^

PSN Showbiz

Si Marcos din tumulong sa industriya ng pelikula

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Nakakalungkot ang nangyayari ngayon sa industriya ng pelikulang Pilipino. Nahahati ang industriya dahil sa pulitika. Yong mga higit na nirerespetong artista sa pelikula, kabilang na ang mga beterano at ang mga progresibong mga kabataan ay nasa kampo ni FPJ. Natural yon dahil siya ang kinikilalang hari ng pelikula, at ipinagmamalaki nga nila na hindi sila binabayaran kundi boluntaryo at sila pa ang gumagastos sa kanilang mga lakad.

Sa palagay nila, ang pagiging pangulo ni FPJ ang siyang makakatulong ng malaki sa industriya ng pelikulang Pilipino na halos patay na nga. Kahit na ano ang sinasabing tulong ng gobyerno, wala nang gustong mag-produce ng pelikula.

Sa kabilang banda, ang mga artista ng Viva Films ay naroroong lahat kay Presidente Gloria Macapagal Arroyo. Ang sabi nila, bilang pasasalamat daw iyon sa ginawa ng pangulo para sa industriya, pero kakatuwang puro galing sa isang kumpanya lamang sila na para bang sila lang ang nabiyayaan talaga

Sinabi rin ni GMA na sa lahat ng presidente, siya ang may pinakamaraming nagawa sa industriya ng pelikula. Nagbigay daw siya ng subsidy na P50M sa film festival. Binabaan niya ang amusement tax sa ibang lugar, hindi lahat ay nagpapatupad ng pagbaba ng amusement tax na iyan. Nagkampanya raw sila laban sa film piracy. Mas malaki raw tulong ang nagawa niya sa showbusiness kaysa sa mga taga-showbusiness, na ang pinatutungkulan nga siguro ay ang dating pangulong Erap.

Diyan hindi kami pabor. Ang nagsimula niyang film festival ay si Mayor Antonio Villegas ng Maynila. Pinalawak yan at binigyan ng subsidy ng dating Unang Ginang Imelda Marcos. Sinimulan din ni Imelda ang isang Manila International Film Festival. Sa panahon din niya naitayo ang Manila Film Center na nagiba na dahil pinabayaan naman simula pa noong administrasyon ni Presidente Aquino. Tinulungan din ni Imelda ang ilang pelikulang ipinadala sa mga international film festivals at noong panahong yon ay pinakilos ang mga commercial attaché ng Pilipinas para tulungan ang industriya.

Panahon din ng mga Marcos, nang simulan ng ngayon ay Congresswoman Imee Marcos ang Metropop Music Festival. Nagbigay din sila ng Cecil Awards, na kinuha sa pangalan ni Cecil Lloyd, na lalong kilala sa pangalang Mystery Singer.

Si Marcos din ang nagsimula ng Experimental Cinema of the Philippines, kung saan nakakautang ang mga producers na gustong gumawa ng mga matitinong pelikula.

Si Marcos din ang nagsimula ng pagtatatag ng Film Archives kung saan inilagay sa isang catalogue ang mga matitinong pelikulang Pilipino noong araw.

Yan ding Metropolitan Theater, wasak na iyan at sa loob ay mayroong isang boxing arena na pag-aari noon ni Mamerto Besa, tapos sa tabi may isang gay bar kaya sumikat nga iyong Mehan Garden noon sa mga bakla. Inilagay din yan sa ayos ni Imelda. Pero pinabayaan noong panahon ni Aquino. Hindi naman tamang palabasin na para bang ngayon lang magkakaroon ng buhay yang Metropolitan Theater.

Ang sa amin naman ibigay natin ang kredito sa mga taong talagang may nagawa. Aywan lang pero sa palagay namin kung mayroon mang administrasyon na talagang malaki ang nagawa sa industriya ng entertainment, ang mga Marcos iyon.

ANTONIO VILLEGAS

CECIL AWARDS

CECIL LLOYD

DIN

EXPERIMENTAL CINEMA OF THE PHILIPPINES

IMELDA

METROPOLITAN THEATER

PILIPINO

SI MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with