Robin, inireklamo ni Maricar
February 20, 2004 | 12:00am
Hindi po si Robin Padilla ang tinutukoy ko kundi ang baguhang aktor na si Robin Robell ng Masculados na kasama sa pelikula ng Tri-Vision Films na pinamagatang U-Belt.
Katulad ng isinasaad ng titulo, tungkol ito sa buhay ng mga estudyante na napilitang pumasok sa prostitution upang matustusan ang kanilang pag-aaral.
Ipinagmamalaki ng Tri-Vision ang mga artista nila. Di tulad ng mga naglipanang starlets na tipong kung saan-saang clubs at bars nakuha, sina Danna Garcel, Maricar Fernandez, Michelle Estevez at Julia Lopez ay angat na angat, lalo na ang pambato ng produksyon na si Aleck Bovick na may special participation sa pelikula.
Maraming nagbabagang eksena sa U-Belt, pagliliyabin nina Marcus Madrigal at Robin Robell ang mga pantasyadora, maging sila ay babae, lalaki o bakla!
Isa nga sa maiinit na eksena ng pag-ibig ang inirereklamo ng isa sa mga babaeng artista, si Maricar Fernandez dahil aniya ay nag-take advantage sa kanya si Robin Robell sa isa nilang mainit na eksena. Tapos na raw ang eksena, nakasigaw na ng cut ang direktor na si Donn Remo pero, patuloy pa rin ang paghalik sa kanya ng kapareha. At kung dapat ay halikan lamang siya sa mukha, sa labi hanggang sa mga leeg, ang halik daw ni Robin ay umabot hanggang sa kanyang boobs.
Hindi naman sinasadya o walang pagsasamantalang nasa isip ang myembro ng Masculados sa kanyang naging kapareha. Nadala lamang daw siya ng eksena nila at kung noon pang makatapos sila ng eksena niya nalaman niya na may galit sa kanya ang kapareha, sana ay nun pa siya agad na humingi ng paumanhin. Ang nangyari kasi ay nabasa muna niya ang reklamo ni Maricar at napag-alaman lamang niya nung presscon ng pelikula ang isyu kaya dun lamang siya nakahingi ng paumanhin sa magandang kapareha. Ngiti lamang ang nakuha niyang sagot.
Kasama pa rin sina Bembol Roco, Al Tantay, Rez Cortez, Manjo del Mundo, Jean Saburit, Janice Jurado at Alberto de Esteban sa pelikula.
Katatawanan din ang main staple ng bagong palabas na makakapalit ng Klasmeyts na magsisimulang mapanood bukas, Pebrero 21 sa ABS CBN.
Yes Yes Show ang titulo nito na tatampukan din ng mga Klasmeyts stars na sina Aiko Melendez, Tuesday Vargas, Bayani Agbayani plus Isko Salvador, Lito Camo, yes the novelty songwriter, Long Mejia, Candy Pangilinan, Dagul at ang Viva Hot Babes.
Parang tulong sa madaling pagpapakilala sa Yes Yes Show, maglulunsad ito ng isang comedy star search, ang Clown In A Million. Walong linggong gaganapin ang preliminary eliminations at tatlong contestants ang maglalaban linggu-linggo. Judging will be based from text votes, 50% at 50% sa boto ng cast and crew. Isa lang ang mapipili every week. Sa makukuhang 24 na kontestant, walo ang matitira, bibigyan ito ng training sa loob ng isang buwan sa acting workshop at TV guesting.
Sa semi-finals, isa lang ang pipiliin kada linggo ng mga hurado hanggang sa mabuo ang Final Funny Four.
At sa Grand Finals, isang grand finalist ang aalisin per week at isa sa kanilang apat ang tatanghaling Clown In A Million.
Kuripot nga ba si Aga Muhlach? Ito ang impresyon na ibinigay ng maraming artistang kaibigan ng pinaka-guwapong aktor sa local movie industry sa 20th anniversary celebration ng aktor sa kanyang programang Ok Fine Whatever na mapapanood sa Lunes, 9:30 ng gabi, ABS CBN.
Kung sabagay, walang dapat ipagsisi ang aktor kung naging kuripot man siya dahil isa siya sa maituturing na financially stable na artista ngayon. Patuloy pa rin ang pagdating ng mga product endorsements, ang magagandang pelikula, successful concerts abroad. And his marriage is considered to be one of the most ideal in showbusiness.
Wala na nga sigurong mahihiling pa si Aga Muhlach, maliban na lang siguro sa isang palabas na maituturing niya na maaari lamang mangyari sa isang pangarap, one where he can show his terpsichorean and singing prowess. Sayang at nananatiling nasa likod na lamang ng kanyang pag-arte ang kanyang kahusayan bilang isang dancer. He looks happiest, very sexy, sa mga ginawa niyang dance numbers sa OK Fine Whatever na mapapanood sa Lunes. Abangan.
Katulad ng isinasaad ng titulo, tungkol ito sa buhay ng mga estudyante na napilitang pumasok sa prostitution upang matustusan ang kanilang pag-aaral.
Ipinagmamalaki ng Tri-Vision ang mga artista nila. Di tulad ng mga naglipanang starlets na tipong kung saan-saang clubs at bars nakuha, sina Danna Garcel, Maricar Fernandez, Michelle Estevez at Julia Lopez ay angat na angat, lalo na ang pambato ng produksyon na si Aleck Bovick na may special participation sa pelikula.
Maraming nagbabagang eksena sa U-Belt, pagliliyabin nina Marcus Madrigal at Robin Robell ang mga pantasyadora, maging sila ay babae, lalaki o bakla!
Isa nga sa maiinit na eksena ng pag-ibig ang inirereklamo ng isa sa mga babaeng artista, si Maricar Fernandez dahil aniya ay nag-take advantage sa kanya si Robin Robell sa isa nilang mainit na eksena. Tapos na raw ang eksena, nakasigaw na ng cut ang direktor na si Donn Remo pero, patuloy pa rin ang paghalik sa kanya ng kapareha. At kung dapat ay halikan lamang siya sa mukha, sa labi hanggang sa mga leeg, ang halik daw ni Robin ay umabot hanggang sa kanyang boobs.
Hindi naman sinasadya o walang pagsasamantalang nasa isip ang myembro ng Masculados sa kanyang naging kapareha. Nadala lamang daw siya ng eksena nila at kung noon pang makatapos sila ng eksena niya nalaman niya na may galit sa kanya ang kapareha, sana ay nun pa siya agad na humingi ng paumanhin. Ang nangyari kasi ay nabasa muna niya ang reklamo ni Maricar at napag-alaman lamang niya nung presscon ng pelikula ang isyu kaya dun lamang siya nakahingi ng paumanhin sa magandang kapareha. Ngiti lamang ang nakuha niyang sagot.
Kasama pa rin sina Bembol Roco, Al Tantay, Rez Cortez, Manjo del Mundo, Jean Saburit, Janice Jurado at Alberto de Esteban sa pelikula.
Yes Yes Show ang titulo nito na tatampukan din ng mga Klasmeyts stars na sina Aiko Melendez, Tuesday Vargas, Bayani Agbayani plus Isko Salvador, Lito Camo, yes the novelty songwriter, Long Mejia, Candy Pangilinan, Dagul at ang Viva Hot Babes.
Parang tulong sa madaling pagpapakilala sa Yes Yes Show, maglulunsad ito ng isang comedy star search, ang Clown In A Million. Walong linggong gaganapin ang preliminary eliminations at tatlong contestants ang maglalaban linggu-linggo. Judging will be based from text votes, 50% at 50% sa boto ng cast and crew. Isa lang ang mapipili every week. Sa makukuhang 24 na kontestant, walo ang matitira, bibigyan ito ng training sa loob ng isang buwan sa acting workshop at TV guesting.
Sa semi-finals, isa lang ang pipiliin kada linggo ng mga hurado hanggang sa mabuo ang Final Funny Four.
At sa Grand Finals, isang grand finalist ang aalisin per week at isa sa kanilang apat ang tatanghaling Clown In A Million.
Kung sabagay, walang dapat ipagsisi ang aktor kung naging kuripot man siya dahil isa siya sa maituturing na financially stable na artista ngayon. Patuloy pa rin ang pagdating ng mga product endorsements, ang magagandang pelikula, successful concerts abroad. And his marriage is considered to be one of the most ideal in showbusiness.
Wala na nga sigurong mahihiling pa si Aga Muhlach, maliban na lang siguro sa isang palabas na maituturing niya na maaari lamang mangyari sa isang pangarap, one where he can show his terpsichorean and singing prowess. Sayang at nananatiling nasa likod na lamang ng kanyang pag-arte ang kanyang kahusayan bilang isang dancer. He looks happiest, very sexy, sa mga ginawa niyang dance numbers sa OK Fine Whatever na mapapanood sa Lunes. Abangan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am