^

PSN Showbiz

Sikat na aktor, nagmukhang alalay ng premayadong aktres!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nagkaroon ng isang mahalagang showbiz function ang mga taga-industriya. Guest speaker ang sikat na premyadong aktres. Ilang movie press ang nakausap ko at sinasabing nagmukhang alalay ang sikat na actor na walang ginawa kundi sumunod nang sumunod sa aktres kahit saan ito magtungo.

Nang lumapit ito sa rostrum ay dali-dali siyang tumayo at inalalayan ang aktres nang bumaba sa stage matapos ang talumpati.

Hanggang sa makaalis ito ay nakasunod pa rin ang aktor. Sey nga ng isang mataray na writer "Sa kanyang katayuan bilang sikat at multi-awarded actor ay di niya ito dapat ginawa dahil may iba namang tutulong sa aktres. Parang bumaba tuloy ang paghanga namin sa kanya dahil nagmukha talaga siyang alalay. Type ko naman ang kanyang kagwapuhan at galing sa pag-arte.

Woman of the hour ngayon ang maganda pa ring aktres dahil visible ito sa pagpasok ng asawa sa pulitika samantalang ang sikat na aktor ay kilala sa drama at may regular TV show.
Iiwan Ang Showbiz
Isa sa mga dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Miriam Quiambao sa dating boyfriend ay dahil naging seloso ito nang maging celebrity ang dating beauty queen. Nasasakal na siya sa kanilang relasyon kaya hiniwalayan niya ito. Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon ni Hans Montenegro. Nagkakilala sina Miriam at Claudio Rondenelli hanggang magkaibigan na humantong sa kasalan.

Balitang maraming negosyo sa Hong Kong ang napangasawa ng dating beauty queen kaya doon na mamimirmihan ang TV host. Pero bago ito ay baka mag-honeymoon muna sila sa Italy. Napakaganda ng bahay ni Claudio sa Hong Kong ayon sa TV host.

Inamin ni Miriam na hindi naman niya iiwan ang showbiz dahil malapit lang ang Hong Kong sa Pilipinas.

"Para ka lang nag-bus papuntang probinsya. Pwede naman akong mag-taping kung kinakailangan basta’t huwag lang daily. Pwede namang weekly, di ba? Pero kung papipiliin ako between my husband and career ay pipiliin ko ang aking asawa o pamilya dahil pwede namang balik-balikan ang career. Naga-adjust pa muna kami kaya ayaw muna naming magka-anak," aniya.
Naiibang Uri Ng Halimaw
Isa na namang pelikulang katatakutan ang mapapanood kung saan hinaluan ng suspense thriller ang Bone Snatcher.

Umiikot ang kasaysayan tungkol kay Dr. Zack Stroker na ipinadala sa isang misyon sa Namib Desert sa Africa. Labing-anim na oras silang naglakbay kasama ang ilang escort. Kahit armado ay ninerbyos ang lahat nang matagpuan ang isang trak ng mga duguang bangkay. Hati-hati ang mga katawan nito at inalis ang mga laman mula sa buto, tinanggal ang ulo na hinayaan na lang na matuyo sa init ng araw.

Sino ang kanilang kalaban? Nang gabing yoon ay lumitaw ang kanilang hinahanap na kalaban… isa itong halimaw. Paano kaya nila mapapatay ito?

Ito ang malaking katanungang sasagutin ng pelikulang Bone Snatcher sa direksyon ni Jason Wulfsohn.

Palabas na sa Peb. 18 sa inyong paboritong sinehan ang Bone Snatcher.
Balikan Pa Kaya Si Ciara?
Naka-recover na si Ciara Sotto sa paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz. Katunayan nga ay blooming ito nang makita namin sa kasalan nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Hindi naman maipagkakaila na naging close ito kay Onemig Bondoc kung saan naging mag-on din ang dalawa noon. Nagkasama rin sila sa Buttercup at lalong naging close sina Uno at Ciara.

Pero ayon sa aktor ay wala na siyang balak na balikan pa si Ciara dahil mas makabubuti pang maging malapit na lang silang magkaibigan.
Di Hirap Sa Long Distance Love Affair
Natutuwa kami dahil seryoso na nga sa pag-ibig si Jolina Magdangal kung saan boto sa boyfriend niya ang pamilya Magdangal. Nag-aaral ito ngayon sa New York at galing sa iginagalang na angkan ng mga Muñoz. Isa sa mga katangiang nagustuhan ng actress-singer sa boyfriend ay ang pagkakaroon nito ng sense of humor at pagiging pribadong tao.

Nasa wastong edad na naman si Jolens para magka-boyfriend pero malayo pa sa isip ang paglagay sa tahimik. Hindi kaya siya nahihirapan dahil magkalayo sila?

Ayon kay Jolens, okey lang sa kanya ang long distance love affair dahil open naman ang kanilang komunikasyon dahil sa telepono at internet. Isa pa, busy din naman siya sa kanyang trabaho bilang artista at singer.

BALIKAN PA KAYA SI CIARA

BONE SNATCHER

CENTER

DAHIL

HONG KONG

ISA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with