^

PSN Showbiz

Isa pang Revilla sa showbiz

- Veronica R. Samio -
One and a half years old lamang si Ram Revilla nang una siyang humarap sa kamera ng pelikula. Ito ay sa Cris Cuenca na kung saan ay lumabas siyang anak nina Senador Ramon Revilla at Eula Valdez.

Sa edad na katorse ay napasama na siya sa isang adult movie under Romy Suzara sa pelikulang Hiram ng Angora Films.

At 16, ilulunsad na siya ng Magsaysay Films International sa isang pelikula ni Ed Palmos na pinamagatang Anak Ka Ng Tatay Mo na dating Lukso ng Dugo pero binago ng kanyang amang si Senador Ramon Revilla ang titulo.

Tuwang-tuwa si Ram kapag nakakakita ng artista. At marahil dahil artista ang kanyang angkan (ang kanyang lola, ang character actress na si Lynn Madrigal, ay aktibo pa rin sa paggawa ng pelikula at kasama sa Makamundo na line produced ni Olive Madrilejos sa direksyon ni Baldo Marro, kung kaya sa pag-aartista rin siya lumagpak!

"Gusto kong gawin itong propesyon. At susundin ko ang sinabi ng father ko na kailangan dito ay hardwork, concentration at dedication," pangako ng bagong artista.
* * *
Bonggang-bongga naman at mabituin ang debut ni Anne Jeb na ginanap sa Illustrado sa Intramuros nung nakaraang Linggo. Surprised nga ako dahil bukod sa ang isa sa nagkakandaugaga sa pagsasaayos ng programa ay ang Girl Friday ni Dondon Monteverde na si Pola Punla. Yun pala ay isa ang debutante sa mga inaalagaan nila at gagawing artista when the proper time and the proper role come.

Samantala, join muna ang magandang celebrator na anak ng isang British father at Filipino mother na sina Mr. & Mrs. Phillip Jeb sa Bb. Pilipinas next year.

Maraming guests si Anne, tulad ni Troy Montero, Ara Mina at Jeni Hernandez na nagpaunlak ng awitin. Nakita ko rin sina Dra. Vicki Belo, Ana Capri, Jomari Yllana at si Richard Villanueva, na hindi lamang isang mahusay na host kundi isa pa ring magaling na singer. Lahat sila ay mina-manage ni Dondon Monteverde.

Naro’n din ang fashion czar na si Pitoy Moreno na siyang gumawa ng gown ni Anne at gayundin si Goullee Gorospe na nagdisenyo naman ng isa sa mga damit na isinuot ng may kaarawan.

Karamihan sa mga bisita ay mga mag-aasawang Pinoy at Dutch na pawang mga kaibigan ng mga magulang ni Anne. Sina Anne din ay sa Holland naninirahan bago sila umuwi dito. Ang nakatabi ko sa mesa ay isang Pinay na sa Holland din naninirahan. Kasama niya ang kanyang dalawang anak, isa ay anak niya sa isang Pilipino at ang ikalawa ay sa isang taga-Holland. Kasama sila ni Elena Angeles, ina ng popular na potograpo na si Xander Angeles, na sa Amerika rin naninirahan kasama ang isa pa niyang anak.
* * *
Maganda ang Kuya. Magugustuhan ito ng mga bagets na naghahanap ng isang now na pelikula. Nakuha ng direktor nito na si Dominic Zapata ang pulso ng mga kabataan bagaman at ang mga bagets na character sa pelikula ay yung mga nasa middle class, di mga poor. Nevertheless makaka-relate dito ang maraming kabataan dahil ang mga ipinakitang mga eksena ay karaniwan nang gimik nila.

Lahat ng kabataan, nabigyan ng magandang exposure bagaman at pinaka-challenging yung role ni Oyo Boy Sotto, hindi maiiwasan ng manonood na ma-cute-an kina Chynna Ortaleza at Richard Gutierrez. Sorpresa naman yung roles nina Danilo Barrios at James Blanco.

Akala ko maalangan si Aubrey Miles sa kanyang mga co-stars pero hindi, nag-blend naman siya sa kanila.

Ang ganda ni Maxene Magalona na kung maaalagaan ng husto ay nagpapakita ng malaking promise.

Nagulat ako na bukod sa napaka-ganda ni Angel Locsin sa screen ay magaling pa rin siyang umarte. Nagawa niyang iangat ang kanyang sarili.
* * *
Ang tinaguriang "Doktor ng Masa" na si Dr. Gary Sy ay may bagong programa sa DZMM radio, 11-12 am, every Sunday na pinamagatang Gabay ng Kalusugan.

Ito rin ang titulo ng kanyang libro na lumabas na at mabibili sa lahat ng Mercury Drug Stores at sa kanyang klinika sa Life Extension Centers, isa sa Manila at isa sa Laguna. Sa mga gustong bumili ng libro, mangyari lamang na tumawag sa 4004052.

ANA CAPRI

ANAK KA NG TATAY MO

ANGEL LOCSIN

DONDON MONTEVERDE

ISA

ISANG

KANYANG

SENADOR RAMON REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with