Judy Ann, nagtayo ng foundation para sa mga fans!
February 17, 2004 | 12:00am
Hanga kami kay Judy Ann Santos. Nagtayo ito ng sariling foundation na tinawag niyang Touch A Heart Foundation na kung saan ilalaan niya ang five to ten % ng kanyang kita. Hindi lang ito para sa kanyang mga fans kundi maging sa mga ordinaryong kababaihan na nangangailangan ng tulong.
Bilang ganti sa ipinakitang pagmamahal at suporta ng mga fans sa kanya ay binigyan niya ito ng pagkakataong kumita sa pamamagitan ng mga madadaling kurso gaya ng facial, massage at haircutting. Pumili siya ng 50 fans at pinakuha sila ng seminar tungkol sa pagpapaganda. May graduation din para magkaroon ng katibayan na tapos sila ng kurso.
Hindi namin pinalalampas ang telenobelang Te Amo dahil nagagandahan kami sa istorya nito. Inosente ang beauty ni Iza Calzado na taliwas naman sa pag-uugali ni Angelu de Leon bilang kontrabida.
Nang i-offer sa kanya ang role ay agad itong tinanggap ni Angelu kaya kahit anong hirap ang dinadanas sa taping ay ginagawa niya dahil enjoy ito sa kanyang trabaho. Nagbiro pa nga ito na sa tunay na buhay ay maldita talaga siya.
Kasisimula pa lang ni Nathalie de Leon sa showbiz ay naging maamo na agad ang magandang kapalaran sa kanya. Nakapag-guest na agad ito sa Magpakailanman at ngayon ay baka maging mainstay ng isang soap opera at sitcom sa Channel 5. Na-meet na ito ng direktor at agad na-impress sa innocent beauty ng balikbayan na handang pasukin ang magulong daigdig ng showbiz.
Naipakilala na rin ito sa ilang prodyuser at nangako silang bibigyan siya ng magandang role sa pelikula. "Hindi naman ako nagmamadali dahil Im only 16 years old at malayo pa naman ang aking mararating. Umaasa ako na sanay dumating na nga ang break na hinihintay ko at mapasama sa soap opera at sitcom titled Ang Texas ni Mang Pedro sa direksyon ni Gil Soriano na siya ring nagdirek noon ng Anna Liza at iba pa.
Nag-workshop na ito kay Lore Reyes pero nag-undergo pa rin ng acting lessons. Gusto pa rin nitong mahasa sa pagkanta kaya kukuha rin ng voice coach.
Dalawa nang malaking pagdiriwang sa Caloocan ang naimbitahan kami at sa pagiging guest speaker ni Mayor Rey Malonzo lagi niyang nababanggit ang malaking paghanga kay Pangulong Gloria Macapagal. Lagi niyang sinasabi kung gaano kalaki ang naitulong nito sa movie industry. Kabilang na rito ang Metro Manila Film Festival na ginawa niyang nationwide bukod sa pagbibigay ng insentibo (cash) sa mga scriptwriters, producers at mga pelikulang de-kalidad maiangat lang ang ating movie industry.
Nang hingin ni Mayor Rey ang suporta mula kay GMA para magbigay ng P50M subsidy ay nagbigay agad ito para sa kapakanan ng mga taga-showbiz, ni hindi siya tumutol dahil bilang avid fan ng mga action films ay nandoon ang malasakit niya sa movie industry.
Sana nga ay matupad ang pangarap ni GMA na makapagpatayo ng isang laboratoryo na lilikha ng mga special effects para hindi na dumayo pa ng Hongkong ang mga prodyusers.
Instant ang pagsikat ng young actress na ito na isa ring magaling na singer. Stage mother ang mommy nito na tumatayong adviser at tsaperon ng kanyang anak.
Naibulong ng aming source na masyado itong concern sa career ng kanyang anak kaya pinagbabawalan nitong kumain nang marami ang anak dahil baka tumaba ito. Bata pa naman ang anak kaya may baby fats kaso pursigido ang ina na magkaroon ito ng sexy figure. Bukod kasi sa TV shows ay lumalabas na rin ang aktres sa pelikula kung saan alaga siya ng isang major movie company.
Bilang ganti sa ipinakitang pagmamahal at suporta ng mga fans sa kanya ay binigyan niya ito ng pagkakataong kumita sa pamamagitan ng mga madadaling kurso gaya ng facial, massage at haircutting. Pumili siya ng 50 fans at pinakuha sila ng seminar tungkol sa pagpapaganda. May graduation din para magkaroon ng katibayan na tapos sila ng kurso.
Nang i-offer sa kanya ang role ay agad itong tinanggap ni Angelu kaya kahit anong hirap ang dinadanas sa taping ay ginagawa niya dahil enjoy ito sa kanyang trabaho. Nagbiro pa nga ito na sa tunay na buhay ay maldita talaga siya.
Naipakilala na rin ito sa ilang prodyuser at nangako silang bibigyan siya ng magandang role sa pelikula. "Hindi naman ako nagmamadali dahil Im only 16 years old at malayo pa naman ang aking mararating. Umaasa ako na sanay dumating na nga ang break na hinihintay ko at mapasama sa soap opera at sitcom titled Ang Texas ni Mang Pedro sa direksyon ni Gil Soriano na siya ring nagdirek noon ng Anna Liza at iba pa.
Nag-workshop na ito kay Lore Reyes pero nag-undergo pa rin ng acting lessons. Gusto pa rin nitong mahasa sa pagkanta kaya kukuha rin ng voice coach.
Nang hingin ni Mayor Rey ang suporta mula kay GMA para magbigay ng P50M subsidy ay nagbigay agad ito para sa kapakanan ng mga taga-showbiz, ni hindi siya tumutol dahil bilang avid fan ng mga action films ay nandoon ang malasakit niya sa movie industry.
Sana nga ay matupad ang pangarap ni GMA na makapagpatayo ng isang laboratoryo na lilikha ng mga special effects para hindi na dumayo pa ng Hongkong ang mga prodyusers.
Naibulong ng aming source na masyado itong concern sa career ng kanyang anak kaya pinagbabawalan nitong kumain nang marami ang anak dahil baka tumaba ito. Bata pa naman ang anak kaya may baby fats kaso pursigido ang ina na magkaroon ito ng sexy figure. Bukod kasi sa TV shows ay lumalabas na rin ang aktres sa pelikula kung saan alaga siya ng isang major movie company.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended