Fantaserye,bagong inobasyon sa TV
February 14, 2004 | 12:00am
Pagkatapos ng Mexican telenovela, local dramedy, Chinovela, Korean telenovela, ang Fantaserye ang pinaka-bagong inobasyon na ipinakikilala ng ABS CBN sa Pinoy TV.
Pinagsama-sama rito ang traditional fantasy and myth, hi-tech TV production methods, scope and polish ng mga palabas ng ABS CBN sa bagong programa na may pamagat na Marina na kung saan tampok si Claudine Barretto na di pa man nahihimasmasan sa napakalaking tagumpay ng kanyang pelikula sa Star Cinema na pinamagatang Milan opposite Piolo Pascual sa direksyon ni Olive Lamasan.
Si Claudine si Marina, anak nina Esther (Snooky Serna) at Elias (Joel Torre). Naging sirena ito dahil sa sumpa ng isang sirena na nagpapanggap na tao, si Victoria (Cherie Gil) na naghihiganti lamang kay Elias sa pamamagitan ni Marina. Para maalis ang sumpa, iniwan ni Elias ang kanyang mag-ina.
Sa ikapitong kaarawan ni Marina natupad ang sumpa, naging sirena ito. Sa takot na saktan ito ng kanyang mga kabaryo, iniwan ni Esther si Marina sa dagat na naging dahilan para siya kasuklaman ni Marina. Nakita siya at kinupkop ni Istah (Sunshine Cruz), ang reyna ng mga sirena.
Kasama rin sa bagong palabas sina Agot Isidro (Sheila Corrales), Bobby Andrews (Raphael Sandico), Eugene Domingo (Lorelei), Malu de Guzman (Dugong), Meryll Soriano (Luna Raymundo), Debraliz (Pilar Ballesteros) at Jenny Miller (Vyxia). May roles din ang mga kabataang artista na sina Maoui David, Dustin Reyes, Robin Tolentino, John Barretto, Pauleen Luna, Gabby Drillon, Alvin Fortuna at Luke Jickain. Direksyon ni Wenn Deramas,
Ang daming nagtatanong, bakit sa Senado tumatakbo si Jinggoy Estrada. Bakit hindi sa San Juan bilang mayor? Hindi ba ito ang una niyang balak? Nagbago ba ito dahil kapatid niya ang makakalaban niya? Eh bakit hindi sa Kongreso?
"Sa Senado binubuo ang mga batas na siyang nagpapagalaw at may pakialam sa bawat bahagi ng buhay ng tao.
"Lahat lahat. Tu-mawid ka lamang ng kalye, may batas na tungkol dyan. Mamasahe ka man o magmaneho, may batas pa rin dyan, Mag-aral ka, magtrabaho, magnegosyo, makulong ka man o makalaya na tulad ko, lahat nito may sinusunod na batas.
"Kaya pinili ko ang Senado upang makapagpanukala ng batas na magbibigay ng benepisyo sa mas nakakarami.
"Sa ngayon karamihan ng pamahalaang batas na gawa ng Kongreso o Senado ay para lamang sa may kaya, dahil sila ang malakas mang-impluwensya sa mambabatas.
"Limang batas ang itataguyod ko 1) Pagbabalik ng tiwala sa hustisya 2) Pagbibigay lakas sa gobyerno lokal 3) Paglalantad ng gastusing public works sa kanayunan 4) Pagbuwag ng mga sagabal sa kabuhayan at 5) Pagbibigay ng pagkakataon na makapag-aral sa kolehiyo ang nakararaming kabataan."
Pinaka-bentahe marahil ni Lorna Tolentino sa mga naging host na ng All About You , isang magazine, lifestyle show ng GMA 7 at napapanood tuwing Linggo, bago mag-SOP, ay ang kanyang malawak na karanasan bilang homemaker, wife, mother, businesswoman at career woman. Bagaman at ang mga nauna sa kanyang mga hosts Lucy Torres, Dawn Zulueta, Mikee Cojuangco at Miriam Quiambao ay pawang mga housewives din and mothers, ang pagiging senior sa kanila ni LT gives her an edge to a wider knowledge about the many topics na siguradong pag-uusapan sa isang programang tulad ng All About You.
Maswerte na rin si LT dahilan sa nasabay sa pagpasok niya ang pagdiriwang ng first anniversary ng show. Mas festive ang atmosphere. Magagawa niyang samahan ang mga manonood sa ibat ibang activities kasama ang kanilang pamilya, anak, kaibigan, alaga at marami pang iba.
Pinagsama-sama rito ang traditional fantasy and myth, hi-tech TV production methods, scope and polish ng mga palabas ng ABS CBN sa bagong programa na may pamagat na Marina na kung saan tampok si Claudine Barretto na di pa man nahihimasmasan sa napakalaking tagumpay ng kanyang pelikula sa Star Cinema na pinamagatang Milan opposite Piolo Pascual sa direksyon ni Olive Lamasan.
Si Claudine si Marina, anak nina Esther (Snooky Serna) at Elias (Joel Torre). Naging sirena ito dahil sa sumpa ng isang sirena na nagpapanggap na tao, si Victoria (Cherie Gil) na naghihiganti lamang kay Elias sa pamamagitan ni Marina. Para maalis ang sumpa, iniwan ni Elias ang kanyang mag-ina.
Sa ikapitong kaarawan ni Marina natupad ang sumpa, naging sirena ito. Sa takot na saktan ito ng kanyang mga kabaryo, iniwan ni Esther si Marina sa dagat na naging dahilan para siya kasuklaman ni Marina. Nakita siya at kinupkop ni Istah (Sunshine Cruz), ang reyna ng mga sirena.
Kasama rin sa bagong palabas sina Agot Isidro (Sheila Corrales), Bobby Andrews (Raphael Sandico), Eugene Domingo (Lorelei), Malu de Guzman (Dugong), Meryll Soriano (Luna Raymundo), Debraliz (Pilar Ballesteros) at Jenny Miller (Vyxia). May roles din ang mga kabataang artista na sina Maoui David, Dustin Reyes, Robin Tolentino, John Barretto, Pauleen Luna, Gabby Drillon, Alvin Fortuna at Luke Jickain. Direksyon ni Wenn Deramas,
"Sa Senado binubuo ang mga batas na siyang nagpapagalaw at may pakialam sa bawat bahagi ng buhay ng tao.
"Lahat lahat. Tu-mawid ka lamang ng kalye, may batas na tungkol dyan. Mamasahe ka man o magmaneho, may batas pa rin dyan, Mag-aral ka, magtrabaho, magnegosyo, makulong ka man o makalaya na tulad ko, lahat nito may sinusunod na batas.
"Kaya pinili ko ang Senado upang makapagpanukala ng batas na magbibigay ng benepisyo sa mas nakakarami.
"Sa ngayon karamihan ng pamahalaang batas na gawa ng Kongreso o Senado ay para lamang sa may kaya, dahil sila ang malakas mang-impluwensya sa mambabatas.
"Limang batas ang itataguyod ko 1) Pagbabalik ng tiwala sa hustisya 2) Pagbibigay lakas sa gobyerno lokal 3) Paglalantad ng gastusing public works sa kanayunan 4) Pagbuwag ng mga sagabal sa kabuhayan at 5) Pagbibigay ng pagkakataon na makapag-aral sa kolehiyo ang nakararaming kabataan."
Maswerte na rin si LT dahilan sa nasabay sa pagpasok niya ang pagdiriwang ng first anniversary ng show. Mas festive ang atmosphere. Magagawa niyang samahan ang mga manonood sa ibat ibang activities kasama ang kanilang pamilya, anak, kaibigan, alaga at marami pang iba.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended