Juday,pinalutang ang pagka-aktres sa 'BKK'
February 13, 2004 | 12:00am
Tulad nang inaasahan, tumabo nang husto sa takilya ang Milan sa unang araw ng paglalabas nito. Miyerkules ng tanghali, nakatanggap ako ng tawag mula kay Roxy Liquigan, AdProm director ng Star Cinema para ibalitang breaking box-office records ang Claudine Barretto-Piolo Pascual starrer.
"Super lakas ng movie!" excited na tinuran ni Roxy. "First screening pa lang, jampacked na ang mga theaters. Ini-expect namin, late in the afternoon pa dadagsa ang tao pero umaga pa lang, mahaba na ang pila sa mga sinehan."
Hindi na ako nagtaka kung bakit kumikita ang Milan. Napanood ko na ito sa premiere nito sa Megamall noong Martes at pwede kong sabihin na isa nga ito sa best local films ever made. Simple ang istorya pero kukurot sa puso ang mga eksena at mga linya ng mga characters.
Tama nga ang sinabi ni Olive Lamasan, bonus na lang ang magandang lugar ng Milan sa movie. Ang kwento nito ang titimo sa puso at isip ng bawat manonood.
Maraming eksena sa movie na makaka-relate ang tao. Hindi lang sa love story angle kundi pati na rin sa individual characters nina Lino at Jenny.
Dahil sa husay ng kanilang performance sa movie, tiyak na mapapansin sina Claudine at Piolo ng mga award-giving bodies next year. Bet namin ito for Best Picture award next year.
Matapos ang big scene nina Judy Ann Santos at Robin Padilla sa Bastat Kasama Kita last week, Juday gets to play another challenging role. Dahil may bagong undercover assignment, Juday plays Gula, ang taong gubat sa perya.
Napagod ng husto si Judy Ann sa mga action scenes sa rescue operations ng Eagles last week kaya aliw siya na kakaiba naman ang role niya.
Biniro ko nga ito na binabalikan niya ang karakter niya noon na Ula, ang batang gubat.
"Masaya at nakakaloka ang mga pinagagawa sa akin," reaksyon nito nang tanungin ko. "Funny talaga yung mga eksena namin. Magugulat ang mga followers ng Bastat Kasama Kita.
Very challenging talaga kay Juday ang serye nila ni Robin Padilla. Imagine, sa loob ng ilang buwan, she has already portrayed a lot of characters. Naging maid, prosti, disco girl, transvestite at na-possess na siya sa BKK.
Speaking of Bastat Kasama Kita, gustong pasalamatan ni executive producer Julie Ann Benitez ang mga bumubuo ng Philippine Coast Guard sa suportang ibinigay nito sa pagsasagawa ng big scene last week.
Salamat daw kina RADM Arthur Gosingan, CDR Danilo Abinoja. CDR Avelino Fortuna, CDR Arturo Polavario, CDR Rolando Dizon at ang mga officers and men of BRP San Juan. Kung hindi raw dahil sa suporta ng mga nabanggit, hindi magiging matagumpay ang nasabing explosive scene ng BKK.
Nakatakda sa February 21 ang Going Public, ang grand musical showdown ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School Glee Club na gaganapin sa Folk Arts Theater (Tanghalang Francisco Balagtas). The event is also the grand reunion of all RMCHS alumni.
For ticket inquiries and reservations, pwede ninyong tawagan si Ed Boquecosa sa 434-3402/922-6338 o 0918-4466706.
"Super lakas ng movie!" excited na tinuran ni Roxy. "First screening pa lang, jampacked na ang mga theaters. Ini-expect namin, late in the afternoon pa dadagsa ang tao pero umaga pa lang, mahaba na ang pila sa mga sinehan."
Hindi na ako nagtaka kung bakit kumikita ang Milan. Napanood ko na ito sa premiere nito sa Megamall noong Martes at pwede kong sabihin na isa nga ito sa best local films ever made. Simple ang istorya pero kukurot sa puso ang mga eksena at mga linya ng mga characters.
Tama nga ang sinabi ni Olive Lamasan, bonus na lang ang magandang lugar ng Milan sa movie. Ang kwento nito ang titimo sa puso at isip ng bawat manonood.
Maraming eksena sa movie na makaka-relate ang tao. Hindi lang sa love story angle kundi pati na rin sa individual characters nina Lino at Jenny.
Dahil sa husay ng kanilang performance sa movie, tiyak na mapapansin sina Claudine at Piolo ng mga award-giving bodies next year. Bet namin ito for Best Picture award next year.
Napagod ng husto si Judy Ann sa mga action scenes sa rescue operations ng Eagles last week kaya aliw siya na kakaiba naman ang role niya.
Biniro ko nga ito na binabalikan niya ang karakter niya noon na Ula, ang batang gubat.
"Masaya at nakakaloka ang mga pinagagawa sa akin," reaksyon nito nang tanungin ko. "Funny talaga yung mga eksena namin. Magugulat ang mga followers ng Bastat Kasama Kita.
Very challenging talaga kay Juday ang serye nila ni Robin Padilla. Imagine, sa loob ng ilang buwan, she has already portrayed a lot of characters. Naging maid, prosti, disco girl, transvestite at na-possess na siya sa BKK.
Speaking of Bastat Kasama Kita, gustong pasalamatan ni executive producer Julie Ann Benitez ang mga bumubuo ng Philippine Coast Guard sa suportang ibinigay nito sa pagsasagawa ng big scene last week.
Salamat daw kina RADM Arthur Gosingan, CDR Danilo Abinoja. CDR Avelino Fortuna, CDR Arturo Polavario, CDR Rolando Dizon at ang mga officers and men of BRP San Juan. Kung hindi raw dahil sa suporta ng mga nabanggit, hindi magiging matagumpay ang nasabing explosive scene ng BKK.
For ticket inquiries and reservations, pwede ninyong tawagan si Ed Boquecosa sa 434-3402/922-6338 o 0918-4466706.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended