Paolo Contis, pasok sa teleserye ng GMA
February 23, 2004 | 12:00am
Wala pa si Claudine Barretto ngayon dahil magkasama pa sila ni Piolo Pascual sa world premiere ng Milan ng Star Cinema sa Milan, Italy, pero today, magsisimula nang mapanood ang kanyang fantaserye sa Channel 2, ang Marina. Para kay Claudine na may lima nang soap na ginawa niya, ito na ang pinakamahirap na drama show, dahil bukod sa maraming underwater scenes, nahirapan siya talagang lumangoy na may suot na buntot.
Nakasali na raw siya sa mga swimming competition pero hindi pa siya nakalangoy na may suot na buntot.
Pero happy siya dahil mahuhusay na mga artista ang mga kasama niya rito like Cherie Gil, Snooky Serna, Sunshine Cruz (na tamang-tamang tapos nang mag-taping ng kanyang mga scenes bago nahalata ang tummy niya dahil three months na ang dinadala niya, na isa rin siyang sirena sa story) at Joel Torre. Isa lamang ang Marina sa apat na fantaserye na gagawin ni Claudine.
Hindi kami magtataka kung lilipat si Paolo Contis sa GMA-7 dahil ilang buwan na ring natapos ang Tabing-Ilog pero wala pa ring bagong project na ibinigay sa kanya ang ABS-CBN. Ngayong nawala na rin ang Klasmeyts, wala na ngang reason para hindi siya lumipat sa GMA-7, lalo pa at naroon ang girlfriend niyang si Nancy Castiglione. Sabiy isasama si Paolo sa isang teledrama roon.
Happy si Ogie Alcasid na mapapanood muna niya ang pagsisimula ng first soap niya, ang Hanggang Kailan na tinawag ni Direk Joey Reyes na seryereal dahil daw wala itong bahid ng fantasy, puro totoo. Kahit ang pagkanta ni Ogie sa isang eksena ay live, ganoon din si Aiza Seguerra. Sa March 8 na ang pilot telecast ng Hanggang Kailan sa time slot na iiwanan ng Narito Ang Puso Ko. Personal choice ng scriptwriter na si Bibeth Orteza si Ogie dahil gusto niya ay tunay na songwriter ang gaganap sa role.
Yes Yes Show ang gag show na ipinalit agad ng ABS-CBN sa Klasmeyts. Hindi raw political ang show, sasakyan daw lamang nila ang election fever ngayon. Live itong mapapanood na creation nina Ariel Ureta, Willy Cuevas at Direk Ipe Pelino.
Magkakasama rito ang original cast ng Klasmeyts na sina Bayani Agbayani, Aiko Melendez at Tuesday Vargas, with Vhong Navarro, Candy Pangilinan, Long Mejia, Dagul, Lito Camo, Isko "Brod Pete" Salvador, Mel Villena and the Viva Hot Babes.
Sa Wednesday, February 25, ang pilot telecast nito na maghahanap din ng mga up and coming comics na magiging artista ng network sa segment na "Clown in a Million." Si Johnny Manahan ang magdidirek ng gag show.
Sumagot si Aiko Melendez sa mga tanong tungkol sa nangyayari sa kanila ni Jomari Yllana ngayon. Huwag na raw lamang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Ara Mina.
Ngayon daw na may kasong isinampa si Jomari sa kanya sa custody ng anak nila, gusto na rin niyang matapos ito at maging magkaibigan na sila para sa anak nila. On her part, ilalabas daw niya sa issue si Andrei dahil five years old pa lamang ang bata at hindi pa nito maiintindihan ang nangyayari.
Inamin na rin ni Aiko ang totoo sa kanila ni Victor Neri. Ayaw daw niyang sabihing friends lamang sila ni Victor, tapos makikita silang laging magkasama.
Hanggang March 24 lamang mapapanood si Aiko sa Yes Yes Show, dahil sa March 25, simula na ng kampanya niya bilang konsehal sa District 2 ng Quezon City. Number one si Aiko sa survey at sana nga raw, hindi malimutan ng mga constituents niya na may nagawa siya sa kanyang distrito. May mga projects pa nga raw siyang naiwanan na kung muli siyang mahalal, ay ipagpapatuloy niyang gawin.
Hindi ini-expect ni Aiko na matutulungan siya ni Victor sa pangangampanya dahil dalawa raw ang sinusuportahan nito sa national level, ang mga senatoriables na sina Mar Roxas at Ernesto Herrera.
Nakasali na raw siya sa mga swimming competition pero hindi pa siya nakalangoy na may suot na buntot.
Pero happy siya dahil mahuhusay na mga artista ang mga kasama niya rito like Cherie Gil, Snooky Serna, Sunshine Cruz (na tamang-tamang tapos nang mag-taping ng kanyang mga scenes bago nahalata ang tummy niya dahil three months na ang dinadala niya, na isa rin siyang sirena sa story) at Joel Torre. Isa lamang ang Marina sa apat na fantaserye na gagawin ni Claudine.
Magkakasama rito ang original cast ng Klasmeyts na sina Bayani Agbayani, Aiko Melendez at Tuesday Vargas, with Vhong Navarro, Candy Pangilinan, Long Mejia, Dagul, Lito Camo, Isko "Brod Pete" Salvador, Mel Villena and the Viva Hot Babes.
Sa Wednesday, February 25, ang pilot telecast nito na maghahanap din ng mga up and coming comics na magiging artista ng network sa segment na "Clown in a Million." Si Johnny Manahan ang magdidirek ng gag show.
Ngayon daw na may kasong isinampa si Jomari sa kanya sa custody ng anak nila, gusto na rin niyang matapos ito at maging magkaibigan na sila para sa anak nila. On her part, ilalabas daw niya sa issue si Andrei dahil five years old pa lamang ang bata at hindi pa nito maiintindihan ang nangyayari.
Inamin na rin ni Aiko ang totoo sa kanila ni Victor Neri. Ayaw daw niyang sabihing friends lamang sila ni Victor, tapos makikita silang laging magkasama.
Hanggang March 24 lamang mapapanood si Aiko sa Yes Yes Show, dahil sa March 25, simula na ng kampanya niya bilang konsehal sa District 2 ng Quezon City. Number one si Aiko sa survey at sana nga raw, hindi malimutan ng mga constituents niya na may nagawa siya sa kanyang distrito. May mga projects pa nga raw siyang naiwanan na kung muli siyang mahalal, ay ipagpapatuloy niyang gawin.
Hindi ini-expect ni Aiko na matutulungan siya ni Victor sa pangangampanya dahil dalawa raw ang sinusuportahan nito sa national level, ang mga senatoriables na sina Mar Roxas at Ernesto Herrera.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended