^

PSN Showbiz

Muslim community suportado na si Edu sa pagri-raid

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Reluctant bold star ang description ng mga writers sa dating Star Circle member na si Maricar Fernandez. Reluctant dahil ayaw niyang mag-frontal, pero payag makipag-lovescene sa partner niya sa pelikulang U-Belt ng Tri-Visions. "Baka kasi magalit ang mother ko pag nag-frontal ako. Hanggang side view lang ang kaya kong ipakita sa movie," she said sa presscon ng latest movie niyang U-Belt with Aleck Bovick, Danna Garcel, Marcus Madrigal among others.

Actually, sabi niya nag-expose siya ng boobs except sa kanyang nipple. Pero ayaw pa ring mag-bold!

Anyway, 20 years old lang si Maricar at dating estudyante ng Women’s University. Business Management ang course niya. Pero dahil nga nag-showbiz na siya, nag-stop siya ng schooling.

Naging member si Maricar ng Star Circle Batch 9 pero na-realize niyang mabagal ang takbo ng career niya pag magpapaka-wholesome siya kaya ang ending, join siya sa paghuhubad sa movies.

Kuwento ng mga estudyanteng nagpo-prosti ang U-Belt.
* * *
Nakikipag-cooperate na pala kay Videogram Regulatory Board Chairman Edu Manzano ang Muslim community sa Quiapo para i-eradicate ang piracy sa Muslim area.

Ang Quiapo kasi ang kino-consider na pugad ng piracy - wholesale and retail. "Pero ngayong ang head na nila sa Golden Mosque ang nakausap namin, wala nang rason para hindi maging successful ang mission namin na mawala ang piracy sa Quiapo. Nais ko silang pasalamatan sa suportang ipinakita nila sa akin," sabi ni VRB Chair sa isang chance interview sa ABS-CBN.

Halos one month pa lang si Edu as chairman of VRB pero 11 locations sa loob ng 16 days ang pinuntahan at nahulihan nila ng mga pirated video and audio goods.

"Mabilis na ‘yun. Kasi halos 250 sacks of pirated goods na ang nakuha namin. Marami na rin kaming nakumpiskang replicating machine. Hindi lang kasi kami naka-focus sa mga pirated CDs VCDs and DVDs, gusto rin naming tapusin ang maliligayang araw ng mga manufacturer ng mga pirated goods na ‘yan," sabi ni Edu.

Ayaw aminin ni Edu, pero isang personnel ng VRB ang nagsabi na sa sariling bulsa ni Edu nanggagaling ang mga ginagastos sa pagri-raid.

Isang raid kasi, aabot ng almost P40,000 ang gastos dahil kailangang bigyan ng allowance ang mga taong kasama sa raid.

"Huwag na nating pag-usapan ‘yan, ang importante nagi-start na kaming mag-raid," pakiusap ni Edu.

Anyway, for publication pa ang Optical Media Bill kaya hindi pa siya nakaka-upo sa Optical Media Regulatory Board chairman.

Pinirmahan na kasi ni Pres. Gloria Macapagal ang Optical Media Bill sa kick off rally ng administration candidates sa Mt. Makiling three weeks ago.

"Nagpapasalamat ako kay Pres. Arroyo at sa paga-appoint niya sa akin as OMB chairman. Mas malaki na ang responsibility ko rito. Pati computer software under na namin," sabi niya.

Pero kahit busy si Edu sa responsibility niya as VRB Chairman, everyday pa rin siyang napapanood sa bagong MTB, Ang Saya-Saya, OK Fine Whatever at Star In A Million sa ABS-CBN.

"Inaayos ko lang ang schedule ko ngayon kasi nga marami kaming mga naka-line up na raids," sabi ni Edu.
* * *
Tomorrow na ang pilot episode ng Yes Yes Show sa ABS-CBN. Ito bale ang kapalit ng Klasmeyts. Ang difference lang nito, live ang Yes Yes Show starring Bayani Agbayani, Vhong Navarro, Candy Pangilinan, Aiko Melendez, Tuesday Vargas, Long Mejia, Isko Salvador, Dagul, the Viva Hot Babes and Lito Camo na nag-compose din ng kanilang theme song.

Kakaiba rin ang programa dahil magiging venue ito para sa mga bagong komedyante - magdi-discover sila ng bagong Dolphy via Clown In A Million Search.

Eight weeks na gaganapin ang preliminary eliminations at tatlong contestants ang maglalaban-laban bawat linggo. Ang mananalo ay base sa sumusunod na criteria - 50% from the votes ng cast and crews at another 50% na text votes mula sa viewers.

Isa lang ang mapipili every week. Out of 24 contestants, walo ang matitira upang mag-training sa loob ng isang buwan. Dito sasabak sila sa mga acting workshops at TV guesting.

Sa semi-finals, isa lang ang pipiliing mananalo kada linggo ng panel of judges hanggang sa mabuo ang Final Funny Four.

Sa grand finals, isa ang mai-eliminate kada linggo at isa lang sa kanilang apat ang tataguriang Clown In A Million.

So kung meron kayong talent sa pagpapatawa, join na kayo sa Clown In A Million. Malay n’yo baka kayo na ang hinahanap ng ABS-CBN.

In any case, isa lang ang Yes Yes Show sa mga programang lalabasan ng Viva Hot Babes.

Ilan pa sa mga programa nila ang MTB, Ang Saya Saya, ASAP Mania, among others.

Anyway, parang incomparable ang Viva Hot Babes sa Sex Bomb Girls.

Mas sikat naman kasing hindi hamak ang Hot Babes kesa sa Sex Bomb.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]/[email protected]

CLOWN IN A MILLION

EDU

LANG

OPTICAL MEDIA BILL

PERO

U-BELT

VIVA HOT BABES

YES YES SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with