^

PSN Showbiz

Vina, gumagawa na rin ng kanta!

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Marami nang artists ang nagsulputan at nawala pero nanatitili pa rin hanggang ngayon ang napaka-talented na si Vina Morales. Bago pa man nakakapagsalita si Vina ay nakapagha-humming na ito ng mga kanta na naririnig niya sa radyo. Sa edad na anim na taon ay performer na siya sa mga piesta, birthday party at mga pakontes sa kanyang bayan sa Cebu. Ang pangarap ni Vina ay maging katulad ng kanyang idol na si Sharon Cuneta kaya pinangalanan din siyang Sharon Magdayao. Natupad naman ang kanyang pangarap ng lumuwas ito ng Manila dahil sa kanyang distinct voice at charisma.

Namalas natin mula sa kanyang kabataan ang talino ni Vina hanggang sa mag-transform siya bilang multimedia artist. Ngayon ay isa na si Vina sa most versatile performers natin. Hindi lang siya talented singer, isa rin siyang impressive dancer at excellent dramatic actress sa kasalukuyan. At kung hindi lang sa mga naiwan niyang commitment hanggang ngayon ay nagpi-perform pa rin ito sa labas ng bansa dahil grabe rin ang demand sa kanya sa abroad.

Ang pagkanta ang first love ni Vina at sa bago niyang album na "Mamahalin Ka Niya" nais nito na muling mapalapit sa kanyang mga fans. Naglalaman ito ng 10 magagandang kanta. Ang titletrack na "Mamahalin Ka Niya" ay sinulat ng award-winning songwriters na sina Soc Villanueva at Arnel De Pano.

Ipinagmamalaki rin ni Vina sa album ang awiting "Paano Kaya Magtatagpo?" na sinulat nilang dalawa ni Piolo Pascual na nilapatan ng musika ni Arnel De Pano. Actually, wala silang panahon na upuan ang kanta dahil sa napaka-busy nilang schedule. Natapos lang nila ito sa pamamagitan ng pagti-text sa isa’t isa. At ang resulta ay isang touching love song na punung-puno ng damdamin.

Kasama rin sa album ang mga classic hits na "Yakapin Mo Ako," "Pangako," at "Saan Darating Ang Umaga," at sultry ballad na "Narito Lang Ako" at ang breathtaking dance ditty "Prove Me."

Ang "Mamahalin Ka Niya" na release ng Star Records ay available na sa CDs at cassettes sa mga record stores nationwide.
* * *
Gusto kong magpasalamat sa magandang adhikain ni Ms. Natalie Palanca at ang grupo nito sa pagbibigay nila ng pagpapahalaga sa mga twins at multiple births last Saturday na ginap sa Camp Shell WOW Philippines, Intramuros, Manila.

Kasama kong nag-enjoy ang dalawa kong paternal twins. Fifty pairs lang na kambal ang inaasahan sana nilang darating, pero umabot sa 273 na bilang ang dumalo sa affair at 13 set dito ay mga triplets. Kaya naman naaliw kami sa panonood ng mga kambal na pawang mga identical twins, triplets at quadruplets mula sa mga babies hanggang sa mga bagets. Pero ang higit na nakaka-inspire ay yung mga lolo at lolang mga kambal na sumama sa parada.

Ang founder na si Natalie ay dating movie producer at ngayon ay PR Consultant ay may apong kambal na walong taong gulang na kinunsider na miracle twins ng mga doctor nung ipanganak ang mga ito. Dinala sa bansa ni Natalie ang Festival of Twins na matagal na nilang dinadaluhang event sa iba’t ibang bansa. Nagsimula ito sa Ohio USA na tinawag nilang Twins Day, at ngayon ay gagawing taunang affair dito sa atin. Ang Festival Twins ay para sa kapakanan ng mga under privileged na mga kambal, multiple births at sa mga isisilang pang mga kambal. Nagsilbing host ng FT sina Chiqui Roa at Christine Jacob.

ANG FESTIVAL TWINS

ARNEL DE PANO

CAMP SHELL

CHIQUI ROA

CHRISTINE JACOB

FESTIVAL OF TWINS

MAMAHALIN KA NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with