Kris, bibigyan ng sariling teleserye ng ABS-CBN
February 21, 2004 | 12:00am
Natuloy din pala si Ara Mina sa one week shows niya sa Japan. Matagal na kasi ang offer na ito sa kanya pero hindi niya napagbibigyan dahil nga nagkasunud-sunod ang trabaho niya. Naghintay muna siya ng chance na pwede siyang maka-alis na hindi maapektuhan ang taping niya ng Bubble Gang at Te Amo (Maging Sino Ka Man) bago siya tumuloy sa Japan.
No, hindi po totoo na kasama niya si Jomari Yllana dahil hindi ito pwedeng umalis sa taping ng Te Amo. Ang manager niyang si Dondon Monteverde ang kasama ni Ara sa Japan. Sa Monday, narito na siya, at diretso siya sa taping ng Bubble Gang.
Matagal nang nakarating sa amin ang balita na isang outsider ang papalit kay Mr. Freddie M. Garcia sa pagri- retire nito sa ABS-CBN ng December, 2003. Dapat daw kasi, mula sa advertising world ang papalit sa kanya. Akala kasi namin, ang pinakamalapit na papalit kay FMG ay si Ms. Charo Santos-Concio dahil ang katwiran namin, alam na ni Charo ang ins and outs sa ABS-CBN.
We learned na patuloy pa ring nagtatrabaho sa ABS-CBN si FMG ngayon, as a consultant. Sa May, 2004 pa papasok si Mr. Luis Alejandro ng Heinz UFC Phils. na siyang papalit sa kanya. Kaya marami raw reformat at mga pagbabago ng shows na magaganap ngayon sa ABS-CBN, na kailangang ma-approved ni Mr. Garcia bago siya tuluyang mag-retire at palitan ni Mr. Alejandro.
Balita pa ring nakarating sa amin, may sarili raw staff na dala si Mr. Alejandro pagpasok niya sa ABS-CBN.
Sa Morning Girls with Kris & Korina last Thursday, nagpaalam na at nagpasalamat si Kris Aquino sa mga televiewers dahil last taping day na raw niya ng Next Level Na, Game Ka Na Ba? that day at ito ang mapapanood next week dahil hanggang sa Friday, February 27 na lamang mapapanood ang kanyang game show na tumagal din ng two and a half years sa ere. Siya lamang ang game show na natira nang halos sabay-sabay na nagkaroon ng game show noon sa iba-ibang channels.
Three weeks magpapahinga, then magkakaroon muna siya ng isang series na mapapanood siya once a week. At sa July, 2004, na magkakaroon siya ng sariling teleserye. Ayaw pang sabihin ni Kris ang detalye at baka raw magaya ng iba ang series at ang teleserye. Pero isa raw young dramatic actress ang makakasama niya sa teleserye. Sa palagay naman namin, hindi maninibago si Kris na mag-taping ng three to four times a week for the teleserye dahil nasanay na siyang mag-taping ng mula umaga hanggang sa susunod na umaga sa GKNB.
Kasalukuyang nagpu-promote ang cast ng Annie B ng Viva Films, dahil showing na sila sa March 3. Payagan kaya sina Sarah Geronimo at Mark Bautista na mag-promote ng movie? Maganda raw kasi ang role dito ni Sarah at bagay sa kanya. First movie naman ito ni Mark.
May premiere night ang Annie B sa Monday, March 1 sa SM Megamall.
Congratulations kay Vicky Morales at sa Wish Ko Lang sa pilot episode niya last February 14. Nakakuha ng 18% rating ang show.
Today at 4:00 p.m., hinanap ni Vicky at ng staff niya ng Wish Ko Lang ang magulang ni Jason Ursua na nine years pa lamang nang lumayas sa kanyang mga magulang at sa loob ng 8 taon, naging palaboy sa lansangan. Wala nang natatandaan si Jason kung saan ang bahay niya sa Laguna, ang alam lamang niya ay may riles ng tren na malapit sa bahay nila. Nagpunta sila sa ibat ibang bayan sa Laguna para makita lamang ang magulang ni Jason.
No, hindi po totoo na kasama niya si Jomari Yllana dahil hindi ito pwedeng umalis sa taping ng Te Amo. Ang manager niyang si Dondon Monteverde ang kasama ni Ara sa Japan. Sa Monday, narito na siya, at diretso siya sa taping ng Bubble Gang.
We learned na patuloy pa ring nagtatrabaho sa ABS-CBN si FMG ngayon, as a consultant. Sa May, 2004 pa papasok si Mr. Luis Alejandro ng Heinz UFC Phils. na siyang papalit sa kanya. Kaya marami raw reformat at mga pagbabago ng shows na magaganap ngayon sa ABS-CBN, na kailangang ma-approved ni Mr. Garcia bago siya tuluyang mag-retire at palitan ni Mr. Alejandro.
Balita pa ring nakarating sa amin, may sarili raw staff na dala si Mr. Alejandro pagpasok niya sa ABS-CBN.
Three weeks magpapahinga, then magkakaroon muna siya ng isang series na mapapanood siya once a week. At sa July, 2004, na magkakaroon siya ng sariling teleserye. Ayaw pang sabihin ni Kris ang detalye at baka raw magaya ng iba ang series at ang teleserye. Pero isa raw young dramatic actress ang makakasama niya sa teleserye. Sa palagay naman namin, hindi maninibago si Kris na mag-taping ng three to four times a week for the teleserye dahil nasanay na siyang mag-taping ng mula umaga hanggang sa susunod na umaga sa GKNB.
May premiere night ang Annie B sa Monday, March 1 sa SM Megamall.
Today at 4:00 p.m., hinanap ni Vicky at ng staff niya ng Wish Ko Lang ang magulang ni Jason Ursua na nine years pa lamang nang lumayas sa kanyang mga magulang at sa loob ng 8 taon, naging palaboy sa lansangan. Wala nang natatandaan si Jason kung saan ang bahay niya sa Laguna, ang alam lamang niya ay may riles ng tren na malapit sa bahay nila. Nagpunta sila sa ibat ibang bayan sa Laguna para makita lamang ang magulang ni Jason.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended