^

PSN Showbiz

Nora, inisnab sa klinika ni Dra.Vicki Belo?

-
Pinabulaanan mismo ni Dra. Vicki Belo ang napabalitang sumama ang loob ni Nora Aunor sa kanya nang minsang pumunta sa klinik nito ang superstar para ipa-check up ang konting iritasyon sa mukha nito.

Ayon sa lady cosmetic surgeon ay hindi pa nito nakikita ng personal ang superstar.

"Ang balita ko, nagpunta nga si Nora Aunor doon at iyong doctor na nakausap niya ay isa rin itong fan ng superstar. Hindi ko alam kung ano ang nangyari," sambit ng isa ring Nora Aunor fan.

Samantala, nakausap namin si Albert Sunga, isa sa pinakamalapit sa aktres. Sinabi nito na totoong pumunta sila sa klinik ni Dra. Belo para ikunsulta ang nairitang pisngi nito. Siya ang nakipag-usap sa doctor-on-duty habang si Nora ay nagpaiwan sa van.

Tapos na ni Nora ang kanyang pinakahuling pelikula, ang Naglalayag na gawa ng Angora Films sa pagdidirihe ni Maryo delos Reyes. Kasama rito ng superstar sina Aleck Bovick at Yul Servo na hangang-hanga sa superstar dahil ibang-iba raw ang propesyunalismong ipinakita nito sa trabaho.

"Magaling talaga si Mama Guy at sabi niya, kapag gusto niya ang isang project, puso’t kaluluwa nito ay ibinibigay niya doon sa trabahong iyon," ani Yul.

— ALEX DATU

ALBERT SUNGA

ALECK BOVICK

ANGORA FILMS

DRA

MAMA GUY

NITO

NORA

NORA AUNOR

VICKI BELO

YUL SERVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with