^

PSN Showbiz

StarStruck, may Extra Challenge

-
Bibigyan ng Extra Challenge ang walong StarStruck teens ng isa pang pagkakataong makamit ang titulong The Ultimate Survivor!

Sa isang malayong isla, ibabagsak sina Tyrone, Anton, Katrina, Kristine, Christian, Alvin, Sheena at Jade. Ang akala nilang showdown ng talento, mauuwi pala sa pisikal na pagpapahirap.

Maiiwan ang mga bata sa islang walang elektrisidad at walang tubig. Kukunin ang kanilang bag dahil bawal ang sabon, toothbrush, damit at pagkain. At ang pinakamatindi para sa ating mga challengers, bawal ang cellphone!

Sundan ang paghihirap ng mga StarStruck teens upang makapagpatayo ng kubo. Antabayanan ang kanilang pagsubok sa pangingisda, pagha-hunting at paghahanap ng pagkain sa isla, pati na ang pag-aaway na magaganap pag sila’y nagugutom na. Abangan din ang matinding samahang ipapakita ng grupo sa gitna ng madugong challenge.

Ang tatanghaling Ultimate Survivor ng Isla... alamin mula Pebrero 16 hanggang 20, 2004 sa "StarStruk Survivors" ng Extra Challenge!

ABANGAN

ALVIN

ANTABAYANAN

ANTON

BIBIGYAN

EXTRA CHALLENGE

ISLA

KRISTINE

KUKUNIN

ULTIMATE SURVIVOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with