^

PSN Showbiz

Back to back parties sa 'Ok Fine' at 'Bida' ng Dos

-
Dalawang superstars ang may regalong party mula sa kanilang kapamilya sa ABS-CBN sa sitcoms na OK Fine! Whatever at Bida si Mister, Bida si Misis ngayong Lunes at Martes.

Ngayong Lunes, February 23, magiging musical-variety special para kay Aga Muhlach ang OK Fine! Whatever, dahil sasama ang kanyang kapamilya sa sitcom na ito sa selebrasyon ng 20th year ni Aga sa showbiz. Mangunguna siyempre sa kasayahan sina Bayani Agbayani, Edu Manzano, Gloria Romero, Rica Peralejo, Nikki Valdez, Onyok Velasco at Tado. Pero pati ang Drama Prince na si Aga ay mapapa-Michael Jackson muli sa kanyang mga songs and dance numbers kasama ng mga guests na sina Gary Valenciano, John Prats, ang reunited na Streetboys, The Maneouvers at ang South Border. Kasama rin siyempre si Charlene Gonzales sa episode na ito, na pasasalamat ni Aga sa lahat ng mga suporta sa kanya sa loob ng dalawang dekada niya sa industriya.

Surprise party naman ang handog kay Maricel Soriano bukas, February 24, mula sa kanyang mga kapamilya sa Bida si Mister, Bida si Misis. Part-musical extravaganza, part-backtrack sa walang katulad na buhay at career ng Diamond Star ang asaltong ito, na sisimulan ng isang Victim segment kasama nina Dolphy, Cesar Montano, Isko Salvador at Victim host na si Carlos Agassi, Aiai delas Alas, Vilma Santos, Victor Neri, Nova Villa, Izza Ignacio, John Lapus, James Cooper, ang manager ni Mariang si Wyngard Tracy, ang cast ng Bida na sina Cesar, Vhong Navarro, Smokey Manaloto, Shaina Magdayao, Dyords Javier, Earl Ignacio, Emman Abeleda at Alwyn Uytingco at ang mga dating direktor ni Maricel na sina Joel Lamangan, Jerry Sineneng, Mel Chionglo at Chito Roño.

AGA MUHLACH

ALWYN UYTINGCO

BAYANI AGBAYANI

BIDA

CARLOS AGASSI

CESAR MONTANO

CHARLENE GONZALES

CHITO RO

DIAMOND STAR

DRAMA PRINCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with