah, To Love Her More.
Bryan, Magaling Na Child Star!
Bagay ang role na ginampanan ni Bryan Homecillo sa Maalaala Mo Kaya bilang batang Jericho Rosales na gumanap ng role ni Erik Santos.

Ayon kay Echo, saludo siya kay Bryan pagdating sa pagiging propesyonal at magaling umarte kaya hind ito nagtataka kung naging best child actor ito.

Sa kabilang banda, umaasa si Bryan na magkasama sila ni Echo sa isang pelikula.

Isang mahalagang award na tinanggap din nito ay ang Mayors Award of Excellence.

Nominado rin si Bryan sa mga award-giving bodies bilang child actor para sa The Homecoming sa taong ito.
John, Gustong Sundan Si Aga!
Malaking karangalan para kay John Prats kapag sinasabing kahawig siya ni Aga Muhlach. Inamin nito na gusto niyang sundan ang yapak nito lalo na pagdating sa pagiging versatile actor.

Inamin din nito na malapit silang magkaibigan ni Heart Evangelista pero hanggang sa pagiging close friends muna sila. Kung siya ang masusunod, mas type niyang magkaroon ng gf na non-showbiz.

Kasama ang guwapong aktor sa It Might Be You na tinatampukan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
Alma, Tanggap Na Ang Balikang Kris/Joey
Tinanong si Alma Moreno kung ano ang reaksyon niya sa balitang nagkabalikan na sina Kris Aquino at Mayor Joey Marquez bagamat ayaw pa rin itong aminin ng dalawa.

"In love naman sila sa isa’t isa at tanggap ko naman ito. Sana lang huwag na nilang ulitin pa ang nakaraang away nila dahil may mga nasasagasaang mga tao na malalapit sa kanila. Noong mangyari ito ay nasaktan nang labis ang mga anak ni Joey at mga anak din namin," aniya.

Pakiusap lang nito sa dating asawa na mabigyan naman ng quality time ang mga anak nila kapag araw ng Sabado at Linggo.
May Amnesia Ang Actress-Singer!
Dalawang taon nang konektado bilang recording artist sa isang recording company ang sikat na singer-actress na ito. Pero naghihinakit ang ilang staff doon dahil hanggang ngayon ay di pa rin sila kilala nito.

"Okey lang kahit mukha lang namin ang matandaan niya kahit di pa ang aming pangalan sa dalawang taong nakalipas. Pero parang di pa rin niya alam na nagtatrabaho kami sa recording company hanggang ngayon," anila.

Naku! ha! baka may sakit na amnesia ang magandang actress-singer na ito na galing sa angkan ng mga artista.

AGA MUHLACH

ALIW THEATER

ALMA MORENO

BEA ALONZO

BRYAN HOMECILLO

CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with