^

PSN Showbiz

Danilo Barrios,may itinatagong anak sa probinsiya

-
Natatawa si Danilo Barrios sa intrigang may anak na siyang tatlong taong gulang na kasalukuyang nasa pangangalaga ng ina ng bata. Inamin nitong, noong isang taon pa siya naiintrigang may anak pero, walang makapagpatunay na totoo ang naturang tsismis.

Inamin nito na mayroon siyang pamangkin na palagi nitong kinakarga at ipinapasyal na sinasabing anak niya kung may nagtatanong. Hindi niya anak ang bata kundi siya ang ninong nito at kinukonsiderang pangalawang ama. Maliban dito ay mayroon din siyang mga nakababatang kapatid na palaging kasama niya sa pamamasyal kaya hindi maiiwasang matsismis siyang may anak at itinago ito sa probinsya.

Sinabi ni Danilo na hindi pa siya handa para magkaroon ng pamilya, spiritually, mentally at financially.

Palabas ngayon ang pelikulang Kuya ng Regal at isa si Danilo sa kabataang bida. Anim silang mga kabataang bida sa pelikula at masasabi nating may potensyal siya sa pag-arte bukod pa sa kahusayan nitong sumayaw. – Alex Datu

ALEX DATU

ANAK

DANILO

DANILO BARRIOS

INAMIN

KUYA

MALIBAN

NATATAWA

PALABAS

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with