Kapag pinanood mo ang 'Milan' parang nakarating ka na rin sa Italya
February 10, 2004 | 12:00am
Hindi isang travelogue ang Milan, ang pelikulang pinagtatambalan nina Piolo Pascual at Claudine Barretto sa direksyon ni Olive Lamasan. Isa itong love story na kinunan sa isang napakagandang siyudad sa Italya, ang Milan na kung saan maraming kalapati ang naglalaro sa harapan ng isang katedral. Pwedeng magpa-kodak kasama ang mga ibon, pero may bayad. Pwede rin silang pakainin at pakinggan ang mga tunog na kanilang nililikha. Bagay talaga ang lugar sa isang love story.
May eksena sina Piolo at Claudine sa isang gondola, yung isang sasakyang pangtubig na madalas mapanood sa mga pelikula ng Hollywood.
At yung Lake Coumo, isang paradise-like lake na napapalibutan ng bundok at mga villas na ang isa ay pag-aari ng popular na taga-disenyo ng damit na si Georgio Armani at kung saan ay inilunsad ang album ni Ricky Martin, na kaibigan ng designer. May madamdaming eksena na kinunan dito ang Milan na talagang aantig sa inyong damdamin pero hindi nyo rin maiiwasang hangaan ang kagandahan ng lugar.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended