Juday, kailangan ng dugo
February 9, 2004 | 12:00am
Inakala naming ang presscon na ipinatawag ay may kinalaman sa political agenda o biglaang pagpasok sa pulitika ni Judy Ann Santos lalo pa ngat ang kasama niya ay si Bukidnon Gongressman Juan Miguel Zubiri. Hindi pala. Sa halip ito ay ang paglulunsad ng Judy Ann Red Cross Special Edition Call cards. Naglaan kasi ang PLDT ng isang milyon sa loob ng limang taon para sa Phil. National Red Cross (PNRC) at kaya narito si Miguel Zubiri ay siya pala ang governor ng PNRC.
Sabi nga ni Judy Ann, "maliban sa pagbibigay kasiyahan sa aming mga tagahanga sa mahusay na pagganap sa mga pelikula, isang malaking karangalan na makatulong kami sa ibang tao nang hindi kailangang umarte o magpatawa sa harap ng kamera. Walang script na sinusundan. Isa itong pagtulong na talaga namang nanggaling sa puso.
"Ive been working with the Red Cross for a long time. Panahon pa ito ng Esperanza at Mara Clara. Nung una pong naimbitahan ako ng PNRC through Gov. Rosa Rosal, ako po ay tumutulong sa recruitment ng voluntary blood donors."
Nanawagan pa si Juday na ipagpatuloy ang pagsuporta sa Red Cross. -- Boni A. Casiano

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended