^

PSN Showbiz

Ang kasaysayan ng mga estudyanteng prosti

-
Ang U-Belt ay kasaysayan ng mga estudyanteng pumasok sa prostitution dala ng kahirapan. Upang makapag-aral, pikit-mata nilang ibinebenta ang kanilang katawan.

Boardmates sina Maggs (Danna Garcel), Koko (Maricar Fernandez) at Jade (Michelle Estevez). Si Jade ay nagtatrabaho sa isang fastfood restaurant kaya’t self-supporting student siya. Sina Maggs at Koko ay umaasa sa ipinapadala sa kanila ng mga magulang nila.

Hindi sapat ang natatanggap na allowance nina Maggs at Koko. Hindi naman sila makapag-reklamo sa kanilang magulang sapagkat batid nilang hirap na hirap na ang mga ito sa pagpapa-aral sa kanila. Upang hindi na magambala pa ang mga magulang, nag-decide sina Maggs at Koko na pumasok sa prostitutions, ang nahuhuling paraan upang sila’y makapagpatuloy ng pag-aaral. Bago ito, sinubukan nilang mag-apply kung saan-saan pero sila’y bigo kaya nga humantong sila sa pagkapit sa patalim.

Nakilala nila si Sarah (Aleck Bovick). Hanga sila sa porma ni Sarah. Nalaman nilang prosti si Sarah kaya sunod ang layaw nito sa katawan. Nakiusap sina Maggs at Koko kay Sarah na ipasok sila sa prostitution. Nagpakatanggi-tanggi si Sarah. Nagmakaawa sina Maggs at Koko. Sa huli, kahit labag sa kanyang kalooban, pinagbigyan din ni Sarah ang pagmamakaawa ng dalawa. May isang condition na hiniling si Sarah: na iiwan nila ang prostitution pagkatapos ng kanilang pag-aaral. Pinasumpa ni Sarah sina Maggs at Koko na tutuparin nila ang pangako.

Sinwerte si Sarah. Na-in love sa kanya ang isa niyang regular customer. Niyaya siyang pakasal. Pumayag si Sarah at tuluyan na niyang iniwan ang prostitution.

Si Ambie (Marcus Madrigal) ang boyfriend ni Maggs. Isang student leader na radical si Ambie na ang puso ay nasa mga inaapi ng lipunan at pamahalaan. Si Olan (Robin Robell), boyfriend ni Koko, isang macho dancer na napilitan ding pumasok sa trabahong iyon upang matustusan ang pag-aaral.

Biktima si Maggs ng sexual harassment. Pinamili siya ni Mr. Cruz (Rez Cortez) ng "kwarto o kwarta." Napilitan ang kawawang Maggs na isuko ang sarili sa ganid at mapagsamantalang professor. Ngunit nang muling humiling si Mr. Cruz ng isa pang libreng sex kapalit ng pag-pasa ni Maggs, labis siyang nasaktan at naawa sa sarili. Nang malaman ito ng kanyang mga kaibigan, isang plano ang kanilang binuo. Isi-net up nila si Mr. Cruz. Nakunan ni Olan (photographer siya ng school organ) si Mr. Cruz na nakahubad. Ipinarating sa school authority ang kaso ni Mr. Cruz at siya ay nasipa. May aral na mapupulot sa pelikulang ito.

vuukle comment

ALECK BOVICK

DANNA GARCEL

KOKO

MAGGS

MARCUS MADRIGAL

MARICAR FERNANDEZ

MICHELLE ESTEVEZ

MR. CRUZ

REZ CORTEZ

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with