Nagma-mark na sa tao si Mark
February 16, 2004 | 12:00am
Household name na ang pangalang Mark Bautista pagkatapos niyang maging finalist sa Star For A Night last year.
"Hindi nga po ako makapaniwala na may ganitong swerteng darating sa akin," sabi ng 20 year old na si Mark.
"Hindi ko po ini-expect na magiging ganito kabilis ang takbo ng career ko," dagdag ni Mark na naka-kontrata sa Viva Artist Agency headed by Ms. Veronique del Rosario Corpus.
Mas lalo siyang napansin nang makasama siya ni Sarah Geronimo sa video ng phenomenal hit song ng pop star na "Forever Is Not Enough". Maraming nakapansin sa kanya aside from his unique voice and looks na medyo may pagka-chinito.
At ngayon, hindi na lang siya kakanta. Mapapanood na rin siyang umarte sa isang soap opera sa ABS-CBN na mapapanood before the end of the month. Ito ay matapos siyang pumirma ng kontrata sa Star Network with Sarah Geronimo and Mikel Campos na pawang mga Viva talents.
Sila ni Sarah ang main attraction sa bagong teleserye na ilo-launch ng ABS-CBN. Wala pang final title ang nasabing soap opera.
Nakipag-showdown na sila ni Sarah sa Star In A Million champion na si Eric Santos at ang runner up na si Sheryn Regis.
"Sobrang proud nga po ang mga kababayan ko sa Cagayan de Oro. Text sila ng text. Yung parents ko, everyday tumatawag," he said.
Ngayon pa lang sinasabing si Mark ang first and only Prince of Pop ng local music industry at ang susunod na Richard Gomez pagdating sa pag-arte.
Kasama siya sa pelikulang Annie B. starring Jolina Magdangal, Jordan Herrera and Dingdong Dantes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am