MTB, di pa nawawala sa ere, wala na si Bayani
February 20, 2004 | 12:00am
Last day na ngayong Friday ng Masayang Tanghali, Bayan sa Channel 2. Niliwanag ni Bayani Agbayani na hindi siya nag-resign sa show, tatapusin niya ito dahil minahal na niya ito. May mga lumabas kasing balita na nag-resign si Bayani sa show nang malaman niyang mawawala na ito sa ere.
Ang totoo, hindi pa niya alam na mawawala na ang noontime show nila, nagpapaalam muna siyang magbabakasyon dahil hindi na niya kaya ang shooting at taping ng dalawang shows niya, ang Bida si Mister, Bida si Misis at Ok, Fine Whatever. Tinatapos na nila ni Vhong Navarro ang Otso, Otso at hindi naman niya ikinailang mangangampanya pa siya para sa KNP, although as of now, wala pa naman siyang schedule na tinatanggap.
Kaya nang malaman niyang mawawala na ang noontime show, nag-decide siyang mag-concentrate na lamang sa taping ng sitcoms niya dahil kung nawala man ang Klasmeyts, may kapalit na itong bagong show na makakasama pa rin niya si Aiko Melendez at Tuesday Vargas at makakasama nila si Vhong Navarro.
Binabati namin si Direk Maryo J. delos Reyes at Violett Films, producer ng Magnifico at sa buong cast ng movie, dahil sa malaking tagumpay nito sa katatapos na Berlin International Film Festival. From the airport, dumiretso na si Direk Maryo sa Annabels Restaurant at naghihintay na sina Madame Violet Sevilla at mga press para sa isang welcome party sa kanya. Three days and two nights daw lamang siya sa Berlin, kaya talagang hilo pa siya sa jet lag dahil sobrang lamig daw doon.
Tumanggap din ang Magnifico ng Grand Prix for the Best fature Film with a cash prize of 7.500 Euro, na hindi raw maglalayo sa P500,000. Sangayon kay direk Maryo kinilabutan siya na nang tumayo siya para tanggapin ang award, pinalakpakan siya at ang movie na siguro raw ay tumagal ng 10 minutes. Nilapitan daw siya ng isang Indian director na may entry rin sa festival, at sinabing naiyak siya sa pelikula na nagtatampok kina Jiro Manio, Lorna Tolentino, Albert Martinez, Gloria Romero, Isabella de Leon, Danilo Barrios and Girlie Servilla.
Bakit kaya hindi ang Magnifico ang ipinadala ng Film Academy of the Philippines sa Oscars para sa Foreign Film Division, to think na sunud-sunod na success ang tinatanggap nito sa ibat ibang international film festival at baka may pag-asa pa tayong manalo? Ilang beses na kasing palpak ang desisyon ng FAP sa pagpapadala ng Pilipinas ng entry sa Oscars.
Tumanggap kami ng report mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. at hindi kami nagtaka nang malaman namin na sa Most Popular TV Program, unanimous daw ang boto ng StarStruck at si Direk Lino Cayetano naman ang napiling Most Popular TV Director dahil sa StarStruck. Heto pa ang ibang winners na ang presentation at coronation night ay gagawin sa Aliw Theater sa March 21, 7:00 p.m.
Box-Office King & Queen -- Vic Sotto and Ai Ai delas Alas
Mr. & Miss RP Movies -- Piolo Pascual & Maricel Soriano
Prince & Princess of RP Movies -- Richard Gutierrez & Heart Evangelista
All Time Favorite Actor/Actress -- Tirso Cruz III & Susan Roces
Most Popular Child Actor/Actress -- Jiro Manio & Isabella de Leon
Most Popular Love Team of RP Movies -- John Lloyd Cruz & Bea Alonzo
Most Popular Novelty Singer -- Bayani Agbayani
Most Popular Male/Female Singer -- Ogie Alcasid & Regine Velasquez
Most Popular Group Singer/Entertainer -- Sex Bomb Singers
Most Promising Group Singer/Entertainers - Masculados
Most Popular Dance Group -- Sex Bomb Dancers
Most Promising Male/Female Star -- Paolo Bediones & Iza Calzado
Most Promising Male/Female Singer -- JayR & Sarah Geronimo
Most Popular Writers -- Artemio Abad, Melisa del Rosario at Keiko Aquino
Most Popular Producer -- Star Cinemaramas
Special Awards: Grand Slam Award - Piolo Pascual
Youth Achievement Award -- Jolina Magdangal
Bert Marcelo Memorial Award -- Janno Gibbs
Ang totoo, hindi pa niya alam na mawawala na ang noontime show nila, nagpapaalam muna siyang magbabakasyon dahil hindi na niya kaya ang shooting at taping ng dalawang shows niya, ang Bida si Mister, Bida si Misis at Ok, Fine Whatever. Tinatapos na nila ni Vhong Navarro ang Otso, Otso at hindi naman niya ikinailang mangangampanya pa siya para sa KNP, although as of now, wala pa naman siyang schedule na tinatanggap.
Kaya nang malaman niyang mawawala na ang noontime show, nag-decide siyang mag-concentrate na lamang sa taping ng sitcoms niya dahil kung nawala man ang Klasmeyts, may kapalit na itong bagong show na makakasama pa rin niya si Aiko Melendez at Tuesday Vargas at makakasama nila si Vhong Navarro.
Tumanggap din ang Magnifico ng Grand Prix for the Best fature Film with a cash prize of 7.500 Euro, na hindi raw maglalayo sa P500,000. Sangayon kay direk Maryo kinilabutan siya na nang tumayo siya para tanggapin ang award, pinalakpakan siya at ang movie na siguro raw ay tumagal ng 10 minutes. Nilapitan daw siya ng isang Indian director na may entry rin sa festival, at sinabing naiyak siya sa pelikula na nagtatampok kina Jiro Manio, Lorna Tolentino, Albert Martinez, Gloria Romero, Isabella de Leon, Danilo Barrios and Girlie Servilla.
Bakit kaya hindi ang Magnifico ang ipinadala ng Film Academy of the Philippines sa Oscars para sa Foreign Film Division, to think na sunud-sunod na success ang tinatanggap nito sa ibat ibang international film festival at baka may pag-asa pa tayong manalo? Ilang beses na kasing palpak ang desisyon ng FAP sa pagpapadala ng Pilipinas ng entry sa Oscars.
Box-Office King & Queen -- Vic Sotto and Ai Ai delas Alas
Mr. & Miss RP Movies -- Piolo Pascual & Maricel Soriano
Prince & Princess of RP Movies -- Richard Gutierrez & Heart Evangelista
All Time Favorite Actor/Actress -- Tirso Cruz III & Susan Roces
Most Popular Child Actor/Actress -- Jiro Manio & Isabella de Leon
Most Popular Love Team of RP Movies -- John Lloyd Cruz & Bea Alonzo
Most Popular Novelty Singer -- Bayani Agbayani
Most Popular Male/Female Singer -- Ogie Alcasid & Regine Velasquez
Most Popular Group Singer/Entertainer -- Sex Bomb Singers
Most Promising Group Singer/Entertainers - Masculados
Most Popular Dance Group -- Sex Bomb Dancers
Most Promising Male/Female Star -- Paolo Bediones & Iza Calzado
Most Promising Male/Female Singer -- JayR & Sarah Geronimo
Most Popular Writers -- Artemio Abad, Melisa del Rosario at Keiko Aquino
Most Popular Producer -- Star Cinemaramas
Special Awards: Grand Slam Award - Piolo Pascual
Youth Achievement Award -- Jolina Magdangal
Bert Marcelo Memorial Award -- Janno Gibbs
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended